'Tis the Night to Remember

2128 Words
“Why did you do that?” tanong ni Athena kay Cali. “Ang alin?” kalmadong sagot nito. “Why did you kiss him?” galit ang boses na tanong nito. “Athena, it was a dare,” paliwanag naman ni Cali. “You could have say no!” bahagyang tumaas ang boses na sabi nito. “Athena,” sambit ni Cali. “What?” Diretsong nakatitig ito sa kaniya. “We’ve known each other for so many years, but I don’t think I’d ever get the same affection from you,” garalgal ang boses na sabi nito. Tumingin sa malayo si Cali at ipinamulsa ang mga kamay. Hindi na niya maalala ang huling beses na ipinagtapat ni Athena ang nararamdaman nito para sa kaniya. Halos sabay na silang lumaki kaya kilala na nila ang isa’t isa. Kahit ang mga magulang nila ay ini-expect na rin na silang dalawa ang magkatuluyan lalo pa at magkasosyo sa negosyo ang mga ito. Kahit pa paulit-ulit niyang binibigo si Athena sa nararamdaman nito sa kaniya ay hindi naman nagbago ang pakikitungo nila sa isa’t isa. Malapit pa rin sila sa isa’t isa pero hanggang kaibigan lang ang turing niya sa dalaga. “Athena, ilang beses na tayong nag-usap tungkol dito, akala ko ba nagkakaintindihan na tayo?” pakiusap niya. “Yes. Ilang beses na tayong nag-usap. But I think it’s different now. Dahil simula nang dumating si Val sa university ay malaki na ang pinagbago mo.” Nang marinig ito ni Cali ay biglang naging seryoso ang kaniyang mukha at tinitigan nang diretso si Athena. “I was watching you sa gym during your training na lagi kang nakatingin sa kaniya, you even offered na sumama sa kaniya para bumili ng materials na gagamitin sa org chart niyo and that energy drink you gave him in the library. Does that make sense?” dagdag pa nito. “What are you trying to say?” nakakunot ang noo na tanong ni Cali. “What I’m trying to say is, that loser is getting between us,” mataas ang boses na sabi nito. “Hey, Athena you are being too harsh,” sagot ni Cali. “Why? Dahil ba may gusto ka rin sa kaniya?” diretsong tanong nito na ikinabigla naman ni Cali. “Are you gay?” dagdag pa nito na binigyang diin ang huling salitang binanggit. Cali sighed and shook his head for a while saka ito muling tinitigan. “What if I am? What if I like Val? What does it have to do with you?” seryosong sagot ni Cali. Saglit namang natigilan si Athena na tila nagsisi sa kaniyang sinabi. “All this time, I really thought you understand,” dagdag pa niya saka tumalikod at tinungo ang pintuan palabas ng kuwarto nito. “I have no intention to ruin your party,” sambit ni Cali at tuluyan nang lumabas. Naiwan si Athena na bumabagsak ang luha sa mga mata. Mababakas sa mukha nito ang pagsisisi sa mga nabitawang salita kay Cali. Ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan. Pakiramdam niya rin ay nasaktan niya si Cali dahil sa mga sinabi niya. Nagtungo sa pool si Cali upang magpahangin. Hindi niya rin gusto ang nangyaring pagtatalo nila ni Athena. He was standing beside the pool habang pinapanood ang liwanag ng mga ilaw na tumatama sa tubig. It made him feel a bit relaxed. Maya-maya ay napadako ang kaniyang mga mata sa bench kung saan nakaupo si Val. Nakapikit ang mga mata nito at bahagyang nakatungo ang ulo. Dahan-dahan siyang lumapit dito at muli itong tinitigan. Mapula pa rin ang pisngi nito dahil sa wine na ininom. “How could he drink too much wine at ngayon ay natutulog siya dito sa labas,” bulong niya sa sarili. Tinitigan niya ang mapulang labi nito at napangiti nang maalala ang biglang pagpikit ng mga mata niyo nang lumapit ang mukha niya sa kaniya kanina. “Was he really thinking na hahalikan ko siya?” tanong niya sa sarili. Ilang sandali pa ay napansin niyang dahan-dahang nagmulat ng kaniyang mga mata si Val. Habang inaayos nito ang sarili ay nakahawak ito sa kaniyang ulo. Hindi pa rin nito alintana na may nakatayo sa harapan niya. “Are you okay?” tanong