Who's Padre Manuelo Sebastian?

2174 Words
“Tsk! Wala man lang akong makuhang puwedeng kainin dito, buti pa nang nakaraang araw may hamburger at fries pa rito,” reklamo ng isang gusgusing babae na tila wala sa sariling pag-iisip habang abala sa paghahalukay ng mga basura sa isang trash bin na nasa gilid ng kalsada malapit sa university. Si Val naman ay naglalakad at napadaan sa kinaroroonan nito. Galing siya sa malapit na store ng school supplies para bumili ng clay, kailangan niya ito sa requirement niya sa sculpture subject. Muli niya pa itong narinig na parang may sinasabi pero hindi na niya ito maintindihan. Huminto siya saglit nang makalapit na siya rito at pinagmasdan ito. Mahahalatang nasa edad singkuwenta na ito pero hindi siya sigurado dahil marahil ay mas lalo lamang itong pinatanda ng marumi nitong suot. Napansin naman nito na pinanonood niya ito. Tumingin ito sa kaniya at bahagya pang naningkit ang mga mata na para bang kinikilatis nito ang kaniyang mukha at pagkatapos ay muling ibinalik ang atensyon sa ginagawang paghahalukay. Dinukot ni Val ang baon niyang sandwich mula sa kaniyang bag at iniabot ito sa babae. “Mayroon akong sandwich, sa inyo na lang po,” sabi niya rito. Tumigil naman ito sa paghahalukay. Tumingin ito sa hawak niya at naginginig ang kamay na kinuha ito ng dalawang kamay. Ngumiti naman siya nang makitang kaagad nitong kinain ang binigay niya. Hindi na niya hinintay na magsalita pa ito kaya inihakbang na niya ang mga paa. “Ikaw ‘yon,” biglang sambit nito. Napahinto naman siya sa paghakbang at muling humarap dito. “Nakita kita nang gabing ‘yon,” patuloy nito. Nagtaka si Val. Naisip niyang marahil ay tinutukoy nito ang gabing pinagtulungan siyang kaladkarin ng tatlong lalaki. “Hanggang kailan ka ililigtas ng kapalaran mo, kung patuloy kang ibinabalik nito sa iyong nakaraan,” mahiwagang sabi nito sa kaniya. Natigilan naman si Val sa kaniyang narinig at hindi niya mapigilang magtaka kung bakit ito nagsasalita ng gano’n. “A-ano po ang ibig ninyong sabihin?” tanong niya. “Sa dating simbahan, muling aagos ang dugo at bubuhos ang mga luha,” tugon nito imbes na sagutin ang tanong niya. “Tsk!” himutok nito sabay tinampal nang mahina ang noo nito. “Panaginip, panaginip, pauli-ulit na lang,” dagdag pa nito. Nag-angat ito ng tingin nang mapansing nakatayo pa rin siya at nakatitig dito. “Sino ka? Kilala ba kita? Tsk, hindi masarap ang nakain ko dito. Doon, baka mayroon pa,” sabi nito at dali-daling umalis sa susunod na trash bin. Naiwan si Val na parang nakapako sa kaniyang kinatatayuan. Pakiramdam niya ay may mga nais ipahiwatig sa kaniya ang mga sinabi nito pero kaagad ding ipinilig ang ulo nang ma-realize niya na wala sa sariling katinuan ang babaeng kausap. Muli niyang ipinagpatuloy ang kaniyang paglalakad na laman pa rin ng kaniyang isip ang sinabi ng babae. “Was she referring to what happened that night? But why did she mention an old church?” tanong niya sa sarili. Nasa bahagi na siya ng main gate at binabagtas na niya ang pathwalk patungo sa main building nang marinig niyang may tumawag sa kaniya. “Val!” tawag sa kaniya ni Phoebe. Nang lumingon siya ay nakita niyang magkasama ito at si Cali. Nagmamadali namang lumapit sa kaniya si Phoebe samantalang nasa likuran nito si Cali. Nang makalapit na ito sa kaniya ay kumunot ang noo nito. “What’s wrong?” nagtatakang tanong nito na nakatitig sa kaniyang mga mata. “W-why?” nagtataka niya ring tanong pabalik dito. “You’re crying, Val. What happened?” concerned na tanong nito na lumingon pa kay Cali. Nakatitig naman ito sa kaniya at halata rin sa reaksyon nito ang pagtataka. Nang maramdaman niyang tila may pumatak na likido sa kaniyang mga mata ay inilapit niya ang kaniyang kamay at doon niya napagtantong basa nga ito ng luha. Halata rin sa kaniyang reaksyon na maging siya ay naguguluhan din. “Are you okay?” muling tanong ni Phoebe. “Y-yeah! Baka napuwing lang ako sa alikabok, galling kasi ako sa labas,” paliwanag niya upang hindi na ito mag-alala. Napatingin naman siya kay Cali. Mababanaag sa mukha nito na para bang nagtataka ito sa mga nangyayari sa kaniya dahil laman din ng isip nito ang bigla niyang paghagulhol nang gabing iyon. “Are you sure?” paninigurado ni Phoebe na tila nagtataka pa rin. “Yeah, napuwing lang ako,” sagot niya naman. “Anyway, Cali is my kuya,” nakangiting pakilala nito. “Y-yeah, I know,” sagot niya habang si Cali naman ay hindi pa rin umiimik at nakatitig lamang sa kaniya. Hindi niya naman magawang tumingin dito dahil tila nakakaramdam siya nang pagkailang, para bang tumatagos sa kaniya ang mga titig nito. “Tss, why does he have to stare at me like that” himutok niya sa sarili. “Hindi mo man lang ba ako pasasalamatan?” tanong nito. “F-for what?” tanong niya naman. “For helping you find the person who uploaded the photos,” naka-cross ang arms na sagot nito. “Y-yeah. Thanks,” tila napipilitang sagot niya sabay tingin kay Cali. “And also, just in case you don’t have a copy, I saved all of it,” pabirong sabi nito. “What?” sambit niya na tila namumula ang pisngi. Napangiti naman si Cali nang mapansin nito ang bigla niyang pamumula sa sinabi ng kapatid nito. “Anyway, may gagawin ka pa ba? Magpapasama sana ako sa ‘yo sa library. Si kuya kasi ayaw akong samahan, so ikaw na lang,” diretsong sabi nito. “Ah, y-yeah. I will do this na lang sa bahay,” tugon niya rito at ipinakita ang binili niyang clay kanina. “Nice! Tara na,” saka mabilis na humakbang si Phoebe. Sandali pa siyang naiwan at tumingin kay Cali. Ngumiti naman ito sa kaniya at tumango. Ganoon din ang isinukli niya rito. Tila nakadagdag pa sa nararamdaman ni Val ang mga titig sa kaniya ni Cali. Pakiramdam niya ay iniisip pa rin ito ang mga nangyari nang gabing iyon—na bigla na lamang siyang umiyak dahil sa kung anong alaala na biglang pumasok sa kaniyang isipan. Sinindan na niya si Phoebe na dire-diretso pa rin sa kaniyang mga hakbang at sinubukan itong habulin “You know what, the reason why I want someone to go with me dito sa library is because, ilang araw na akong pabalik-balik dito but it seems like wala man lang silang resources or compilation ng mga details ng school. Even, a magazine or an article about the university’s history,” mahabang paliwanag ni Phoebe sa mahinang boses nang nagsisimula na silang tumingin sa mga books. “But why are you so interested in the univ’s history?” nagtataka namang tanong ni Val. “That’s for my term paper in Literature,” simpleng sagot nito habang patuloy pa rin sa pag-scan ng mga books. Naalala niya ring Literature student nga pala si Phoebe. “Also, as a president of the student council I think it would be legacy for me kung makakapagsulat ako something about the university,” dagdag pa nito. Hindi naman siya nagsalita at itinuon na rin ang atensyon sa paghahanap ng books about the schools which were founded in the Spanish era. “Do you believe in reincarnation?” biglang tanong ni Phoebe sa kaniya. Nagtaka naman siya sa tanong nito. “Why do you ask about that?” tanong niya. Nag-angat naman ito ng tingin. “Literature,” sagot nito. “I see,” sambit niya nang mapagtanto ito. “So, what? Do you believe that when a person dies, he can be born again?” muling tanong nito. “I haven’t read much about that, but I think that, it feels nice to believe that we have more than one life to spend in this world,” sagot niya. “How about… ,” tanong niya sana pero hindi na niya ito naituloy dahil may kung anong biglang nakaagaw sa pansin niya. “What?” tanong naman nito pero hindi na siya sumagot. Kinuha niya mula sa shelves ang isang libro at binasa ang nakasulat dito’ “Schools during the Spanish Era in the Philippines,” tahimik niyang basa dito. Habang patuloy sa paghahanap si Phoebe ay tila naman nanginginig ang kaniyang mga kamay na binuksan ang libro. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon ang nararamdman niya. Parang may kung anong hiwaga sa librong ito. Dahan-dahan niyang binuklat ang mga pahina at tiningnang maigi ang mga nakasulat doon hanggang sa isang larawan ang pumukaw sa kaniyang atensyon. Sa ibaba nito ay may nakasulat na ‘Padre Manuelo Sebastian’. Tiningnan niyang mabuti ang mukha ng nasa larawan, his eyes are very remarkable kahit pa may suot itong salamin. Hanggang sa isang iglap ay tila naging pamilyar sa kaniya ang mukha nito. Bigla siyang nakaramdam ng panginginig, sumigid ang matinding sakit sa kaniyang ulo at nabitawan niya libro. Bumagsak ang libro sa sahig na may larawan ng isang pari. Bigla siyang tumakbo palabas ng library at naiwan naman si Phoebe na labis ang pagtataka sa kaniyang ikinilos.  