“Ilang araw ka nang matamlay at walang imik. Is there something wrong?” puna ng mama ni Cali sa kaniya. Nakaupo lang siya sa sofa at tumabi naman ito sa kaniya.
Tumingin naman si Cali sa ina at ngumiti.
“May gumugulo ba sa isip mo? Puwede mong sabihin sa akin, makikinig ako,” malumanay na sabi ng mama niya.
Idiniin pa ni Cali ang kaniyang likod sa pagkakasandal sa malambot na sofa para ipahiwatig sa ina ang kaniyang pag-aalala at pagdadalawang-isip. Alam niyang sa ganitong pagkakataon ay malaki ang maitutulong ng pakikipag-usap niya sa mama niya pero hindi niya alam kung paano sisimulan. Hindi siya kinakausap ni Rave kahit pa silang dalawa lang sa office ng club, hindi na rin ito sumasabay sa kaniya tuwing kakain sa cafeteria. Si Athena naman, hindi niya alam kung paano niya ito kakausapin. Ayaw niyang magalit dito pero hindi niya nagustuhan ang pang-iinsulto nito sa kaniya.
“You’re my son, alam ko kung may pinagdadaanan ka kahit hindi mo sabihin sa akin,” patuloy ng mama niya. Ipinatong nito ang kamay sa balikat niya.
“I feel like I’ve never felt this kind of feeling before,” sambit niya.
“Then, what’s wrong about that?” tanong naman nito.
“I’ve never cared too much like this for anyone,” dagdag pa niya.
“You can just follow your heart,” casual na pahayag ng mama niya.
Tumingin siya rito.
“Hindi naman gano’n kasimple ‘yon, Ma and I don’t think you understand,” sagot niya saka inilayo ang kaniyang tingin mula rito.
“But I understand that you don’t feel the same for Athena, kahit pa sinasabi namin ng papa mo na you’re a perfect pair. I know, and we understand, Cali,” puno ng lambing sa boses na sabi ng mama niya.
“I’m afraid I’m disappointing you,” bumagsak ang ilang butil ng luha sa kaniyang mukha at tumingin siya sa kaniyang ina.
“I’m your mother, and I know you very well. You’re a good son, and I am proud to say that you are also a wonderful person no matter what,” tugon nito sa kaniya habang patuloy naman sa pag-agos ng mga luha sa kaniyang mga mata. “I know that someday you are going to confess your feelings to the person you love. If it’s with a guy, I’ll accept that,” dagdag pa nito.
Ang kanina lang na marahang pag-agos ng mga luha ni Cali ay naging impit na pag-iyak. Hindi niya akalaing ito ang maririnig niya mula sa mama niya.
“But isn’t that too selfish?” sumisinghot pa na tanong niya. “When I choose to follow how I feel pero may nasasaktang iba?” dagdag pa niya.
His mother shook her head.
“We’re the ones who’s being selfish. Na-realize namin ‘yan ng papa mo when you told us that you have no feelings for her,” ngumiti ito at yumuko. “Hindi ka dapat namin pinangungunahan. As long as you're not hurting anyone, there’s nothing to worry about,” mahabang paliwanag nito.
Lumapit siya sa mama niya at niyakap ito nang mahigpit at hinayaan niyang umagos ang kaniyang mga luha. Para siyang nabunutan ng tinik sa kaniyang lalamunan. Kahit paano ay bahagyang gumaan ang kaniyang pakiramdam dahil sa mga narinig na sinabi ng kaniyang ina.
“If you’re able to love and accept yourself for who you are, you’ll also be able to love someone freely and without fear,” paliwanag ng mama niya.
“I love you, Ma,” sambit niya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.
“I love you too, son,” tugon naman ng mama niya.
Gumaan ang pakiramdam ni Cali matapos ang nangyaring pag-uusap nila ng mama niya. Nagkaroon siya ulit ng sigla kahit na ilang araw pa ang lumipas ay hindi pa rin siya kinakausap ni Rave, at si Athena naman ay hindi niya alam kung paano ito haharapin.
Bumalik na sa dating schedule ang training nila kung kaya hindi pa rin sila nagkikita ni Val. Aminado si Cali na gusto niya itong makita kahit pa nag-aalala siya sa magiging reaksyon nito sakaling maalala nito ang mga nangyari nang gabing iyon.
He was walking under the canopy of trees mula sa kanilang faculty papunta sa cafeteria. It was already 5 o’clock in the afternoon kaya naisip niyang magpalipas muna ng oras doon bago umuwi. When he turned left para umakyat ng hagdan ay may bumangga sa kaniya. Laking gulat niya nang makita si Val. Bumilis sa pagkabog ang dibdib niya. Muli niya na namang nasilayan ang malaanghel at maamo nitong mukha. Sumagi rin sa isip niya ang aksidenteng paglapat ng kanilang mga labi ng gabi na ‘yon.
“Oh, I’m sorry,” sambit nito habang nakahawak ang kamay sa noo.
“Are you okay?” may himig ng pag-aalala na tanong niya.
“Yes, sorry hindi kita nakita,” muling paghingi nito ng pasensya.
“It’s okay,” tanging sambit niya nang ma-realize na parang walang nagbago sa pakikitungo nito sa kaniya. Wala man lang bakas sa mukha nito na may naaalala siya nang gabing iyon. “About w-what happened at Athena’s party,” sambit niya.
“Yeah, hinatid na agad ako ni Rave pauwi because I drank too much wine,” casual na sagot nito na mukhang wala man lang naaalala nang gabing iyon.
Nagtaka naman si Cali.
“What is this? Is he saying na wala siyang naaalala mula nang magsimula ang king’s game hanggang sa hinatid siya ni Rave?” tanong niya sa sarili.
“Why? What happened at Ahena’s party?” curious na tanong nito.
“Ah, I mean, yeah, hinanap ka ni Athena but I think you left too early,” pagsisinungaling niya.
“I think I should say sorry to her,” inosenteng sagot naman nito.
“No, it’s okay,” kaagad niya namang tugon.
Tumango naman ito.
“I think I should go,” paalam nito sa kaniya.
Inilagay niya ang mga kamay niya sa magkabilang bulsa at marahang tumango bilang tugon. Nakaalis na si Val sa kaniyang harapan pero hindi siya mapakali.
“What now, Cali?” sigaw ng utak niya.
Nakakailang hakbang na si Val nang tawagin niya ito. Huminto naman ito at humarap sa kaniya. Dahan-dahan siyang lumapit dito, nanatili naman itong nakatingin sa kaniya.
“I wonder if… if you’re free. I mean, I’m going to the River Park and maybe you want to go with me,” nauutal na sabi niya.
Hindi naman ito agad nakasagot, nakatingin lamang ito sa kaniya na para bang binabasa ang laman ng isip niya.
“You mean, you’re asking me out?” diretsong tanong nito na ikinagulat naman ni Cali.
“I mean… not that I’m asking you out… it’s just that, it might be great kung may kasama akong pupunta roon,” paliwanag niya rito.
“You’re nice,” sambit nito.
“W-what?” nagtatakang tanong niya.
“Rave was right when he said that you’re nice. I just didn’t believe it at first,” sagot naman nito.
“I’m usually nice, most especially to people I like,” sabi ni Cali saka iginala ang mga mata sa paligid dahil hindi niya ito magawang titigan.
He almost forgot that Val was naturally straightforward and honest.
“So, you like me?” tanong ni Val.
“Yes. I mean, not that I like you as…,” sagot niya pero pinutol siya nito sa pagsasalita.
“Are we going now?” tanong nito.
Nagulat naman siya sa tinuran nito. Naglakad silang dalawa papunta sa parking area. Hindi nila alam na may nagmamasid sa kanila mula sa malayo hanggang sa makaalis na ang sinasakyan nila.
Pagdating sa park ay tahimik lamang silang naglalakad sa ilalim ng mayayabong na mga puno ng akasya.
“The first time I wanted to get close to someone was when I saw you at the main gate on that day,” basag ni Cali sa katahimikang namamagitan sa kanilang dalawa.
“Really? Then, why were you too hard on me?” tanong naman ni Val.
“I don’t know. But I am sorry for everything that I said to you,” sagot niya at huminto sa paglalakad. Huminto rin si Val at hinintay lang siyang muling magsalita. “Do you still want us to be friends?”
Hindi nito sinagot nang diretso ang tanong niya, nakatingin lang ito sa kaniya.
“When you grabbed me away from that car na muntik nang makabundol sa akin I didn’t think we could be friends,” sagot nito at inilayo ang tingin sa kaniya.
“W-what?” sambit naman ni Cali.
“But after that I thought that maybe I didn’t have friends because I did not put myself out there,” paliwanag ni Val
Mataman namang nakikinig si Cali sa kaniya.
“That’s when I decided to join the team, but I didn’t know that you’re there,” nakangiting sabi niya.
Nagpatuloy sila sa paglalakad. Paminsan-minsan ay may mga nakakasalubong silang nagbibisekleta mula sa kabilang trail. Bahagya nang nag-aagaw ang liwanag at dilim, nakabukas na rin ang mga ilaw mula sa mga poste na nagbibigay ng liwanag sa kahabaan ng trail. Bukas na rin ang mga tiangge sa kahabaan ng riverbanks kung saan unti-unti na ring dumarami ang mga tao. Mula naman sa malayo ay maririnig ang hiyawan at sigawan ng mga nakasakay sa rides. Kung gaano kapayapa ang River Park sa araw ay kabaliktaran naman ito sa gabi dahil tila mas nabubuhay ang buong paligid mula sa mga kumukuti-kutitap na mga pailaw hanggang sa ingay ng perya.
Muling nagsalita si Val.
“In the library, you gave me a drink with a note. Do you honestly think you’re not being friendly?” tanong nito.
“I’ve always wanted you to do your best,” sagot ni Cali.
“I am not really mad at you when you told me that I’m a loser, I was just hurt.” The way he said this made Cali sigh deeply at napatitig sa kaniya. “But when you told me that I did a good job after the demo, somehow it gave me a kind of validation,” dagdag pa ni Val.
“Can I ask you something?” tanong ni Cali.
Tumingin naman sa kaniya si Val at hinintay siyang muling magsalita.
“How is everything going on between you and Rave?” patuloy niya.
“He is nice. Pinagtiyagaan niya akong i-train when I wasn’t able to catch up with the schedule,” sagot nito. “I think we’re closer now than before,” dagdag pa nito.
Muling natahimik si Cali at mas naging mabagal ang kaniyang mga hakbang kung kaya nasa likuran na siya nito. Mas nangibabaw ang kaluskos ng kanilang mga hakbang sa mga tuyong dahon na nahulog mula sa mga puno.
“What do you think?” tanong ni Val saka huminto at lumingon sa kaniya.
“W-what?” tugon ni Cali.
“Are we also getting closer?” seryosong tanong nito at tinitigan siya nang matagal.
Unti-unti nang lumalamig ang buong paligid. Pansin ni Cali ang paminsan-minsang paghawak ni Val sa kaniyang braso dahil sa malamig na hangin na dumadampi rito. Manipis ang suot nitong lavender na oversized shirt na naka-tuck in sa suot niyang washed blue plants.
Imbes na sagutin ang tanong nito ay hinubad ni Cali ang suot na bomber jacket. Dahan-dahan siyang lumapit at ipinatong ito sa magkabilang balikat ni Val upang maibsan ang lamig na nararamdaman nito. Hindi naman ito bumibitiw sa pagkakatitig sa kaniya.
Habang nasa ganoon silang posisyon ay muling naalala ni Cali ang mapulang pisngi ni Val at ang mga inasal nito nang gabing iyon. Bigla siyang napangiti. Talagang wala nang naalala si Val sa nangyari.
“Why?” tanong nito nang mapansin na bigla siyang napangiti.
Naging seryoso naman ang kaniyang mukha bago sumagot.
“Now, we’re getting close,” sambit niya at ipinatong ang kaniyang kamay sa buhok nito at bahagyang ginulo. Hinayaan naman siya ni Val na gawin iyon.
Wala silang kaalam-alam na kanina pa may tahimik na nakamasid sa kanilang dalawa. Mula sa sulok ng mga mata nito ay may namumuong galit dahil sa nakikita nitong closeness ng dalawa. Maya-maya ay may kung ano itong ibinalik sa loob ng bag at saka nilisan ang lugar.