Status: Feeling Validated

2304 Words
Val was working on another report presentation in the library. Hindi siya satisfied sa mga sources na nakikita niya sa internet kung kaya tumayo siya at iniwan ang table niya. Tumungo siya sa Reference Section at isa-isang tiningnan ang mga shelves. Kagaya ng dati ay walang ibang maririnig sa loob ng library maliban sa mga kaluskos ng libro at mahinang instrumental music mula sa speakers na nakapalibot sa bawat sulok.          Ilang minuto na siyang paikot-ikot pero hindi niya pa rin makita ang libro na kailangan niya. After a while ay lumipat siya sa kabilang isle, he scanned all the books and finally, a burgundy book caught his attention. He tried to get it out of the shelves when all of the sudden, isang kamay ang naramdaman niyang pumatong sa kaniya. Nag-angat siya ng tingin only to find out that it was Cali.          Nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kaniya. Bumilis ang kabog ng dibdib niya. Halos isang pulgada lamang ang distansya ng mga mukha nila sa isa’t isa.           “It’s you again,” mahinang sabi nito at bahagya niya pang naamoy ang gamit nitong pabango.          Nagbaba siya ng tingin at marahang binitawan ang pagkakahawak niya sa libro gano’n din sa pagkakapatong ng kamay nito sa kaniya.          “I’m sorry. You may have the book,” sagot niya nang hindi tumitingin dito. Yumukod siya nang marahan at bumalik na sa kaniyang table.          Naiwan naman si Cali na pinagmasdan siyang bagsak ang mga balikat na bumalik sa kaniyang table. Tuluyan na nitong kinuha mula sa shelves ang libro at hinawakan ito ng dalawa niyang kamay habang nakatingin pa rin kay Val.          Mula naman sa table ay muling binuksan ni Val ang kaniyang laptop at binalikan ang ginagawang presentation. He was feeling hopeless na hindi niya nakuha ang librong kailangan niya. Napasandal siya sa upuan at pumikit nang mariin at pagkatapos ay napahawak sa kaniyang batok. He suddenly realized na ilang araw na rin pala siyang walang maayos na pahinga dahil sa rigid training nila para sa pomsae demo. Napabuntong hininga siya. Naisip niyang umuwi na lang muna at magpahinga dahil kailangan niya ng lakas kinabukasan para sa demo.          He was about to close his laptop when suddenly, may umupo sa kaniyang harapan, si Cali. Nakatitig lamang ito sa kaniya.          “Here, I know kailangan mo ‘yan,” sabi nito sabay lapag ng libro na kukunin niya sana kanina kung hindi lamang ito dumating.          Hindi siya umimik. Nakatingin lang siya sa libro.          “And, here, kailangan mo rin ‘to,” ipinatong din nito sa table ang isang bottle ng energy drink.          Bahagyang kumunot ang noo ni Val dala ng pagtataka. Bakit nga naman biglang nagpapakita ito nang maganda sa kaniya gayong halos hindi siya nito pinapansing nitong mga nakaraang araw. Nanatili pa rin siyang walang imik. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin, nakatingin pa rin ito sa kaniya at bahagyang nakangiti.          “Good luck for tomorrow,” sabi nito saka tumayo.          “Thank you… for the book and the drink,” pahabol na sabi niya bago pa man ito pumihit paalis.          Ipinamulsa naman nito ang magkabilang kamay at ngumiti bilang tugon.          Nang makaalis na ito ay hinawakan niya ang energy drink na binigay nito at tiningnan nang malapitan. Napansin niyang tila may nakasulat dito.          “You can do it ☺.”          Napangiti siya matapos itong basahin.          “Is this his way of saying sorry?” bulong niya sa sarili. Napailing na lamang siya pero hindi mawaglit ang ngiti sa kaniyang mga labi.          Inayos na niya ang kaniyang mga gamit saka ipinasok sa kaniyang bag at nilisan na ang library. He thought that he needed to go home para makapagpahinga nang maayos lalo pa at ramdam niyang masakit ang kaniyang buong katawan.          Habang nasa antayan ng mini bus ay hawak niya pa rin ang energy drink na binigay ni Cali sa kaniya. Muli siyang napangiti at muling binasa ang nakasulat dito. Hanggang sa makasakay siya ay nakangiti pa rin siya. Hindi niya ito in-expect. The last time he remembered ay walang tiwala sa kaniya si Cali, he even labeled him as loser. Aminado si Val na marami siyang gustong patunayan kay Cali, and seeking for his validation had been something that he was really working hard for mula nang una silang magkita. And now, he couldn’t deny the joy na he was slowly recognizing his efforts to be better.          Nang nasa Riverpark Bridge na ang mini bus ay muling nasilayan ni Val ang bughaw na langit at luntiang mga puno mula sa kahabaan ng river banks.          Kinabukasan ay maaga pa ang call time nila sa gym para sa kanilang final rehearsal. Naabutan niyang abala na ang lahat sa pag-oorganize ng mga gamit para sa demo. Nakasuot na siya ng dobok at ganoon din ang mga kasama niya. Habang nilalapag niya ang mga gamit sa bleachers ay napansin niyang tila nagmamadali papunta sa kaniya si Rave.          “We got a problem,” bungad nito.          “What happened?” tanong naman niya.          “Paolo couldn’t make it. He had an emergency. That means we needed somebody to perform for his part in the demo,” sagot naman nito habang nakatitig sa kaniya na para bang may gusto itong sabihin.          “What do you mean?” tanong ni Val.          “I mean, I am asking you to do me a favor, that is if you can do his part,” diretsong sagot ni Rave.          “But, why me?” nagtatakang tanong ni Val.          “You’re the only one available to do it, everyone else has their own tasks,” may halong pag-aalala sa boses nito. “And besides, you’re gonna perform the same kick, so, I guess hindi ka mahihirapan,” patuloy na pangungumbinsi nito.          Sasagot pa sana siya nang bigla nilang narinig ang malakas na boses ni Cali counting one to ten and everybody, including him ran quickly to their formation. Hindi na siya nakasagot kay Rave and he was thnking that maybe he already assumed that he agreed to his favor. Napabuntong-hininga siya. Hindi niya maiwasang kabahan gayong dalawang beses siya magpe-perform ng axe kick. Although, he was pretty confident that he can do it well ay hindi niya pa rin mapigilan ang nararamdmang kaba. “You can do it, ☺.” Bigla niyang naalala ang sulat ni Cali sa kaniya. Napatingin siya rito habang nakikipag-usap ito kay Rave. Maya-maya pa ay tumingin din ito sa kaniya at ngumiti. Bahagya siyang nabuhayan ng loob, ipinikit niya ang mga mata at nag-concentrate para magawa niya ito nang maayos. Pagkatapos ng rehearsals ay nagtungo na sila sa Film Centre kung saan gaganapin ang convention. Nasa backstage na sila at naghihintay na lamang na tawagin ng host. “Are you okay?” tanong ni Rave sa kaniya. “I guess,” sagot niya. Ngumiti naman ito pinagmasdang mabuti ang suot niyang dobok. “Why? Hindi ba tama ang pagkakasuot ko ng dobok? Maayos naman ang pagkakatali ko ng belt,” sagot ni Val at muli pang sinipat ang suot. “You look good,” sambit ni Rave. Dahan-dahan siyang nag-angat ng tingin ng marinig ang sinabi ng kausap. Napansin naman ito ni Rave. “Why?” tanong nito. “Nobody has ever told me that,” sagot ni Val. “It’s true,” sambit naman ni Rave nang nakangiti. “Actually, I admire you for being so brave, and that alone makes you look good,” dagdag pa nito. “What makes you think that I’m brave?” tanging sambit ni Val. “You are. I was actually hesitant kanina to ask you about taking Paolo’s part in the demo. I know that you can make it,” sabi nito sabay patong ng kamay nito sa kaniyang ulo at bahagyang ginusot ang kaniyang buhok. Nabigla naman siya sa ginawa nito pero deep inside ay lihim siyang natutuwa. Pakiramdam niya ay nakadagdag sa validation na nararamdaman niya ang kabutihang pinapakita sa kaniya nito. “Thanks. I’ll do my best. You’ve worked so hard to train me at ayaw kitang mapahiya,” tugon naman niya. Napailing naman ito at natatawa sa tinuran niya. “Make me proud,” sambit pa nito. Ilang sandali pa ay narinig na nila ang hudyat ng host. Mula sa backstage ay inayos na nila ang kanilang mga sarili. Naunang umakyat sa stage si Cali for his solo pomsae. Hindi niya man nakikita ang demonstration nito ay alam niyang he was doing well dahil umuugong ang palakpakan ng mga audience. Lihim siyang napangiti. He didn’t expect Cali could be this popular sa buong university. Ilang minuto pa ang lumipas at sunod-sunod na ang mga performance nila. While waiting for his turn ay ipinikit niya ang mga mata at umusal ng dasal para mawala ang kabang nararamdaman. Ayaw niyang mapahiya ang buong team kaya gagawin niya ang lahat ng makakaya niya. Nang imulat niya ang mga mata ay bahagya siyang nagulat nang si Cali ang bumungad sa kaniyang harapan. May hawak itong towel sa kanang kamay at marahang pinupunasan ang pawisan nitong braso. Sinuyod nito ang kaniyang kabuuan saka tumango-tango at ngumiti. “Good luck!” sambit nito. Maya-maya ay sumilip si Rave mula sa kabilang entrance papasok sa stage. “Val, stand-by ka na,” sabi nito sa kaniya. Bago umalis ay tinapunan niya rin ito ng ngiti. Nakasunod naman ang mga mata nito sa kaniya. After a while ay pumasok na siya sa stage. Hindi siya tumingin sa mga audience pero alam niyang maraming mga mata ang nakatingin sa kaniya ngayon. When they finally started ay isa-isang nagliparan ang mga break boards at kasunod noon ay ang palakpakan ng mga audience. Mabilis lamang ang ginawa nilang demo pero pakiramdam ni Val ay napakatagal noon. Sabay-sabay silang yumukod sa audience at tinungo ang exit. Paglabas niya sa exit ay agad siyang sinalubong ni Rave na tuwang-tuwa. Napayakap pa ito sa kaniya na bahagya niyang ikinagulat. Mula naman sa malayo ay nakamasid sa kaniya si Cali. Nagtama ang kanilang mga mata. Nakangiti ito sa kaniya at tumango, pero tila may kakaibang lungkot sa mga mata nito habang paninanonood silang dalawa. “You are amazing,” sambit ni Rave. “Thanks to you. Pinagtiyagaan mo akong i-train,” sagot niya naman. “Wala ‘yon. You know, I will always be here.” Ngumiti ito at muling lumabas ang dimples sa magkabilang pisngi.          Pagkatapos nito ay bumalik sila sa gymnasium for a special announcement.          “Everybody, listen. I want to commend all of you for a job well done. And aside from that, I have a good news. The president of AHCU told me a while ago that we are the official team to perform pomsae demonstration on the upcoming AHCUlympics,” pahayag ni Sir Shino.          Halata namang natuwa ang lahat sa ibinalita nito.          “So, from now on, I want everyone to train harder most especially the newbies. I also want to commend your seniors, Calypso Imperial and Rave Castro for guiding and training you.” Nagpalakpakan naman ang buong team para sa dalawa na sabay na yumukod.          “And, here’s for the final announcement. I know you will like it. We will have a dinner later,” sabi ni Sir Shino at pagkatapos ay naghiyawan naman sa tuwa ang buong team.          Val was so happy, pakiramdam niya ay nakahanap siya finally ng mga totoong kaibigan. Not to mention na unti-unti nang gumagaan ang loob ni Cali sa kaniya and Rave was always there for him. Lihim siyang napangiti sa realization na ito. Ang mga bagay na dati ay imposible para sa kaniya, ngayon ay unti-unti na niyang naaabot. Akala niya dati ay mahirap magkaroon ng mga kaibigan, and that he was used to being alone all the time. He realized that being in a group or being with a friend gives him that kind of fulfillment, that he can easily rely to them when needed. Bumalik siya sa bleacher at muling inayos ang mga gamit niya. When he opened his bag ay nakita niya ang energy drink na binigay sa kaniya ni Cali. Kinuha niya ito at muling binasa ang nakasulat doon at napangiti. Finally binuksan niya na ito and took a drink. Sakto namang pagkababa niya ng bottle ay nasa harapan niya na si Cali. “H-hey, good job!” nakangiting wika nito pero bahagyang naiilang at ibinaba ang tingin sa hawak niya. “Y-yeah. Congrats din, for mentoring us. I know that you worked hard for this,” sagot naman niya. “Salamat din pala rito,” sagot naman niya na bahagya pang inangat ang kamay. Ngumiti naman ito at tumango saka ipinamulsa ang mga kamay. “I hope makapunta ka sa dinner later. The whole team will be there, it’s Sir Shino’s treat for us,” paliwanag nito. “Yeah, I will,” sabi niya. “Nice, I think it’s a good time to make friends with thw team” nakangiti nitong saad. “Is it? I know nothing about making friends, but thanks to Rave. He taught me a lot,” sabi niya. Bahagya namang napalis ang mga ngiti ni Cali at yumuko saka muling nagsalita. “I wonder if—.” Hindi na nito naituloy ang sasabihin dahil bigla na lamang may mga kamay na pumulupot sa baywang nito. “Hey, kanina pa kita hinahanap. You promised me na sasamahan mo akong bumili ng cat food,” malambing na sabi ni Athena na ngayon ay nakayakap pa rin kay Cali. “Hi, Val,” sambit nito. “H-hi!” Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang naiilang ngayong nasa harapan niya si Athena at nakayakap kay Cali. Nakatitig naman ito sa kaniya. Hanggang sa ilang sandali pa dumating na rin si Rave at niyaya na siyang lumabas ng gym para pumunta sa venue ng kanilang dinner. “Ano kaya ang sasabihin niya kanina bago dumating si Athena?” tanong niya sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD