Do the Stars Align?

2029 Words
Rave was a naturally happy person, he loved to make people around him laugh and feel comfortable, and this was the reason why Val easily found a friend on him. But, this past few days have been like a torment for him. He felt listless na para bang hindi niya na kilala ang sarili niya. It all started at Athena’s party, the night na nakita niyang magkayakap sina Cali at Val. He knew that Val was drank that night, and they accidentally kissed. But what was really making him weird around Val after that was a distant memory that kept on recurring in his mind. “May isang bagay sana akong nais na sabihin sa inyo, Monsignor.” Katatapos lamang ng misa nang araw na iyon at nakauwi na ang lahat kaya minabuti ni Dominador na samantalahin ang pagkakataon upang sabihin sa monsenyor ang isang bagay na matagal na niyang nais sabihin. “May gumugulo ba sa iyong isipan, Domeng?” tanong nito sa kaniya. Bilang isang tagasilbi sa simbahan ay kilala siya halos ng lahat. Siya ang namamahala sa pagsasaayos ng lahat sa tuwing araw ng simba at kung may mga espesyal na gawain. Siya rin ang namamahala sa paglilinis mula sa labas ng simbahan hanggang sa kumbento kaya siya ang nilalapitan ng mga pari. Ito rin ang dahilan kung bakit siya napalapit kay Padre Manuelo. Mula sa pagpasok nito sa kumbento nang nagsisimula pa lamang ito ay naging malapit na sila sa isa’t isa. Magkasing-edad lamang sila kung kaya madalas silang mag-usap. Sa tuwing nagdidilig ng mga halaman sa paligid ng kumbento ay nagkukuwentuhan silang dalawa tungkol sa kanilang mga buhay at mula noon ay masasabi niyang naging matalik silang magkaibigan. Subalit nagbago ang lahat ng iyon nang makilala nito ang isang binatang anak ng alkalde sa kanilang bayan na si Antonio. Sama-samang nagsisimba ang buo nitong pamilya tuwing Linggo at pagkatapos ng misa ay malimit itong nagpapaiwan upang makipagkuwentuhan kay Manuelo. Minsan naman ay nagpapadala ito ng mga prutas at pagkain sa kumbento kaya labis itong kinagigiliwan ng iba pang mga pari. Habang tumatagal ay napapadalas na ang pagbisita ni Antonio kay Manuelo. Madalas din silang lumabas at mamasyal sa tabing-ilog na magkasama. Napansin naman ni Dominador na tila nagbago ang kaniyang pagtingin kay Manuelo. Kung dati ay silang dalawa ang madalas na nakakapagkuwentuhan at mamasyal ay napalitan na ito ni Antonio. Napansin niya ring kakaiba ang ipinapakitang saya nito sa tuwing magkasama silang dalawa. Maraming pagkakataon na lihim niyang sinusundan ang mga ito sa tuwing pumupunta sila sa tabing-ilog upang mamasyal hanggang sa kaniyang natuklasan na hindi lamang isang matalik na kaibigan ang tingin ng mga ito sa isa’t isa. Natuklasan niya rin ang tila nakaukit na mga titik isang puno ng akasya. Lihim siyang nakaramdam ng paninibugho sa dalawa. “May nais ho sana akong ipagtapat sa inyo,” sagot naman ni Dominador. “Ikaw ba ay mangungumpisal?” nagtatakang tanong naman nito. “Hindi ho, Monsenyor. Ito ho ay tungkol sa natuklasan ko kay Padre Manuelo,” paliwanag nito. Huminto naman sa paglalakad ang monsenyor at humarap sa kaniya na tila nagtataka naman sa nais niyang sabihin. “Alam ko hong batid ninyo ang madalas nilang pag-uusap ng anak ng alkalde. Nang minsan ko ho silang sundan ay natuklasan ko ang kanilang ginagawa. At alam ko hong hindi hinhayaan ng simbahan ang mga ganoong gawain lalo na at ito ay labag sa batas ng Diyos,” mahabang paliwanag ni Dominador. Pinamanmanan ng monsenyor ang pari sa mga sumunod pang mga araw hanggang sa nakumpirma niyang nagsasabi nga ng katotohanan si Dominador. Hanggang isang dapit-hapon, ipinahuli niya ito sa mga guwardiya ng kumbento habang kasama nito si Antonio sa isang malaking puno sa tabing-ilog. Nagulat ang dalawa sa biglang pagdating ng monsenyor kasama si Dominador. Mapait ang mga ngiting binitawan ni Padre Manuelo sa kaniya. Hindi maintindihan ni Dominador kung matutuwa ba siya sa kaniyang ginawa at kung ang totoong pakay niya nga ba sa pagsumbong sa dalawa ay dahil sa batas ng simbahan, o kung dahil siya rin ay may itinatagong nararamdman para kay Manuelo. Habang pinapanood niyang kinakaladkad ng mga guwardiya ang pari ay may halong galit at pagsisisi sa kaniyang puso. Inside the club’s office ay nakaupo si Rave sa kanilang conference table habang nagsusulat sa kaniyang notebook. Si Cali naman ay nakaupo rin sa kabilang side habang tumitipa sa kaniyang laptop. Walang nais magsalita sa kanilang dalawa pero makalipas ang ilang sandali ay si Cali ang bumasag sa katahimikan. “Aren’t you gonna talk?” tanong nito. Hindi naman ito agad na umimik. “About what?” tanong din nito. “You’ve been acting so weird this past few days,” tugon ni Cali. “What’s weird about trying to sympathize for Athena?” seryoso namang tugon nito. “’Yan pa rin ba ang ikinagagalit mo? Because Athena and I talked about it already. She even said sorry to Val,” banggit ni Cali. Bahagya naman itong nag-iba ng tingin at bumuntong hininga nang mabanggit niya ang pangalan ni Val. Halata sa kaniyang reaksyon na tila may mas malalim pa itong dahilan kung bakit ito umiiwas sa kaniya. “And that night you saw Val crying, it’s not what you think, I was just trying to comfort him,” paliwanag pa ni Cali. “So, are you trying to be a good friend to him now? Because the last time I know, you can’t even say something good to him,” tanong sa kaniya ni Rave. “I know that I’ve been too hard on Val, but things have changed,” honest na sagot naman ni Cali. “Are you going to hit on him?” prangkang tanong nito. Hindi naman agad na nakasagot si Cali. “Now, I understand,” sambit nito na sarkastikong nakangiti. “What?” tanong naman ni Cali. “Now, I understand why we always seemed to be competing from each other,” sagot naman nito. “You’ve always been the gold one, effortlessly, and as always I was the silver one,” malungkot ang mga mata na sabi nito pero mahahalata sa tono ng pananalita ang tila lihim nitong paninibugho sa kaniya. “I never treated you as my competitor, Rave,” concerned na tugon ni Cali nang makita ang lungkot sa mga mata ng kaibigan. “No, you didn’t,” umiiling na sagot nito at tumingin sa kaniya. “I did,” dagdag pa nito saka inayos ang mga gamit at tinungo ang pintuan. Naiwan siyang mag-isa na tila hindi inaasahang marinig ang mga salitang iyon mula sa kaibigan. Ngayon ay naiintindihan niya na kung ano ang pinanggagalingan ng pag-iwas nito sa kaniya. It wasn’t because of Athena, it was because of Val. The next day, Val received a call from Cali but he was in the library so he rushed on going out para makausap ito. “I want you to go outside,” sabi ni Cali sa kabilang linya. “What? Nasa labas na ako,” sagot naman niya. “Can you see me?” tanong nito. “Where?” nagtatakang tanong niya habang palinga-linga sa palibot. “Up here, on your left,” tumingala siya sa kaliwa at nakita niya itong kumakaway mula sa balcony ng 5th floor ng main building. “What are you doing there?” tanong niya rito. “I want you to see it,” sagot naman nito. Ilang sandali pa ay namalayan na lang ni Val, na nakasakay na siya sa elevator paakyat sa 5th floor kung saan naroon si Cali. Pagbukas niya ngh pintuan ay agad na dumampi sa kaniyang mukha ang malamig na hangin papunta sa malago niyang buhok. Kapansin-pansin na tanging ang bahaging ito lamang ang may balcony kumpara sa ibang mga building. “How did you find this place?” tanong niya kay Cali. “I don’t know, I just discovered this place when I first stepped in this university,” sagot ni Cali sa kaniya at bigla itong natigilan na para bang may naalala ito. Nakatanaw ito sa malayo na nakapamulsa ang mga kamay. Hindi naman umimik si Val at mula sa kaniyang kinatatayuan ay malaya niya itong tinitigan. Marahang sinusuyod ng hangin ang buhok nito. Val suddenly thought that Cali has a really stunning visual. Madalas mang seryoso ang expression ng mukha nito ay very expressive naman ang mga mata nito. “What do you think of this place?” tanong nito nang hindi niya namamalayan na kanina pa pala ito nakatingin sa kaniya. “W-what?” nauutal na tanong niya pabalik. “It’s n-nice. I guess madalas kang pumunta rito,” patuloy niya. “If there’s still a memory left, there’s a way to return. Do you believe that?” sagot naman nito. Bahagyang nagtaka si Val sa tinuran nito. “Honestly, I don’t know why I keep on going up here, parang pakiramdam ko I have been doing this my whole life,” dagdag pa nito. Tumingin si Val sa kaniya. Nanatili pa rin itong nakatingin sa malayo. “I feel like, up here, I am only allowed to remember the present, that our past and future do not matter anymore,” patuloy nito. Val didn’t say anything. Parang walang ano mang salita ang nais kumawala sa kaniyang mga labi. “When I was a kid I kept dreaming of a bell tower, lagi akong umaakyat doon, I don’t know why. And it feels the same here.” Ngumiti ito at tumingin sa kaniya. Humugot naman siya nang malalim na buntong hininga. Parang may kung anong kumirot sa dibdib niya dahil sa mga sinabi nito. He felt like he absolutely understood how Cali felt of this place, and why it also seemed familiar to him. Lumapit siya at ipinatong ang kaniyang mga kamay sa concrete na railing ng balcony. Mula doon ay ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Habang ginagawa niya ito ay pinanonood naman siya ni Cali. Habang marahang hinahaplos ng hangin ang kaniyang buhok ay isang ngiti ang sumilay sa mga labi nito. “You’ve always been like that,” sambit ni Cali. Dahan-dahan namang dumilat ng kaniyang mga mata si Val at humarap dito. “W-what?” tanong niya. “You’ve always been innocent and honest,” sagot nito. “Is it bad?” tanong naman niya. Napansin niya namang biglang tumawa nang mahina si Cali na para bang hindi ito ang inaasahan niyang sagot mula sa kaniya. “How about now? Do you already remember what happened at Athena’s party?” tanong nito sa kaniya. Biglang nag-init ang kaniyang mukha sa tanong nito. Bigla rin niyang naalala ang mga ginawa niya nang gabing iyon. “Tss, does he really have to ask me about that?” himutok niya sa sarili. “Y-yeah! I remember… everything.” Bigla siyang napayuko at sinapo ng kanang kamay ang kaniyang noo. “Can you tell me something more about it?” tanong nito. Natigilan naman siya. “W-what?” nagtatakang tanong niya. “You said something about the stars, tell me, does it ever align according to how we wish them to be?” tanong nito. Ibinaba niya naman ang kaniyang kamay at huminga nang malalim. Ang akala niyang itatanong nito ay ang tungkol sa aksidenteng pagdikit ng kanilang mga labi. Itinaas niya ang kaniyang mga mata at tumingin sa kalangitan, maliwanag pa kung kaya wala pang mga bituin. “Do you see a star in the sky at daytime?” tanong niya rito habang bahagyang nakatingala. Umiling naman ito. “That’s why I don’t believe it. The stars only align if we are able to remember, that love takes any time, place and form, and to never conceal it,” sagot niya rito. “But the stars are just up there, even at daytime,” tugon naman nito. Tumingin siya rito at katulad niya, bahagya rin itong nakatingala sa langit. “What is the purpose of being able to see it at night, but could easily forget that it exists even at daytime?” paliwanag niya rito. Hindi na ito umimik pero patuloy pa ring nakatingin sa kalangitan, at sa sulok ng mga mata nito ay kumislap ang tila butil ng luha sa kaniyang mga mata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD