"Peter... ipangako mo sa akin na tatalon ka rin pagkatapos ko. Kapag niloko mo ako at nagpapatay ka sa black phantom gang, sinasabi ko sayong magpapakamatay na rin ako!" Hinalikan ni Peter si Juliana sa noo, "Pangako... susunod ako!" Naunang tumalon si Juliana at sa kabutihang ay nahulog siya sa isang dump truck sa bakuran ng hospital kaya hindi siya gaanong napuruhan. Hinantay niyang tumalon si Peter subalit bigla na lang sumabog ang gusali at lumabas ang apoy sa bintana kung saan tumalon si Juliana. "P-Peter... ba-bakit hindi ka tumalon? Ang daya mo naman!" nanlulumong sabi ni Juliana bago siya hinimatay. Nang imulat ni Juliana ang kanyang mga mata, puro puti ang kanyang nakikita. Nakakaramdaman siya ng hilo sa mga sandaling ito. "Patay na ba ako? Bakit puro puti ang nakikita ko!"

