Unconsciously Jealous

2209 Words
“Hey!” Si Phoebe ang bumungad kay Val paglabas niya ng FAD building. Katatapos lang ng presentation niya sa Gothic Literature at papunta na sana siya sa Library para ibalik ang libro na pinahiram sa kaniya ni Cali. Saglit siyang huminto upang hintayin ang humahangos na si Phoebe. “Hi! I have a communication letter for the Taekwondo Club,” diretsong sabi nito nang tuluyan nang makalapit sa kaniya. “Here,” dagdag pa nito sabay abot ng nakatuping papel. Tinitigan lamang ito ni Val. “You’re in the Taekwondo Club, right?” “Yes,” maikling sagot niya. “Then, I want you to give it to Mr. Imperial,” nakataas ang dalawang kilay ngunit nakangiti nitong sabi.   Muli niyang ibinaba ang tingin sa hawak nitong papel saka ito kinuha at ipinatong ito sa librong hawak niya. “That’s a good book,” sabi ni Phoebe nang makita ang hawak nitong libro. “Yeah. I had a class report a while ago,” sagot niya. “That’s great! Anyways, thanks and see you around,” paalam sa kaniya ni Phoebe. Nang nakaalis na ito ay muling tinitigan ni Val ang letter. He was thinking na imbes na sa library dumiretso ay mas maigi na pumunta na lamang muna siya sa office ng club para ibigay ang letter. Napaisip naman siya kung bakit sa kaniya pa ito binigay ni Phoebe gayong puwede namang siya ang personal na mag-abot nito. Mula sa FAD building ay naglakad siya patungo sa main building kung saan naroon ang office ng Taekwondo Club. If there was something that Val would really admire around the campus was the trees that serve as a canopy sa mga pathwalk. Nakagagaan ng pakiramdam na pagmasdan ang mga dahon na kusang nahuhulog habang dahan-dahan itong nililipad ng malamig na hangin. Naririnig niya pa ang mga football players na naglalaro mula sa ‘di kalayuan at ang mangilan-ngilang sasakyan na humaharurot sa labas ng campus. “Kumusta kaya siya?” tanong niya sa sarili nang maalala ang nangyari sa gym. Naging palaisipan ito sa kaniya lalo na at iba ang naging pakikitungo nito sa kaniya. Muling bumalik sa isipan niya ang malungkot nitong mukha na basa ng luha. Ipinikit niya nang mariin ang mga mata, humugot nang malalim na buntong-hininga, at binilisan ang paglalakad. Pagdating sa office ng club ay si Rave ang bumungad sa kaniya. “Hi!” Maaliwalas ang mukha nito nang pagbuksan siya ng pinto. “Hi! There’s a letter na pinabibigay ng student council… for… Mr. Imperial,” sabi niya sa mahinang boses. “Ah, mayroon pa siyang class ngayon but anytime soon ay nandito na ‘yon,” sabi nito nang nakangiti. “Hintayin mo na lang siya sa loob,” dagdag pa nito. “Baka puwedeng ikaw na lang ang magbigay sa kaniya, pupunta pa kasi ako ng library, eh,” pagdadahilan niya rito. “Oh, yes, he mentioned it earlier. May pinahiram daw siyang book sa ‘yo,” casual nitong sabi. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumasok. Naisip niyang baka kailangan pa nito ang libro kaya mas mabuti nga na personal na lang itong ibalik sa kaniya. Maaliwalas ang loob ng office. Seniors lang ang nag-o-occupy nito dahil may sariling office ang mga coaches. Iginiya niya ang mga mata sa buong silid at napukaw na kaniyang atensyon ang mga pictures na nakadikit sa wall. Nilapitan niya ito isa-isang tiningnan ang mga ito. Napangiti siya nang makita rito ang picture ni Cali. Hawak nito ang medal niya at malapad na nakangiti. “That was the first time na nanalo siya ng gold sa AHCUlympics,” sabi ni Rave na hindi niya namalayang nakatabi na pala sa kaniya. “Sa susunod may picture ka na rin diyan,” nakangiting sabi nito nang nakatingin sa kaniya. Napangiti naman siya sa tinuran nito. “Do you think I can do it?” tanong niya rito habang nakatitig pa rin sa picture ni Cali. “Well, it takes a lot of discipline and training. If you are passionate enough and determined I think you can do it,” sagot nito sa kaniya. “How about you? Do you also have a picture here?” tanong niya rito at hinanap niya ang picture nito. “Here,” sabi niya nang makita ito. “Silver. I was always next to Cali.” Napalis ang mga ngiti nito at nakatitig lamang ng seryoso sa kaniyang picture. Napatingin naman dito si Val. Napansin niyang bahagyang lumungkot ang mukha nito nang banggitin ang huli nitong sinabi. “Anyway, I think matutulungan mo ako sa pag-design ng organizational chart ng club,” pag-iiba nito ng usapan. Lumipat ito sa bakanteng space ng wall. “Wala talaga akong idea kung paano gagawin ang org chart, eh. Can you help me?” tanong nito at pagkatapos ay nilingon si Val na nakatitig lang din sa wall. Hindi ito umimik. “Please?” bahagyang pa-cute na dagdag nito at lumabas ang dalawang dimples nito sa magkabilang pisngi. Ito ang unang pagkakataon na nakapag-usap sila nang mas matagal kaya hindi rin maiwasang mapansin ni Val ang kabuuan nito. Sa tantiya niya ay mas matangkad ito sa kaniya ng dalawang pulgada. Malapad ang mga balikat nito at halatang alaga ang pangangatawan. Ngumiti naman siya. “Sure.” Mas lumapad pa ang mga ngiti nito nang marinig ang pagsang-ayon ni Val. “So, when will we start?” may halong excitement na tanong nito. “I will give you a list muna of the materials na gagamitin natin. Then, we can start na right away,” paliwanag ni Val. “Yeah, sure. Here’s my IG.” Iniharap nito ang screen ng cellphone niya para mabasa ito ni Val. Bumukas naman ang pinto habang hawak ni Val ang cellphone ni Rave. Iniluwa nito si Cali. Nakita niyang bahagya itong nagulat nang makita siya. Nakatingin ito sa kaniya at saka tinitigan ang cellphone na hawak niya. Doon niya naman napansin na hindi niya pa pala ito naibabalik kaya ibinigay niya na ito kay Rave. “Oh, nandito na pala si Cali,” sabi ni Rave na sinundan naman ng muling pagbukas ng pinto at pumasok ang isang babae na may dalang milk tea. “Hey, ba’t mo ‘ko iniwan sa cafeteria? Ako tuloy ang nagbitbit nito. Look, oh, ang sakit na ng fingers ko,” sabi nito kay Cali na tila nagpapa-cute. “Here is for you, Rave.” Ibinigay nito sa binata ang isang milk tea at saka pa lamang nito napansin si Val. “Si Val nga pala, bagong recruit sa team. Val, si Athena,” pakilala sa kaniya ni Rave. Nakangiti naman siyang bumati rito at tinapunan din siya ng pilit na ngiti. “Anyway, may pinabibigay daw na letter sa ‘yo from the student council,” sabi ni Rave kay Cali sabay tingin kay Val. “Yeah. Phoebe Imperial from the council asked me to give you this,” sabi niya. Kinuha ito ni Cali and opened it. Tahimik nitong binasa ang nakasulat sa letter. Napansin naman ni Val na matamang nakatitig sa kaniya si Athena habang sumisipsip ng milktea. Nang lingunin niya ito ay kaagad naman itong nag-iwas ng tingin. “What’s in the letter, Cali?” tanong ni Rave. “The letter says that we will perform a pomsae in the upcoming convention of AHCU which is gonna happen two weeks from now,” sagot nito. “Wow! Then, we need to gather everyone for the rehearsal,” may excitement sa boses na sabi ni Rave. Hindi naman kumibo si Cali at tinungo nito ang calendar na nakasabit malapit sa kaniyang table. He encircled the date kung kailan gaganapin ang convention. “Thanks for bringing the letter,” sabi nito. Tumango lang si Val. Yumuko siya at tinitigan ang hawak na libro. Naisip niyang ibigay na lamang ito kay Cali dahil baka kailangan niya pa ito. “’Yong book nga pala, baka kailangan mo pa,” nag-aalangan niyang sabi. Lumapit siya sa table at iniabot ang libro. “Natapos ko na ang term paper ko, so, basically, I no longer need that book,” seryosong sagot nito. “Okay. I was just thinking na baka kailangan mo pa ‘to,” sabi niya. “Like I said, hindi ko na kailangan ‘yan,” kaagad naman nitong sagot. “Are you okay? I mean, about what happened to you yesterday.” “Y-yeah, I’m okay,” mabilis nitong sagot. “I just thought…” “I’m really okay,” agad nitong sagot habang seryosong nakatitig sa kaniya. “Hey, hindi na masarap ‘tong milktea. Kanina ko pa ‘to hawak ang sakit na ng kamay ko,” sabi ni Athena sabay abot nito kay Cali na para bang sinasadyang sumingit sa usapan ng dalawa. Kinuha naman ito ni Cali saka ipinatong sa table. “S-sige, lalabas na ako,” paalam ni Val. Tumalikod na siya at tinungo ang pintuan kung saan nakatayo pa rin si Rave. “About the materials na gagamitin sa org chart, puwede mo ba akong samahang bumili? I’m really useless with this kind of thing, please,” pakiusap sa nito sa kaniya. Napangiti naman siya sa expression ng mukha nito. Hindi niya alam na may ganitong personality pala si Rave. “Sure. Pero kailangan ko munang ibalik itong libro sa library,” paliwanag ni Val. “Sabay na tayong kumain pagkatapos. Let’s eat takoyaki. Do you like takoyaki?” malapad ang ngiting tanong nito. “Yes,” sagot ni Val. “Kakain tayo ng takoyaki then let’s go to a café afterwards.” “I like that,” nakangiting sagot ni Val. Hindi nila alam na naririnig ni Cali ang usapan nilang dalawa kaya bigla itong tumayo at lumapit sa kanila. Tumikhim pa ito bago nagsalita. “Ah, Rave, sorry but Sir Shino messaged me na gusto niyang mabasa ang letter and he wants you to bring it to the faculty,” sabi niya sabay abot ng letter dito. “Wait, ngayon na?” gulat naman na tanong nito. “Yes, ngayon na,” mabilis namang sagot ni Cali. “How about the materials na kailangang bilhin?” tanong naman nito sabay tingin kay Val. “I’ll take care of it. Ako na ang sasama sa kaniya,” seryosong sagot ni Cali at pagkatapos ay binuksan na ang pinto. Nagtataka naman sina Rave at Val sa kakaibang ikinikilos nito. “I thought you were going to the library first?” tanong nito kay Val nang nakahawak sa door knob na parang hinihintay na siyang lumabas. Tumingin muna si Val kay Rave na mukhang naguguluhan pa rin sa ikinikilos ng kaibigan at tuluyan na ring lumabas. Habang naglalakad sila sa hallway ay walang kumikibo sa pagitan nilang dalawa. Hindi mapigilan ni Val na magtaka sa biglang pagsama nito sa kaniya samantalang kanina lang ay parang hindi ito komportable na kausapin siya. “Why have you changed your mind all of the sudden?” basag ni Val sa katahimikan “What?” tanong naman ni Cali. “I mean, hindi mo naman ako kailangan samahan,” sagot ni Val. “I was the one who borrowed that book. I don’t think the librarian is going to accept that kung hindi mo ako kasama,” kaswal na sagot nito. “I see,” sabi naman ni Val. “About what happened yesterday, do you mind if I ask what was it that caused you a sudden headache?” dagdag na tanong niya. “I’ve no idea,” maiksing sagot nito. “I joined Taekwondo Club because I was terrible of making friends. I convinced myself that I didn’t need friends and I’ve been used to it,” mahabang sabi niya. Huminto naman ito sa paglalakad at humarap sa kaniya. “I might appear weird and undesirable to everybody but I always try my best to become friends with them. Because even if I convinced myself that I like being alone most of the time, I still thought it would be nice to have friends.” Mataman pa ring nakikinig sa kaniya si Cali. “I hope you didn’t hate me, for being me.” Matapos niya itong sabihin ay bahagyang nabigla si Cali. Hindi nito inaasahan ang pagiging straightforward niya. “I could be more than you think I am, I can improve myself, just as you could be more than I think you are,” patuloy ni Val. “Everybody has a room to improve themselves,” sagot ni Cali. “Even if you’ve said those hurtful words to me, I still think you are a good person, Cali. Do I still get on your nerves?” diretso niyang tanong dito. Hindi naman nakasagot si Cali. Ipinasok nito sa magkabilang bulsa ang mga kamay na tila hindi alam ang sasabihin. “Do you think I’d like takoyaki?” tanong nito imbes na sagutin ang tanong ni Val at saka muling naglakad. Nagtaka naman si Val sa pag-iiba nito ng usapan at sinundan lamang ito ng tingin. “You said you’d like to eat takoyaki after buying the materials. Why are you just standing there?” tanong nito nang lingunin si Val na nakatayo pa rin. “This guy is really weird today,” bulong ni Val sa sarili.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD