"Lola naman, wag naman po kayong nagkakalat ng ganyang ugali!" naiiritang sabi ni Juliana. Tiningnan ni Lily ang kanyang apo mula ulo hanggang paa sabay taas ng kilay kay Juliana. "Wow! Look who is talking!? Ikaw nga kababae mong tao ang landi landi mo, baka ka bumukaka ka na sa lalaki na 'yun eh!" "Ganyan po ba talaga kababa ang tingin ninyo sa akin? Sa tingin niyo po ba ay hindi ako nasasaktan sa mga sinasabi ninyo? Mayroon naman din po akong dangal at dignidad na pinapahalagahan!" Nilabanan ni Juliana ang kanyang mga luha bago pa ito tuluyang pumatak sa kanyang mga mata. "Eh basta! Kahit pagbalik baliktarin pa ang mundo, ayaw na ayaw kong mapupunta ka sa ganoong lalaki! Matulog ka ng maaga at kailangan mong pumasok bukas ng maaga kay Marta! Isang minuto ka lang ma late dun, sigur