Hindi na alam ni Val kung paano siyang nakalabas nang mabilis sa library at umiiyak na tumatakbo papunta sa bahagi ng campus kung saan makikita ang pangalang Universidad de Don Manuelo sa itaas ng main building. Hindi pa rin nawawala ang p*******t ng kaniyang ulo hanggang sa isang iglap lang ay muling lumitaw sa kaniyang alaala ang mukha ng pari sa larawan na nagngangalang Manuelo. Nasa loob ng kaniyang kuwarto si Padre Manuelo at inaayos ang kaniyang higaan nang biglang pumasok si Domeng at agad na isinara ang pinto. “Domeng, hindi pa oras ng paglilinis, napaaga ka yata,” kalmadong sabi niya sa binata. “Batid kong hanggang diyan nga lang ang tingin mo sa akin,” may bahid ng galit sa boses na sabi nito habang inihahakbang nito ang mga paa palapit sa kaniya. Bumuntong-hininga si Manuelo dahil alam niya kung ano ang tinutukoy nito. “Nakita ko kayo ng anak ng alkalde, sinundan ko kayo sa ilog,” tiim-bagang na sabi nito sa kaniya. Napaatras si Manuelo dahil sa patuloy na paglapit nito sa kaniya. Parang wala sa sarili si Domeng, makikita sa kaniyang mga mata ang labis na poot. “Labag sa batas ng Diyos, ‘yan ang sabi mo sa akin. Pero bakit si Antonio, tanggap ba kayong dalawa ng Diyos?” mahina lamang ang boses ni Dominador pero punong-puno ito ng galit. Hindi nakapagsalita si Padre Manuelo sa tinuran nito. “Kung hindi ka mapapasaakin, sisiguraduhin kong ganoon din ang magiging kapalaran ninyo,” mariing sabi nito sa kaniya. Naiwan si Padre Manuelo na halos hindi pa rin makapaniwala sa mga sinabi nito. Doon niya naalala ang kakaibang ikinikilos ni Dominador nang mga nakaraang araw. Hindi siya nito kinakausap simula nang magtapat ito sa kaniya pero ginawa niyang dahilan ang kauutusan ng simbahan. Subalit ngayong alam na nito ang namamagitan sa kanilang dalawa ni Antonio ay hindi ito papayag na magiging masaya silang dalawa. Isang dapit-hapon ay nagpasyang magkita sina Manuelo at Antonio sa dati nilang tagpuan. Naunang dumating doon si Antonio. Nakatalikod ito sa kaniya habang nakatingin sa malayo. Ilang sandali pa ay lumingon ito sa kaniya na malungkot ang mga mata. Sa kaniyang paglapit sa binata ay doon niya napansin ang mga pasa nito sa kaniyang mukha at mayroon pang bahid ng dugo sa mga labi nito. Nahapis ang damdamin ni Manuelo nang makita ang kalagayan ng kaniyang kasintahan. “Batid na ni ama ang namamagitan sa ating dalawa,” bumagsak ang butil ng luha sa mga mata nito. Maging si Manuelo ay hindi na rin napigilan ang tuluyang pagbagsak ng kaniyang mga luha. “Lilisanin natin ang lugar na ito, Manuelo. Hindi ko kakayanin kung ikaw ay mawawala sa akin,” tuluyan na itong humagulhol. Bahagya namang umiling si Manuelo tanda ng hindi niya pagsang-ayon sa sinabi nito. “Sa panahong ito, ito marahil ang ating kapalaran, Antonio,” humihikbing sagot niya rito. Tuluyan silang nagyakap at parehong humahagulhol hanggang sa ilang sandali pa ay naramdman na lamang nila na may humila sa kanilang dalawa, iginapos at kinaladkad pabalik sa simbahan upang doon ay litisin si Manuelo sa harapan ng maraming tao at kay Monsenyor Diosdado. Ilang beses na nilatigo ng guwardiya si Manuelo ayon s autos ng monsenyor. Maging ang mga taong nanonood ay binabato siya sa paniniwalang siya ang nagdadala ng salot at malaking problema sa kanilang lugar. Si Antonio naman ay nagpupumiglas mula sa pagkakahawak sa kaniya ng mga guwardiya pero hindi nito magawang kumawala kung kaya wala itong magawa maliban sa panoorin ang kasintahang pari habang pinarurusahan ito. Tanging kay Antonio lamang nakatingin si Manuelo habang tinatanggap niya ang mga latigo at pambabato sa kaniya ng mga tao. Ramdam niyang tila may mainit na likidong dumaloy sa kaniyang mukha ay kasabay noon ay ang unti-unting panlalabo ng kaniyang mga mata habang nakikita niyang nagpupumiglas si Antonio at humahagulhol na nakatingin sa kaniya. Ilang sandali pa ay tuluyan nang dumilim ang kaniyang paningin.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD