Sa muling pagbalik ni Val sa university ay mas magaan na ang kaniyang pakiramdam. Hindi na siya gaanong nag-aalala sa mga ibang estudyante na pinagtitinginan siya nang mga nakaraang araw. Bagamat bahagyang natatakpan ng malago niyang buhok ang band aid na nakadikit sa kaniyang noo ay alam niyang agaw-pansin pa rin ito dahil sa kulay nito.
Habang naglalakad sa campus ay nakita niya si Cali na may kausap mula sa ‘di kalayuan. Natatandaan niyang sa lugar na iyon sila unang nagkakilala ni Phoebe. Huminto siya a paglalakad at tiningnang mabuti ang babaeng kausap nito. Napagtanto niyang hindi nga siya nagkakamali dahil si Phobe nga ang kausap nito. Pansin niyang masinsinan ang pag-uusap ng dalawa na para bang napakahalaga ng pinag-uusapan ng mga ito.
Ilang sandali pa ay nakita niyang umakbay si Cali sa balikat nito at sabay na umalis sa lugar na iyon. Makikita sa kanilang mga kilos ang pagiging malapit ng mga ito sa isa’t isa. Hindi maipaliwanag ni Val ang kaniyang nararamdaman. Parang may kirot na gumuhit sa kaniyang dibdib nang makita ito.
“What is this?” tanong niya sa sarili. Marahan niyang ipinilig ang kaniyang ulo at nagpatuloy na sa paglalakad.
Nakakailang hakbang pa lamang siya nang makasalubong niya si Rave. Nabigla siya nang makita ito pero tila mas higit na nabigla ito nang makita siya. Nagkatinginan muna sila bago siya tuluyang nagsalita.
“H-hi!” bungad niya rito.
Hindi naman agad ito nakasagot. Nakatingin ito sa kaniyang noo at mababakas sa mga mata nito ang tila pag-aalala at pagkabalisa. Maya-maya ay nag-iwas ito ng tingin.
“Is there something bothering you?” tanong ni Val.
Yumuko naman ito at bumuntong-hininga.
“No. I’m okay,” mahinang sagot nito.
“I haven’t seen you for a while,” saad ni Cali.
“Y-yeah, I was busy. I… I have too many requirements for this sem so I needed to catch up,” sagot nito na tila nauutal.
Napaisip naman si Val kung bakit kakaiba ang ikinikilos nito ngayon. Hindi ito ang Rave na nakilala niya na palabiro at palangiti. He looked anxious at pakiramdam niya ay may hindi ito sinasabi sa kaniya.
“If you want someone to talk to, you know you can call me anytime,” sabi ni Val.
Tumingin naman ito sa malayo saka dahan-dahang tumango at pilit na ngumiti.
“I should go,” mahinang sambit nito.
Dumiretso na ito ng lakad at ganoon din si Val pero hindi niya alam na saglit pa itong huminto at nilingon siya. May bahagi sa mga mata nito na malungkot pero mas nangingibabaw ang pagiging balisa nito na para bang may gumugulo sa isipan nito.
However, Val didn’t feel good, mula nang makita niya sina Cali at Phoebe na magkasama hanggang sa napapansin niyang pag-iwas sa kaniya ni Rave. A part of himself couldn’t believe na pagkatapos ng mga nangyari ay ito ang bubungad sa kaniya.
Pumasok siya sa klase nang araw na iyon, wala ng mga estudyanteng nakatingin sa kaniya at tila bumalik na sa normal ang lahat. Nagtataka rin siya dahil wala na ang mga litratong naka-post sa f*******: at kahit sa kanilang GC ay hindi na rin ito pinag-uusapan ng mga kaklase niya.
Mula naman sa labas ng main building ay pumasok sa cafeteria sina Cali at Phoebe at dito ipinagpatuloy ang kanilang pag-uusap tungkol sa ginawa ni Athena.
“I don’t think naman ginawa niya ‘yon para pahiyain ka,” saad ni Phoebe.
“Then, what do you think?” tanong ni Cali.
“It’s Val. She doesn’t like him being close to you,” sagot naman ni Phoebe sa nakatatandang kapatid.
Hindi naman agad sumagot si Cali.
“She’s always been like that,” napapailing na sabi ni Cali na tila disappointed pa rin sa ginawa ni Athena.
“She deleted all the pictures already,” sabi ni Phoebe.
“What did you do?” nagtatakang tanong ni Cali sa kapatid.
“I threatened her,” kaagad naman na sagot nito.
“What?” bulalas ni Cali.
“Why? Dahil ba kasosyo ng mommy at daddy ang family nila sa negosyo hindi ko na siya puwedeng pagsabihan?” nakataas ang kilay na sagot naman ni Phoebe.
Dati nang may chocolate factory ang parents ni Athena, at nang lumago naman ang cacao farm ng parents nila Cali sa province ay naging magkasosyo ang mga ito. Nakita rin ng parents nila kung paano lumaki si Athena na laging yaya at mga kasambahay lamang ang mga kasama nito kung kaya malimit na paalalahanan si Cali ng mama niya na maging mabait dito at maging protector nito. That was the reason kung bakit spoiled sa kaniya si Athena.
“You could have talk to her in a nice way,” sabi naman ni Cali.
“You know I can’t do that, Kuya,” paliwanag nito at pabagsak na sumandal sa kinauupuan at nag-cross ng arms.
Napailing naman ng kaniyang ulo si Cali dahil sa inasta ng kapatid.
“So, what now?” Nagtaka naman si Cali sa tanong ng kapatid.
“What?” sambit niya.
“I traced the person who shamed you on social media, that means may utang ka sa akin,” paliwanag nito na tila naglalambing pa kay Cali.
Naalala naman ni Cali ang promise nilang magkapatid na sa tuwing hihingi ng favor ang isa sa kanila ay kailangan niya itong ilibreng manood ng sine.
“Tss, ang tagal na ng promise na ‘yan, hanggang ngayon naalala mo pa,” pang-aasar niya rito.
“Whatever. Tatawagan ko na si mommy na ililibre mo ako ng sine mamaya kaya gabi na tayo makakauwi,” pangungulit nito sa kaniya sabay kuha ng kaniyang cellphone.
Phoebe and Cali are really close. Dalawa lang silang magkapatid at kahit pa busy sa negosyo ang mga parents nila ay hands on ang mommy nila sa kanila. Hindi sila nagkaroon ng yaya dahil pinilit pagsabayin ng parents nila ang pagtatrabaho at pagpapalaki sa kanila. Hindi naman maikakaila na parehas silang lumaki nang maayos. Si Phoebe ay hindi lang magaling sa klase, talented din ito sa multimedia at performing arts. Bilang president ng student council ay active din siya sa teatro bilang director at minsan naman ay scriptwriter. Si Cali naman ay hindi lang black belter sa taekwondo kung hindi consistent Dean’s lister din ito. Siya rin ang ipinapadala ng university sa tuwing may mga gaganaping conevention ng mga student leaders sa buong bansa. They have a perfect siblings relationship.
Habang patuloy sa pag-aasaran ang dalawang magkapatid ay nasa counter naman si Val na may hawak na milktea. Muli niyang nakita ang dalawa at nagpasya na lamang siya na sa labas inumin ang in-order niya.
Tumungo siya sa bahagi ng campus kung saan sila unang nag-meet ni Phoebe. Umupo siya sa bench at parang wala sa sarili na na tinitigan ang hawak na milktea. Nang lumingon naman siya ay nakita niya ulit ang mga ito na patuloy pa rin sa pag-uusap habang naglalakad papunta sa main gate.
“They seem really close,” bulong niya sa sarili.
Malungkot niyang ibinalik ang atensyon sa hawak na milktea. Laman din ng isip niya ang pag-iwas sa kaniya ni Rave na nakadagdag pa sa kaniyang nararamdamang lungkot.
Maya-maya ay napahawak siya sa kaniyang noo at muling inalala ang nagyari nang gabing iyon.
“Why do I keep remembering the same memory inside my head? Who is Manuelo?” tanong niya sa sarili. Naalala niya rin ang panaginip niya nang nasa ospital siya. Maya-maya ay bahagyang sumakit ang kaniyang noo kaya napahawak siya rito.
Hindi niya naman napansin ang paglapit sa kaniya ni Athena. Diretso itong umupo sa kaniyang tabi at tahimik lamang na nakatingin nang diretso. Nang maramdaman niya namang may tumabi sa kaniya ay ibinaba niya ang kamay na nakahawak sa kaniyang noo at napatingin dito.
“Do you have feelings for him?” diretsong tanong nito.
“W-what are you talking about?” tanong niya rin dito dala ng pagkabigla sa tinuran nito.
“I’m talking about Cali. Do you have feelings for him?” muling tanong nito.
Hindi naman siya sumagot at nag-iwas lamang ng tingin. Ngumiti naman ito nang makita ang kaniyang reaksyon.
“I am sorry,” sambit nito. “I posted the pictures because I was mad. But now I realized that I was horrible, a terrible friend for Cali. Akala ko lalayuan ka niya, but it turned out na sa akin siya lumayo. I’m sorry,” mahabang paliwanag nito.
“Cali has been nice to you,” sagot ni Val.
“I know, and I’ll never find a guy like him again,” sagot naman ni Athena. “He was always there for me, he protected me, and maybe I just couldn’t believe na darating ang araw na lalawak ang mundo niya, nasanay ako na nasa akin palagi ang kaniyang atensyon,” malungkot na paliwanag nito.
Marahan namang tumango si Val bilang tugon sa mga sinabi nito. Maya-maya ay iniabot niya rito ang hawak na milktea na hindi niya pa rin nabubuksan.
“Here,” iniabot niya ito kay Athena at ngumiti rito.
Tiningnan naman ito ni Athena saka ngumiti sa kaniya, at kinuha ito.
“Thanks.” Tumango naman siya bilang tugon.
Umuwi si Val nang araw na iyon na magkahalo ang emosyong nararamdaman. Una, naguguluhan pa rin siya sa mga kilos ni Rave, ikalawa, may bahagi sa dibdib niya na kumikirot sa tuwing naiisip niya si Cali kasama si Phoebe at panghuli ay natutuwa siya dahil nagkaaayos na sila ni Athena.
Aminado si Val na wala siyang naramdamang sama ng loob kay Athena, mas natutuwa pa nga siya dahil pinili nitong makipag-ayos sa kaniya at hindi na pinahaba pa ang problema.
Ganoon pa man ay hindi pa rin siya mapakali sa tuwing naaalala niyang magkasama sina Phoebe at Cali.
“Tss, why do I even feel this way?” himutok niya sa sarili.
Kinagabihan, habang binabasa niya ang The Little Prince na libro ay tumunog ang cellphone niya. Nakita niya ang pangalan ni Cali at binasa ang message nito.
“Kumusta? I hope you’re doing fine.”
Kumunot naman ang kaniyang noo matapos basahina ng message nito.
“Tss, he can’t even message me kanina,” himutok niya sa sarili.
Pabagsak niyang inilapag ang phone sa kama at saka ipinagpatuloy ang pagbabasa. Ilang sandali pa ay hindi rin siya nakapagtiis kung kaya muli niya itong dinampot at ni-reply-an ito.
“I’m fine,” reply naman niya rito.
Muli siyang bumalik sa pagbabasa habang hinhintay na muli itong sumagot sa message niya.
“Are you busy?” tanong nito.
“I’m just reading,” reply niya.
Muli niyang binalikan ang binabasa niya. Ilang sandali pa ay muling tumunog ang cellphone niya.
“I’m sorry, hindi tayo nagkita kanina,” reply nito.
“I saw you kanina,” reply niya rito dahil hindi niya mapigilan ang hindi magsabi ng totoo.
“Really? Why didn’t you call me?” sagot naman nito sa chat.
“You’re with a girl. Do you really think I will do that?” sarkastiko namang reply niya.
“Oh, right. It’s Phoebe, I thought you knew her?” reply naman nito.
“Tss, he really doesn’t get it. So annoying!” himutok niya sa sarili, hindi na niya ito ni-reply-an at muling ibinaba ang cellphone niya.
Kaagad naman itong tumunog.
“Phoebe is my sister,” reply nito.
Tila nahimasmasan naman si Val nang mabasa niya ang reply ni Cali. Saka pa lamang niya napagtanto ang buong pangalan ni Phoebe.
“I am Phoebe Imperial” naalala niyang pakilala nito nang una silang magkita.
Bigla siyang nakaramdam ng hiya sa kaniyang inasal. Muli siyang tumipa sa keyboard ng phone niya pero bago pa man siya makatapos ay may reply na ulit sa kaniya si Cali.
“Are you jealous? ☺”
Nabigla siya sa message nito. Hindi na siya nag-reply. Nawala ang kirot sa dibdib niya dahil sa nalaman at natulog siya nang may ngiti sa mga labi.