CHAPTER 3

1485 Words
CHAPTER 3 KASABAY ang maharot na tugtog ay umikot sa pole si Janna. Inilingkis niya ang mga hita sa bakal, ikiniskis ang katawan niya roon. Nakahawak sa pole ang isang kamay, tumuwad siya, lumiyad pagkatapos ay gumiling. Nagsigawan ang mga nasa paligid niya. Pumalakpak. Pinagkakatuwaan siya ng mga ito, sigurado niya. But in her drunken haze, she didn’t give a damn. Ang gusto lang niya ay ang magwala. Para makalimot. Sa isang bar sila nagpunta ng mga kaibigan niya, isa iyon sa walang katapusang gimik nights nila. Balak magpakalasing ni Janna para kahit paano ay mabawasan ang sama ng loob niya. Noong isang linggo lang ay nadatnan niya ang boyfriend niyang si Lyle sa condo nito na kahalikan ang ipinakilala nito dati sa kanya na kaibigan nito. Kaibigan lang daw. In-emphasize pa nito. At siya na tanga, naniwala. Hindi na nag-deny ang lalaki nang kumprontahin niya. Umamin na ito na girlfriend nito ang dati ay ipinakilala na friend lang. Hindi raw sinadya ng mga ito na magkagustuhan. It just happened, iyon ang sabi ni Lyle. It just happened at sorry ka na lang. Iyon ang intindi ni Janna sa katwiran nito. She felt hurt. Betrayed. Discarded like a dirty dishrag. “Good for you. I hope you two would be miserable for the rest of your lives,” sagot niya bago niya iniwan ang mga ito. Hiindi siya hinabol ni Lyle. Hindi na rin siya nito kinontak. Well, f**k you! Sa loob-loob niya tuwing maaalala ang ginawa nito. Ni hindi niya ito iniyakan. Crying is for losers. Ipinagpalit na nga siya sa iba, magsasayang pa siya ng luha para rito? Ganoon pa man ay may masakit sa dibdib niya at isa lang ang alam niyang solusyon. Alak. The more, the merrier. And she had a lot. So now she’s being her merry self. She danced with total abandon. Kakilala ng isa sa mga kasama niya ang may-ari ng bar. Kailan lang iyon binuksan pero dumarami na ang mga kliyente dahil na rin sa theme niyon. It is the kind of bar where a client can indulge his or her racy fantasy. May secret wish siguro si Janna na maging strip teaser kaya pagkakita niya sa pole ay naatat na siyang umakyat sa stage. A few drinks later and there she is. Wala siyang paki sa mga nasa paligid niya. Ang gusto lang niyang gawin ay ang magwala. Lyle left her for another woman and it hurts even if she keeps telling herself doesn’t give a damn. Ano ba ang mali sa kanya at lahat na lang ay tumatanggi na mahalin siya? Well, your own parents didn’t want you so what do you expect? Iyong biological parents niya, ipinamigay siya. Oh, correction please, ni hindi siya ibinigay ng mga ito sa iba, iniwan siya sa tabi ng kalsada katabi ng tambak ng basura. Alam niya dahil kapag napipikon na noon sa kanya ang mommy niya ay iyon ang isinusumbat sa kanya. You would have been thrash if not for me. The words echoed in her mind. Sa orphanage siya tumira hanggang sa maampon siya nang mga bandang 3 o 4 years old siya. Pero kahit may mommy at daddy na siya ay hindi niya naramdaman na may magulang siya. Ang mga panahong lumalaki siya sa pangangalaga ng mga yaya ang naglalaro sa isip ni Janna habang gumigiling siya. Nakakainis! Pinipilit niyang magpakasaya pero hindi niya magawa. Kahit nga sa pagsasayaw ay nawalan na siya ng gana. Tumigil siya saka mabilis na bumaba galing sa stage. Pagdating niya sa mesa nila ay hinagip ng kamay niya ang basong nakita niya roon. Nilaklak niya ang laman niyon. Bottom’s up. Napangiwi pa siya sa nalasahang pait pero napangiti rin nang maramdaman ang init na gumuhit sa lalamunan niya saka kumalat sa buong katawan niya. Namungay pang lalo ang mga mata niya. “O, ba’t ka tumigil? Just when things are getting hot.” Naupo sa tabi niya si Josh. Kasama nila ito sa pag-gimik na iyon pero hindi niya ito masyadong kilala. He’s a friend of a friend or something. “Or maybe we can go someplace more private...” Hinagod-hagod nito ang braso niya. “Bug off!” Tinabig ni Janna ang kamay nito. Hindi niya ito type at wala siya sa mood. She saw the flash of anger in his eyes. Feeling entitled siguro ang lalaki. GGSS. Iyon ang nakukuha niyang vibes dito. Guwapong-guwapo sa sarili. Kaya siguro nagulat – at nainis – ito nang tanggihan niya. And suddenly she had enough of that whole evening. Ang gusto na lang niya ay manahimik. Uuwi na lang siguro siya. She would just lick her wounds in private. Tumayo na siya at nagsimulang maglakad. Mukhang balak pa siyang sundan ni Josh. “Don’t even think about it,” angil dito ni Janna. “Playing hard-to-get, huh?” Ngumisi ito. “Sure, I can play along.” Iniwan na niya ang lalaki. She is so wasted. Ngayon pa lang siya tinatablan ng todo ng kung ano mang drink na basta na lang niya nilagok. Magpapahatid ba siya sa mga kakilala niya? Nilingon niya ang mga ito. Mukhang nagkakasayahan pa ang mga ito. Magbu-book dapat siya ng Uber pero saktong paglabas niya ng bar ay may humintong taxi na nagbaba ng pasahero. Iyon na lang ang sasakyan niya kesa maghintay pa siya. Hilong-hilo na siya kaya pakiramdam niya ay matutumba na siya anumang sandali. Actually, natutumba na nga siya. “Gotcha!” May mga brasong pumaikot sa beywang niya. In her drunken state, she really didn’t give damn whose arms were around her. Ang importante, may makakapitan siya para hindi siya mabuwal. “Come on.” Giniyahan siya ng mga brasong iyon palayo sa nakahintong taxi. Hindi na alam ni Janna ang sumunod na nangyari. Nagising siya kinabukasan sa isang kuwartong hindi pamilyar sa kanya. “Oh s**t!” Napamura siya nang paglingon niya sa tabi niya ay ang tulog na tulog na si Josh ang nakita niya. s**t! s**t! s**t! Maingat siyang bumangon. Ayaw na niyang makausap pa ang lalaki. Mabilis niyang pinagpupulot ang nagkalat niyang mga damit sa sahig saka siya lumabas ng kuwarto. Doon na siya nagmamadaling nagbihis saka agad-agad nang umalis. Josh started harassing her after that night. Pinipilit siyang magkita sila. Of course she knows what he wants. More s*x. When she kept refusing, he threatened her. May gagawin daw ito na hindi niya magugustuhan kapag patuloy siyang nagpakipot. Hindi ito pinansin ni Janna. A few days after he made the threat, he acted on it. Kakayanin sana niya iyon kahit pa sobrang kahihiyan ang dinala sa kanya. Ang masama ay apektado rin ang mga magulang niya. Dahil sa pagtaas ng presyon ay na-stroke ang daddy niya. Nabuhay naman ito pero nangailangan ng intensive physical and speech therapy bago naging functional ulit. Natural lang na siya ang sinisi ng mommy niya. Kahit siya mismo ay sinisi niya ang sarili. Noon na nag-decide si Janna na lumayo sa mga ito. Bago pa man ay may condo unit na siyang inuuwian pero sa pagkakataong iyon ay dinala na niya lahat ng mga gamit niyang importante sa kanya. I’ll rid you of your unwanted burden. Thanks for everything and sorry for everything, too. Iyon ang nakalagay sa note na iniwan niya para sa mommy niya. Marketing assistant si Janna sa isang cosmetics company pero mas maganda ang kita niya sa pagpipinta. Pagkatapos nga lang ng ginawa ni Josh ay nag-decide siyang mag-lie low muna. Nag-resign siya sa trabaho at tumigil sa pagpipinta. Iyong mga commissioned works na lang ang tinapos niya. She could feel the pressure building up inside her and she felt the need to get away from it all. But she doesn’t know how. Kahit kasi magpunta siya kung saan-saan ay hindi nawawala iyong feeling of worthlessness niya. Hanggang sa matagpuan na lang niya ang sarili na nakatayo sa isang tulay. The bridge is a tourist destination. Pero hindi ang ganda ng architecture ng tulay ang dahilan kung bakit nandoon si Janna. As she stood on the bridge, she could imagine the cool, clear water calling to her. Maybe in the depths of the sea she would find peace. “Hindi mo naman siguro balak tumalon, right? That would not be good for the environment.” Hindi pa siya nakakapag-decide sa gagawin niya nang may magsalita sa likod niya. That is how she met Dave. And she would like to think that he saved her, if not her life, then maybe her sanity. He became her lifeline. Inihatid siya nito sa condo niya, sinamahan siya roon, inalagaan. She is so weak at that time. Hindi kasi siya nagkakakain, panay lang ang inom niya kaya na-malnourish na siguro siya. He helped her through a very horrible time in her life when everything seems so, so dark...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD