"Guard ka diba? Siguro naman ay mayroon kang alam kung paano tayo makakapasok sa loob ng hindi tayo nahahalata?" "Well, pwede naman tayong dumaan sa fire exit pero obviously, may mga tao rin na nagbabantay doon. Bukod sa fire exit, imposible na tayong ibang daan na pwede pang gamitin para maka akyat tayo. So, gusto mo bang makipag sapalaran tayong dalawa? Kase kung ako ang tatanungin mo, kampante na talaga ako na walang mangyayaring masama kay Peter sa dami ng mga pulis na nagbabantay." "Alam mo Kenneth, kung ayaw mong sumama pwede ka ng umalis. Besides, ngayon lang naman tayo nagkitang dalawa... pero salamat sa paghatid mo rito sa akin, na appreciate ko ang kaunting tulong at pagkain mo!" "Haist... sige na nga, sasamahan kita Juliana... pero kailangan nating malaman kung nasaan ang ro