ni Cali. Dahan-dahan naman itong nag-angat ng mukha. “My head, it hurts. Did I drink too much wine?” mahinang tugon nito. Namumungay ang mga mata nito at bahagyang naka-pout pa ang lips na nakatingin sa kaniya. Napangiti naman si Cali. “What do you think?” tanong din niya rito. “Yeah, I drank too much,” agad na sambit nito. “Oh wait, does it mean I’m a drunkard now,” dagdag pa nito. Hindi naman mapigilan ni Cali ang sarili na tumawa nang mahina. Napansin naman ito ni Val. “What? Why are you laughing? Tss, you can’t even dare to kiss me… here,” sabi nito sabay hawak sa kaniyang labi. “Do you want me to really kiss you?” seryosong tanong ni Cali. “Why? Are we still playing a game? Who’s the king?” Tumingin ito sa paligid. “Ah, so you’re the king,” dagdag pa nito nang ma-realize na silang dalawa lang ang magkasama. Muling napangiti si Cali sa tinuran nito. Para itong bata na nakikipag-usap sa kaniyang kalaro. “So, what’s your dare? Do you want me to kiss you?” tanong nito. Aware si Cali na wala sa sarili si Val kaya niya ito nasabi pero tila iba ang nais ipahiwatig ng mapupungay nitong mga mata. Dahan-dahan itong tumayo pero bigla itong nawalan ng balanse kung kaya napayakap ito sa kaniya. Pero laking gulat ni Cali nang ma-realize na magkalapat ang kanilang mga labi. Nanatili sila sa ganoong posisyon. Nagkatitigan silang dalawa na parehong nabigla sa nangyari. Maya-maya ay biglang inilayo ni Val ang kaniyang mukha at nag-iwas ng tingin. “Tss, you really can’t kiss me,” sambit nito saka humakbang palayo kahit pa nahihirapan itong ibalanse ang katawan. Sinundan naman siya ni Cali nang makabawi na ito sa pagkabigla. Nakasunod lang siya sa likuran nito dahil nag-aala siya na mawalan ito ulit ng balanse. “Do you know the truth about stars?” tanong nito nang biglang huminto at tumingala sa langit. “That some of them are dead, and are within about 4,000 light years of earth?” sagot naman niya. “You’re good at science,” tugon nito. “I’ve read it from the internet,” simpleng sagot niya. “You’re right. It’s too far, I hope people will simply realize that,” sabi nito na muling tumingala. “Do you know why so many people don’t find the things that they really want?” tanong ulit nito at humarap sa kaniya. “Why do you think?” tanong niya rito. “Because we think that we need to wish upon a star in order to realize the things that we desire,” sagot nito at ipinatong ang kamay nito sa dibdib niya. “It’s always here, you don’t need another because you are that star,” dagdag pa nito. Tiningnan niya ang kamay nito na nakapatong sa dibdib niya. Muling nagtama ang kanilang mga mata. “It’s a myth,” sambit ni Cali. “That’s a truth for some,” sagot naman nito at ibinaba ang kamay. “I even thought about it sometimes, you know,” malalim na paliwanag nito. “What do you mean?” nagtatakang tanong ni Cali. “I mean, if I could wish to have some friends,” nakangiting sabi nito. Hindi naman nagsalita si Cali at hinintay lamang na magsalita itong muli. “You know, one of the reasons why I joined the team was to have friends. It didn’t come easy, especially from you,” sabi nito nang nakatingin sa kaniya. “Do you want us to be friends?” tanong niya. “No.” Muli itong tumalikod sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakad nang mabagal. Hindi na ito muling umimik. Nagulat naman si Cali sa sagot nito. He knew that Val was honest but it made him think kung totoo baa ng sagot nito. “Tss, he really want me to pay for all the things that I’ve done wrong,” bulong niya sa sarili. Maya-maya pa ay biglang naghiyawan mula sa may pool ang mga naglalaro ng king’s game. Makikitang may isang lalaki na nakapiring ang mga mata sa gilid ng swimming pool habang sinasabuyan ito ng tubig ng mga kasama. Ang iba naman ay binubuhusan ito ng inumin sa kaniyang ulo habang nagtatawanan silang lahat. Napansin ni Cali na biglang tumigil sa paglalakad si Val. Mula sa likuran ay napansin niya ring nanginginig ang katawan nito.  “Hey, what happened?” tanong niya mula sa likuran pero hindi ito sumagot hanggang sa narinig niya ang marahan nitong pag-iyak na may kasamang takot. Humarap siya rito at nakitang nangingilid ang luha sa mga mata nito habang nakatingin sa lalaking nakapiring sa gilid ng pool. “Val, are you okay?” Hinawakan niya ito balikat pero bigla itong umiwas sa kaniya. “Please, don’t touch me,” nagmamakaawang sabi nito na para bang takot na takot ito. Nakahawak ang dalawang kamay nito sa ulo at biglang napasalampak sa kinatatayuan. “Hey, what’s happening?” tanong muli ni Cali na napaupo na rin at nakahawak sa akniyang balikat. “Please, don’t hurt me, don’t hurt me,” paulit-ulit nitong sambit habang umiiyak at nakahawak ang mga kamay sa ulo. “Hey, Val it’s me. I’m not gonna hurt you,” puno ng sincerity sa boses na sabi ni Cali. “Please, stop it! Don’t hurt me, please!” pasigaw na pagmamakaawa nito. “I’m not hurting you, Val. Hey, I’m here,” marahang sambit niya. Tumigil sa pag-iyak si Val pero patuloy pa rin sa pagsinghap. Bahagya na ring huminto ang panginginig ng kaniyang katawan. Dahan-dahan siyang tumingin kay Cali, basang-basa ng luha ang kaniyang mga mata. “It’s me,” sambit ni Cali. “Is that you?” tugon naman nito “Yes, it’s me. I’m not gonna hurt you,” sagot niya. Minsang pang bumagsak ang butil ng luha sa mga mata ni Val nang biglang dumating si Rave at itinulak si Cali. “Ano bang problema mo, Cali?” malakas na sigaw nito. Napasalampak naman sa damuhan si Cali habang nakatingala kay Rave na hindi alam kung bakit niya ito ginawa. “What are you thinking, you can easily play with Val’s feelings? Do you really think Val can’t do anything?” galit na tanong ni Rave. “I think you misunderstood… ,” paliwanag niya pero biglang sumingit si Rave. “Misunderstood what? Cali wala tayo sa training! Will you just stop?” sigaw nito. “Rave, you don’t understand,” sagot niya sa kaibigan pero hindi siya nito pinakikinggan. “Wala namang ibang ginawa sa ‘yo si Val kung hindi ang patunayan ang sarili niya. Do you really have to go this far?” sagot ni Rave saka inalalayan si Val na tumayo. “You do it again at kalilimutan kong magkaibigan pa tayo,” marring sabi nito sa kaniya. Wala namang kaalam-alam sa nangyayari si Val dahil nakapikit na ang mga mata nito. Ipinatong ni Rave ang balikat nito sa kaniya at inalalayang maglakad. “I saw Athena crying. You could have just comforted her,” sabi nito nang nakatalikod bago tuluyang umalis habang inaalalayan si Val. Naiwan si Cali na hindi alam ang gagawin. He was thinking that Rave had really misunderstood what happened. Napabuntong-hininga na lamang siya dahil sa mga nagyari. “What have you done, Cali?” tanong niya sa sarili. Naguguluhan siya sa mga nangyari. In just a snap ay nagtalo silang dalawa ni Athena because of that dare, and now, Rave thought he was being mean to Val. Napatingala siya at napahawak sa kaniyang buhok. Bigla niya namang naalala ang hindi sinasadyang paglapat ng mga labi nila ni Val. Tumayo na si Cali at napailing na lang nang ma-realize niya ang mga nangyari. Hinawakan niya ang kaniyang labi nang maalala ang paglapat ng malambot na labi ni Val sa kaniya. “Tss, you really can’t kiss me,” naalala niyang sabi nito. He realized that although Val was drank, he liked it. He liked that Val was also his first kiss. “But what about that thing that happened to him earlier? Was it because he was too drank?” tanong niya sa sarili habang pinagmamasdan niyang papalayo sina Cali at Val. He didn’t know what to do, he wanted to go back inside para muling kausapin si Athena pero pinigilan niya ang sarili. He thought na subukan na lamang itong kausapin ulit once gumaan na ang pakiramdam nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD