Mula sa windshield ng sasakyan ni Cali ay halos thirty minutes na niyang tinititigan ang kulay maroon na gate. Nakaparada ang sasakyan niya sa kanto at wala siyang planong bumaba para puntahan ito. Nagbabaka-sakali lamang siya na may lumabas mula sa gate.
“I should have asked him na ako ang susundo sa kaniya,” himutok niya sa sarili.
Ilang sandali pa ay bumukas na ang gate at iniluwa nito si Val. Nakasuot ito ng cream na polo at washed blue jeans. Nanatili lamang itong nakatayo at patingin-tingin sa kaniyang wrist watch. Gusto na niyang paandarin ang sasakyan at lapitan ito pero pinigilan niya ang sarili.
“How would I know na he’s waiting for a grab taxi instead of Rave?” naguguluhang tanong niya sa sarili.
Maya-maya pa ay kulay puting sasakyan ang huminto sa harapan nito—si Rave. Nakita niyang bumaba ito ng sasakyan at pinagbuksan si Val. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman niya.
“Ano bang ginagawa mo, Cali?” bulong niya sa sarili.
Malungkot ang mga mata na sinundan niya ang sasakyan ni Rave, just enough na hindi nito mahahalata ang kaniyang kotse. Matalik na kaibigan niya ito at alam niyang kahit sa malayo ay makikilala siya nito.
Ilang araw na ring hindi siya mapakali sa tuwing nakikita niya si Val, lalo na sa tuwing nakikita niya ito na tuluyan nang napapalapit kay Rave. May kurot sa dibdib niya sa tuwing masayang magkasama ang dalawa. Ganoon pa man ay naisip niya rin na baka kung hindi niya ito sinungitan sa mga una nilang pagkikita ay posibleng napalapit na rin ito sa kaniya.
“Hindi pa naman huli ang lahat, Calypso Imperial!” sigaw ng utak niya.
Napailing at napabuntong-hininga na lamang siya.
Marami nang bisita sa party ni Athena nang makarating ang dalawa. Sinalubong sila nito pagkababa ng sasakyan.
“Hey, buti nakarating kayo,” parang distracted na bungad nito sa dalawa habang iginagala ang mga mata sa paligid na para bang may ini-expect pa siyang darating. “Hindi niyo ba kasama si Cali?” tanong nito.
“Hindi. Akala nga namin nandito na siya. Siyempre hindi siya puwedeng mawala sa party mo,” sagot naman ni Rave.
“’Yon na nga, eh. Kanina pa ako naghihintay sa kaniya,” may halong pagtatampo sa boses na sagot nito.
Maya-maya ay isa pang sasakyan ang dumating.
“Hey, I’m sorry. I’m late,” tila humahangos pa na sabi ni Cali kay Athena. Agad namang pumulupot sa kaniya ang huli at hinalikan siya sa pisngi.
“Bakit ba kasi ngayon ka lang?” nagtatampong tanong ni Athena.
Napatingin si Cali kay Val at ilang sandali pa bago ito sumagot.
“Ah, traffic kasi doon sa dinaanan ko, may… may inaayos na kalsada,” nauutal na sagot nito na bahagyang umiiwas ng tingin.
“Ikaw, ah. Magtatampo na talaga ako sa ‘yo. Akala ko hindi ka na darating.” Isinandal pa nito ang ulo sa dibdib ni Cali matapos itong magsalita.
“Puwede ba ‘yon, eh ako ang bestfriend mo,” sagot naman ni Cali na bahagya pang ginulo ang buhok ni Athena.
Napatingin naman si Val kay Cali dahil sa narinig.
“Bestfriend?” tanong niya sa sarili dahil taliwas ito sa sinabi sa kaniya ni Rave.
Tinapik naman ni Cali ang balikat ni Rave at tumango sa kaibigan.
“Hi, Val,” bati niya naman dito.
Bahagya namang yumukod si Val sa kaniya at ngumiti.
Nakahawak pa rin si Athena sa baywang ni Cali habang naglalakad sila papasok ng bahay. Sa likuran naman ay nakasunod sina Rave at Val. Pagpasok nila sa bahay ay mas lalo pang lumakas ang ingay mula sa speaker, hiyawan at tawanan ng mga nakiki-party. Karamihan sa kanila ay mga kakilala at kaibigan ni Athena.
Nag-iisang anak lamang si Athena. Madalas wala ang kaniyang mga magulang dahil busy ang mga ito sa kanilang business kaya malaya siyang gawin ang lahat ng gusto niya. It’s a good thing na kababata niya si Cali dahil kahit paano ay binabantayan siya nito.
Mula sa veranda ng bahay hanggang sa swimming pool ay may mga nagsasayawan. Ang iba naman ay masayang nag-uusap habang may hawak na champaigne glass.
Hindi maiwasan ni Val na mailang lalo pa at hindi siya sanay sa ganito.
“Are you okay?” tanong ni Rave sa kaniya.
“Y-yeah,” pagsisinungaling niya.
“Don’t worry. Masaya rito, you just need this,” sabi naman nito sabay abot sa kaniya ng wine glass.
“I’m sorry. Hindi ako umiinom,” tanggi ni Val.
“It’s okay, kaunti lang ‘to. Hindi ka malalasing,” pamimilit nito sa kaniya.
Hindi na niya ito natanggihan, kinuha niya ang champaigne glass.
Mula naman sa malayo ay nakatingin sa kaniya si Cali. Makikita sa mukha nito ang pag-aalala.
“I promise you, hahanap-hanapin mo ‘yan,” pabirong sabi naman sa kaniya ni Rave.
Uminom siya nang kaunti at ninamnam ang lasa nito.
“So, how’s it?” curious na tanong pa nito.
“It’s sweet,” inosenteng sagot naman niya.
“See? I told you,” natatawang sabi ni Rave. “In order for you to have a broader perspective of the world, you have to try new things,” paliwanag pa nito.
“I think, it’s really good,” sambit ni Val at inubos ang natitira pang laman ng hawak na wine glass.
“Oh, dahan-dahan lang,” sabi naman sa kaniya ni Rave nang makitang sinaid na niya ito.
“Do I look good?” tanong niya.
“W-what?” nalilitong tanong din ni Val sa kaniya.
“Do I look okay? I just finished a glass of wine,” tanong niya ulit.
“Y-yeah, of course you look good,” nagtataka pa ring sagot naman ni Rave.
Nasa sampung tao sila na nasa living room kasama na doon sina Cali at Athena. Maya-maya pa ay may dumating na kaibigan ni Athena at ipinakita sa kaniya ang hawak nito.
“Hey, what’s this?” tanong ni Athena
“Let’s play a game,” sagot nito.
“Sure. Kayo, game ba kayo?” tanong nito sa mga kasama. Naghiyawan naman ang mga ito na mukhang excited na rin.
“So, here’s the game. I have strips of paper here with corresponding numbers. Also, whoever gets the paper with the word KING, he will be the one to choose any two numbers and make a dare,” paliwanag nito.
Nagbulungan naman ang mga iba nilang kasama na mukhang excited sa game.
“Hey, are you in?” tanong ni Rave kay Val pero bigla siyang napatingin sa kamay nito. Hindi niya alam na kumuha pa pala ito ng another glass of wine.
“Y-yeah, I’m in,” sagot naman nito na bahagya nang pumupungay ang mga mata saka muling uminom.
“Hey, dahan-dahan lang, Val,” paalala ni Rave dito.
Ngumiti naman ito sa kaniya. Napangiti naman si Rave sa inasal nito. He realized kung gaano ka-attractive si Val ngayong namumula ang pisngi nito. Napakagaan ng pakiramdam niya sa tuwing kasama niya ito, lalo na ang pagiging honest at inosente nito.
Hindi alam ni Rave na nakatingin din sa kanila si Cali. Makikita sa mga mata nito na nag-aalala siya para kay Val dahil alam niyang hindi ito sanay na uminom kahit pa wine lang iniinom nito. How he wished na sana ay siya ang nasa tabi nito, pero wala siyang magawa dahil laging nandiyan si Rave sa tabi niya.
Nasa gayon siyang kaisipan nang kausapin siya ni Athena.
“Join tayo Cali, ah,” paglalambing nito.
Tumango lang siya bilang tugon. Ilang sandali pa ay nagsimula na ang game. Everyone was having fun, dahil sa mga nakakatuwang dare nila sa mga kasama nila. There was even a dare na sabay na tatalon sa pool ang dalawang pares ng numbers na napili ng king.
The game went on at hindi na namalayan ni Val na nakakaapat na glass na pala siya ng wine. He was feeling a little bit drowsy pero sobrang saya ng pakiramdam niya.
Maya-maya ay biglang naghiyawan ang mga kasama niya.
“I’m the king,” bulalas ng isa sa mga kasama nila. “Okay, so, I choose numbers 3 and 7. Whoever you guys are, I want you to kiss!” kinikilig pa na sabi nito.
Val checked his number at laking gulat niya nang makitang number three ang nakasulat sa hawak niyang papel. Bigla siyang natigilan. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya. Kanina lang ay napakasaya ng pakiramdam niya pero ngayon ay bigla siyang nanlamig.
“Kiss?” bulong niya sa sarili.
“So, who’s number 3?” tanong ng king.
Dahan-dahang nag-angat ng kaniyang kamay si Val at nagsitinginan sa kaniya ang lahat. Halata sa reaksyon ng mga ito ang pagkabigla. Hindi niya alam na si Cali pala ang ang nakakuha ng number 7, pero ilang sandali pa ay biglang naghiyawan ang mga ito. Sabay-sabay na sumisigaw ang mga ito ng salitang “kiss”.
“Oh, ano pang hinihintay niyo?” excited na sambit ng king.
Dahan-dahang lumapit si Cali sa kinatatayuan ni Val. Naiwan si Athena na halatng nabigla rin. Halos hindi naman makatingin ng diretso sa kaniya si Val. Nang makalapit na si Cali sa kaniya ay muli pang lumakas ang hiyawan ng mga kasama nila.
Bahagyang siyang nakayuko nang tuluyan nang makalapit sa kaniya si Cali. Nang maramdamang nakatayo na ito sa harapan niya ay dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin hanggang sa magsalubong ang kanilang mga mata. Hindi maipaliwanag ni Val kung ano ang nararamdaman niya pero katulad ng dati, sa tuwing nagsasalubong ang kanilang mga mata ay para bang pamilyar na sa kaniya ang mga matang iyon. Pakiramdam niya ay nakadikit na ito sa kaniyang alaala na kalakip ng mga pagtitig nila sa isa’t isa ay ang mga salitang nais niyang sabihin pero hindi niya maapuhap.
Kapansin-pansin ang mapula niyang pisngi dahil sa ilang glass ng wine na nainom niya. Maging ang mapula niyang labi ay hindi rin nakatakas sa mga mata ni Cali. Nang makita nitong hawak niya pa rin ang wine glass ay kinuha niya ito at dahan-dahang sinaid ang natitirang wine.
Nagulat siya sa ginawa nito. Nagpalakpakan naman ang lahat ng nanonood sa kanila na para bang isa itong eksena sa isang pelikula.
“Kiss na, please!” muling sambit ng king na sinundan naman ng hiyawan ng mga kasama nito.
Inangat ni Cali ang kaliwa niyang kamay at bahagyang itinaas ang mukha ni Val. Sa puntong ito ay mas malaya niyang tinitigan ang maamong mukha nito at ang mapungay na mga mata. Dahan-dahan niyang inilapit dito ang kaniyang mukha, pero napansin niyang bigla itong pumikit.
Lihim na napangiti si Cali. Imbes na halikan ito sa labi ay hinawi nito ang buhok na sa kaniyang noo at ginawaran ito ng halik sa bahaging iyon.
Bago pa man buksan ni Val ang kaniyang mga mata ay nakaalis na si Cali. Hindi na niya ito nakita at tanging hiyawan ng mga kasama nila ang narinig niya dahil hindi nila nagawa ang utos ng king.
Hinanap niya rin si rave na kanina lang ay katabi niya pa nang lumapit si Cali sa kaniya. Maging si Athena ay wala na rin sa kinatatayuan nito.
“Did he just kiss me and leave?” tanong niya sa sarili.
Hinawakan niya ang bahagi ng kaniyang noo kung saan niya naramdaman ang paglapat ng mga labi ni Cali sa kaniya.
“Now, I’ve finally been kissed,” sabi niya sa sarili habang hinihimas ang kaniyang noo.
Hindi maipahiwatig ni Val ang pakiramdam niya. Cali, the one who saved him from the time they first met, kissed him. Habang patuloy sa games ang mga kasama niya ay nagpasya siyang lumabas at tumungo sa pool. He saw a vacant bench sa bandang sulok at umupo doon.
Hindi siya makapag-isip nang maayos. Hindi niya alam kung epekto ba ito ng ininom niyang wine o dahil kay Cali.
“Nasa’n na kaya siya?” tanong niya sa sarili.
“Wait, why am I even looking for him?” sigaw naman ng utak niya.
Ipinilig niya ang kaniyang ulo dahil naguguluhan pa rin siya sa mga nangyari. Kung tutuusin ay part lang ng game ang ginawang paghalik sa kaniya ni Cali pero bakit kakaiba ang nararamdaman niya. Hindi niya rin inaasahan na papayag ito sa dare lalo pa at kasama nito si Athena.
Napabuntong-hininga siya at tumingala sa kalangitan. Nagkikislapan ang mga bituin na para bang may sarili rin silang party doon. Napangiti si Val nang maalala niyang ito nga pala ang kauna-unahang party na dinaluhan niya sa buong buhay niya.
“Way to go, Val,” bulong niya sa sarili at hindi niya namalayang nakapikit nap ala ang kaniyang mga mata at napasandal sa kinauupuan.