Takoyaki Night

2487 Words
“Can you help me cut these pictures out?” tanong ni Val kay Rave habang abala ito sa kaniyang cellphone. “Sure,” mabilis namang itong sumunod at ibinulsa ang cellphone. Katulad ng sinabi nito ay wala siyang idea kung paano ito gagawin kung kaya naniniwala siyang magagawa ito ni Val nang maayos. Habang isa isang ginugupit ni Rave ang mga pictures ay pasulyap-sulyap ito kay Val na parang may gusto itong sabihin. Abala naman si Val sa pagpi-paint ng wall. “So, how was your company with Cali kahapon?” tanong nito kay Val. “I don’t know,” casual na sagot naman niya. “What do you mean?” nagtatakang tanong nito sa sagot ni Val. “I mean, hindi kami natuloy. I told him na I still have a class and gabi na ako makakauwi,” sagot ni Val na patuloy pa rin sa pagpi-paint. “So, how were you able to buy all of these?” nagtatakang tanong naman ni Rave. “I bought it after my class was over,” paliwanag ni Val na tila napansin naman ang pagtataka sa boses nito. “You should have told me,” sabi ni Rave. Napatingin naman dito si Val. “I mean, sana you messaged me para nasamahan kita,” nakangiting dagdag pa nito. Hindi naman umimik si Val at patuloy lamang ito sa kaniyang ginagawa. “‘Di ba gusto mo ng takoyaki?” malapad ang mga ngiti na tanong sa kaniya ni Rave nang maalala ang pinag-usapan nila kahapon. Napangiti naman si Val nang marinig ang sinabi nito. “Yeah. Why?” Hindi na nakasagot si Rave dahil sunod-sunod na katok ang narinig nila mula sa pintuan. Halos sabay silang napatingin dito. Tumayo naman si Rave at nakangiting tinungo ang pinto na parang alam niya na kung sino ang nasal abas.  Maya-maya pa ay bumalik na itong may bitbit na tub ng takoyaki at milktea. “Here, your favorite takoyaki,” sabi nito kay Val na paulit-ulit pang itinaas ang magkabilang kilay. Tumawa naman si Val sa ginawa nito nang biglang muling bumukas ang pintuan. Sabay silang napatingin nang iniluwa ng pinto si Cali. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito na nakatingin sa kanilang dalawa. Napatigil naman sa pagtawa ang dalawa nang mapansin nila ang kakaibang ekspresyon ng mukha nito. Ilang sandali pa ay si Rave ang unang nagsalita. “We bought some takoyaki, if you want,” nakangiting tanong nito sa kaibigan. Hindi naman agad sumagot si Cali at matapos titigan ang box ng takoyaki ay naalala nito ang pagtanggi ni Val na sumama sa kaniya. He felt embarrassed again katulad ng naramdaman niya kahapon. “I’m fine. Busog pa ako,” sagot nito sa alok ni Rave at saka dumiretso sa kaniyang table. Napatingin naman si Val kay Rave na tila ito man ay naguguluhan din sa inasal ng kaibigan. “Was it because of what happened yesterday?” tanong niya sa sarili sabay pilig ng ulo. “Let’s eat,” anyaya ni Rave na hindi man lang nabawasan ang ngiti sa mukha nito. Iniabot nito sa kaniya ang isang tub ng takoyaki at milktea. “Octobits, madalas ako om-order dito. Simply the best!” sabi nito matapos kumain ng isang piraso. “Loyal customer ka pala, eh. Pwuede ka na nilang kuning endorser,” pabiro namang sagot ni Val. “Tingin mo? Balak ko nga, eh,” sabi naman ni Rave sabay pa-cute. Lumabas ang dimples nito sa magkabilang pisngi. Tumawa naman si Val sa ginawa nito nang mapansin ang naiwang sauce sa ibabang bahagi ng labi nito. “Why? Nako-cute-an ka ba sa dimples ko?” pabirong tanong nito nang mapansin ang pagtitig ni Val sa mukha nito. Natawa naman si Val kaya lalo pa nitong nilaparan ang ngiti. Kumuha ng tissue si Val at dahan-dahang inilapit ito sa mukha ni Rave. Unti-unti namang napalis ang ngiti sa mga labi nito nang mapansin ang ginawa niya. Maya-maya pa ay bahagya pang inilapit nito ang mukha kay Val. Hindi niya naman pinansin ang ginawa nito at ipinagpatuloy lamang ang ginagawa. “Okay na,” sabi niya nang nakangiti. Matapos ilapag sa mesa ang ginamit na tissue ay napansin niya naman na nakatitig pa rin ito sa kaniya. “W-why? May dumi rin ba ako sa mukha?” nag-aalangan niyang tanong. Iniangat niya ang kaniyang kamay pero bago pa man ito dumantay sa kaniyang labi ay bigla itong hinawakan ni Rave. Umiling ito at saka muling ngumiti. Hindi alintana ng dalawa na tahimik na nakatingin sa kanila si Cali. Malungkot ang mga mata na nakatingin ito sa kamay ni Val habang hawak naman ito ni Rave. Hindi niya maintinidihan ang nararamdaman sa tuwing nakikita niya si Val. Dati ay madalas niya itong sungitan pero nitong mga nakaraang araw ay unti-unting nagbabago ang pakiramdam niya sa tuwing kaharap niya ito. Hindi siya mapakali sa tuwing kinakausap siya nito, at lalo pa siyang naiinis sa pagiging honest at inosente nito. The org chart was finally done at nagsimula na rin ang regular training nila para sa demo na gagawin ng buong team. Ang dating every Saturday na training ay naging TTHS na. Pabor naman ang ganitong schedule para sa lahat, except for Val. He was always late during the training dahil may mga major courses pa siyang tinatapos. Hindi naman siya pinabayaan ni Rave dahil nag-o-overtime ito para turuan siya pagkatapos ng regular training hours. “Thanks nga pala for helping me out. We only have three days left before the convention and I’m sure hindi ako makakasali sa team kung hindi dahil sa ‘yo,” sabi ni Val kay Rave. “Don’t mention it. I think mabilis ka naman matuto eh. Just pay attention to those specific kicks na gagawin mo. Practice ka pa rin kahit nasa bahay lang. You know, simple stretching. That could help,” mahabang sagot naman nito. “Yes, I will,” sagot niya. “Anyways, pauwi ka na ba? Sabay ka na sa akin,” alok ni Rave. “Hindi na. Magta-taxi na lang ako,” pagdadahilan ni Val. “Ilang beses mo na bang idinadahilan ‘yan? Gabi na, mahihirapan ka nang maghanap ng taxi,” pangungumbinsi naman nito. “Sige. But, let’s eat takoyaki, my treat,” nakangiting sabi ni Val. “Sure.” There was an alleyway at the back of the campus. Dito madalas pumupunta ang mga estudyante. Maraming mga food stalls na nakahilera sa magkabilang gilid at maraming dumadayo rito. From the gymnasium ay sabay na naglakad silang dalawa through the street that separates the Faculty of Engineering and the main building. Mula sa malayo ay matatanaw na ang mga stalls habang mabagal na naglalakad ang dalawa. “Madalas ka bang pumunta rito?” tanong ni Val kay Rave. “Yes, dito kami madalas kumain ng mga kaibigan namin kasama si Cali,” sagot naman nito. “Ikaw, madalas ka ba rito?” “This is my first time na pumunta rito,” sagot ni Val na ikinagulat naman ni Rave. “Wait, what? Then, how did you know this place?” tanong nito. “I actually have no idea about this place. I was just following you,” seryoso namang sagot ni Val. Napangiti at napailing na lamang ito nang ma-realize na kanina pa mabagal na naglalakad si Val na parang nakasunod lang sa kaniya. “Ilang takoyaki ba ang kaya mong ubusin?” pabirong tanong ni Rave na ngayon ay umiiral na naman ang kapilyuhan. “I don’t know. I think I can finish ten octobits,” seryoso namang sagot ni Val. Hindi na ito nagsalita at napailing na lang habang tuloy pa rin sa pagtawa. Ilang sandali pa ay napahinto sa paglalakad si Val nang matanaw sina Cali at Athena na magkasama. Nakaupo ang dalawa na parang hinihintay ang order nila. Napansin naman ni Rave ang paghinto niya kaya huminto rin ito at sinipat ng tingin kung sino ang kaniyang tinatanaw. “Oh, the lovebirds. Tara join tayo sa kanila,” sabi nito saka binilisan ang paglalakad. Napaisip naman siya sa sinabi nito. “Lovebirds?” bulong niya sa sarili. Nang mapansin niyang nakatayo pa rin siya ay agad naman siyang naglakad palapit sa mga ito. “Hi, Rave! Andito rin pala kayo,” bungad sa kanila ni Athena. Tinapik naman ni Cali sa balikat ang kaibigan. “Yeah, kasama ko si Val. Ililibre niya raw ako ng takoyaki, eh. ‘Di ba Val?” Ngumiti at tumango naman si Val bilang tugon. “Do you mind if we share the same table?” tanong ni Rave. “Oh, we don’t mind. Dito na kayo para masaya,” sagot naman ni Athena. Hindi naman umiimik si Cali at tahimik lamang na nakikinig sa usapan nina Rave at Athena. Nang makaupo na silang dalawa ay sakto namang dumating ang order nila Cali at Athena. “Here’s for you, Cal. Your favorite takoyaki, 10 pieces of octobits,” malambing na sabi ni Athena. Bigla namang napaisip si Val nang marinig ang sinabi nito. “Do you think I’d like takoyaki?” naalala niyang sabi sa kaniya ni Cali noong samahan siya nito papunta sa library. Napatingin siya kay Cali. Gusto niyang makita ang ekspresyon nito ngayong nalaman niya na mahilig din pala ito sa takoyaki. “Why does he have to pretend that he doesn’t like takoyaki?” tanong niya sa sarili. Maya-maya ay tinawag ni Rave ang waiter. “Ah, excuse me. Ten and five octobits, please,” sabi nito. “Ten? Mahilig ka na rin pala sa takoyaki, Rave,” sabi ni Athena. “That’s for Val. Favorite niya ‘yan, eh,” nakangiting sabi nito sabay tingin kay Val. Napatingin naman si Val kay Cali na ngayon ay tahimik pa rin habang kumakain. Napansin naman ito ni Athena kaya bigla itong nagsalita. “Anyways, I got a party next week, both of you are invited,” masayang sabi ni Athena. “Wow! Sure, what about you, Val?” tanong sa kaniya ni Rave. “I’ve never been to a party,” sagot niya. “Don’t worry, ako bahala. Susunduin kita sa bahay niyo at ako mismo ang magpapaalam sa ‘yo,” pabiro pero alam niyang seryoso si Rave. “Thanks. I’ll try,” sagot niya kasabay ng tipid na ngiti. Bahagya namang napatingin si Cali sa kaniya na para bang binabasa nito ang reaksyon niya sa sinabi ng ng kaibigan. “Kailan pa sila naging close?” himutok ni Cali sa sarili. Maya-maya pa ay dumating na ang order ng dalawa. Kinuha ito ni Rave at ibinigay kay Val. Binuksan din nito ang bottled water niya. Mula sa sulok ng mga mata ni Cali ay pinanonood niya ang ginagawang pag-aasikaso ni Rave kay Val. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya pero hindi niya gusto ang ipinapakitang kabaitan ni Rave para dito. Maging ang mga ngiting binibitawan nito sa tuwing nagpapatawa si Rave ay napapansin rin niya. Hindi niya gustong mapalapit ito kay Rave. Hindi naman mapalagay si Val sa kaniyang kinauupuan pero pinipilit niyang pakisamahan ang mga kasama niya. Una ay napipilitan siyang magsalita dahil lagi siyang isinasama ni Rave sa usapan. Pangalawa ay hindi pa sila gaanong magkakilala ni Athena at nararamdaman niyang iba ang pakikitungo nito sa kaniya. At pangatlo, nakikita niya sa sulok ng kaniyang mga mata na paminsan-minsan ay nakatitig sa kaniya si Cali. Bagamat, wala itong sinasabi ay may pakiramdam siyang hindi rin ito komportable na magkakasama sila sa iisang mesa. “Hey, Val! Are you okay?” Nagulat siya nang ma-realize na kanina pa pala siya kinakausap ni Rave. “Y-yeah, I’m okay,” nauutal na sagot niya. “I said, seven o’clock kita susunduin sa bahay niyo next week. Is that alright?” tanong nito at pagkatapos ay uminom ng lemonade with herbs. “Magta-taxi na lang siguro ako,” sagot niya. “Val, mas safe kung susunduin na lang kita. Besides, hindi natin alam kung anong oras na tayo makakauwi,” paliwanag naman nito. “Oo nga naman, Val. Mas okay na rin na kasama mo si Rave sa first party experience mo,” sabi naman ni Athena na halatang kinukumbinsi pa siyang pumayag sa alok ni Rave. “S-sure,” tanging sagot niya rito. Maya-maya ay inabot ni Athena ang bottled water kay Cali. “Here’s your water, Cal,” malambing na sabi nito. “Thanks,” nakangiting sagot naman ni Cali at kinuha ito. He was about to open the cap nang mapansin ni Athena ang suot nitong wristwatch. “Wow! You’re still wearing it?” halatang kinikilig na sabi nito. “Yeah. I wore this kaninang umaga,” sagot naman ni Cali na bahagya pang itinaas ang kamay para ipakita kay Athena. “I still like it.” “I am so happy to know that you’re still wearing it. Pinag-ipunan ko ‘yan para lang ibigay sa ‘yo as a gift no’ng birthday mo, ‘no,” paglalambing naman ni Athena at pagkatapos ay excited na kinuha ang cellphone nito. “Let’s take a selfie for my IG Story. I want you to show the watch, ah,” sabi nito. Ngumiti naman si Cali at bahagyang inangat ang kamay na suot ang wristwatch. “Rave at Val, join na kayo. Let’s take a goufie,” anyaya nito sa dalawa matapos silang mag-selfie. Aminado si Val na bahagya siyang na-o-awkward. Ito ang unang pagkakataon na isinama siya sa groufie at ito rin ang unang pagkakataon na kumain siyang may kasama. Umayos naman ng posisyon si Rave at ipinatong nito ang kamay sa balikat niya at ngumiti sa camera. Hinayaan niya lang ito at tumingin na rin sa camera. “Oy, I’ll tag you sa IG Stories ko, ah. What’s your IG account pala, Val?” tanong sa kaniya ni Athena. “Valdis underscore constello,” sagot niya. “Thanks. I’ll follow you. Make sure to follow back, ah,” nakangiting sabi ni Athena. Ngumiti naman siya rito at napasulyap kay Cali. Nahuli niya itong nakatitig sa kaniya pero hindi niya mabasa ang ekspresyon ng mukha nito. “He is really weird. This past few days ay halos hindi niya ako kinakausap at lagi siyang umiiwas. Was it because I was always late during the training? Or was it because I refused to go out with him?” tanong niya sa sarili. Napabuntong-hininga na lamang siya. Hinatid siya ni Rave ng gabing iyon. Aminado siyang natutuwa siya because he found a friend na tulad nito. Ramdam niya ang sincerity nito sa kaniya at pansin niya rin ang kabaitan nito lalo na sa training. Rave had been his rescue mula noong pumasok siya sa Taekwondo Club, and he was grateful for that. Sa tuwing naiisip ito ni Val ay hindi niya rin maiwasang isipin ang pakikitungo sa kaniya ni Cali. He really wished na sana ay katulad din ito ni Rave, and, he was still confused kung bakit pabago-bago ang pakikitungo nito sa kaniya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD