"Okay ka lang ba Peter? Bakit parang pinagsakluban ng langit at lupa ang mukha mo?" Napabuntong hininga na naman si Peter ng malalim at pinilit niyang nginitian si Juliana, "Wag kang mag-alala okay lang naman ako Juliana. Anyway, ang ganda ganda mo sa damit na 'yan!" "Maraming salamat! Alam mo Peter, kung hindi ka lang isang detective at wala kang kailangan sa akin, baka naging matalki na magkaibigan pa tayong dalawa!" Inilagay naman ni Peter ang kanyang selpon sa kanyang bulsa at muli niyang pinagbuksan si Juliana ng pinto. "Tara na Juliana, ituloy natin ang pag-uusap natin sa loob!" "Ang gentleman mo naman, Peter!" sambit ni Juliana. "Baka naman kinukuha mo ang loob ko para makapag testigo na ako?" "Wag kang mag-alala, hinding hindi natin pag uusapan ang tungkol sa bagay na 'yan!"

