TUMINGIN sa mga bituin si Janna nang bumalik sa kasalukuyan ang diwa niya.
Nasaan ka na ba kasi, Dave? Tama bang mawala ka na lang basta? Pero siya, higit siguro kanino man, ang dapat makaintindi sa isang tao na bigla na lang naglaho. Ginawa rin niya iyon. Iniwan niya ang mundong nakasanayan niya para maghanap ng katahimikan. Hula niya ay may pinagdadaanan din ang lalaki. Siniguro naman nito na ligtas ito. Sinabihan siya, silang mga kasamahan nito sa grupo, na may aasikasuhin lang ito kaya ito aalis. Hindi lang inasahan ni Janna na ni hindi ito magpaparamdam. Ang huling komunikasyon nila ay isang text message.
I’m ok. Hope you all are, too.
And now she needs to speak to him so badly. Kaya lang ay cannot be reached ang phone nito. Ang hirap pa naman ng signal sa lugar na iyon. Tiyempo-tiyempo lang. Ganoon din ang internet connection. She could only keep her fingers crossed and hope that things would work out alright.
Things did not turn out alright. Luluwas dapat pa-Maynila si Joel para kausapin ang nagpadala ng sulat pero hindi pa ito nakakaalis ay may dumating ng lalaki na naghahanap dito. Natanaw lang ito ni Janna na may kukunin sanang files mula sa desktop computer na nasa opisina ng grupo. She was down the hallway, too far to clearly see the man’s face, but she felt a thrill rush through her when she caught his impressive figure.
Matangkad ito, lagpas six feet siguro. Hindi mala-Hulk ang katawan nito pero mukhang sisiw lang dito ang magbuhat ng isang sakong bigas. At kahit medyo malayo ito, ramdam ni Janna ang awtoridad na dala ng pagkatao nito. Ganoon eksakto ang mga lalaking nilalaro niya sa isipan kapag nilalaro niya ang sarili. Nang maisip niya na posibleng ang lalaki ang may-ari ng isla ay noon siya kinabahan. Mukhang ang isang katulad nito ay hindi puwedeng pakiusapan, kahit nga siguro pagmakaawaan.
Ewan kung naramdaman ng lalaki na tinititigan niya ito, bigla itong lumingon sa direksiyon niya. Para itong natigilan pagkakita sa kanya. Si Janna naman ay parang may sumuntok sa dibdib niya nang magtama ang mga mata nila. He looked kinda familiar. Hindi nga lang niya matukoy eksakto kung bakit dahil hindi niya masyadong makita ang mukha nito. Lalapit dapat siya para malinaw na makita ang features nito pero bago niya magawa ay binuksan na ni Joel ang pinto ng opisina ng conservation center at iminuwestra sa kasama na pumasok na ito. Inalis na ng lalaki ang tingin sa kanya saka ito tumuloy na sa loob.
Hindi magawang umalis ni Janna sa kinatatayuan niya. Ang magiging kapalaran ng grupo nila ang inaalala niya. Iyon ang giit niya sa sarili. Pero hindi rin niya maitatanggi na ang isa pang dahilan ay iyong lalaking nasa loob ng opisina. Hinihintay niyang lumabas ito.
To clearly see his face, katwiran niya. Napapikit siya. Okay fine. He looks hot, that’s why. The guy is the stuff naughty fantasies are made of. At para sa kagaya niya na matagal nang hindi sumasabak sa aksiyon ay napakasarap na imagine-in na ito ang kasama niya sa mainit na eksena. Kung sana lang ay maganda ang maging resulta ng pag-uusap nito at ni Joel.
Na mukhang hindi nangyari kung ang malakas na boses na galing sa opisina ang pagbabasehan.
“For the environment...” Iyon ang narinig ni Janna na sabi ni Josh. Ni hindi niya namalayan na naglakad na siya palapit sa nakasarang pinto.
“I’m all for saving those endangered species. But for you to do it at my expense? That’s what I don’t get,” sagot ng kausap nito.
“Hindi naman siguro dapat expense ang maging tingin niyo rito, Mr. Valdemor. It would be a contribution for the next generation. Your grandfather was kind enough to let us use this place as our base of operation and...”
“My grandfather is gone and unfortunately for your group, unlike him, I don’t have a philantrophic bone in my body. Nailipat na ang ownership ng islang ito sa pangalan ko at kagaya ng ilang beses ng sinabi sa iyo ng representative ko, you need to leave. It’s as plain and simple as that.”
The man sounded cold and ruthless. Tama pala impresyong nakuha ni Janna kanina. Hindi ito iyong tipong puwedeng pakiusapan. Ganoon na lang ang panlulumo niya. A haven, that’s what the island had become to her. Iyon ang lugar kung saan kahit paano ay nagsimulang maghilom ng paunti-unti ang sugat sa pagkatao niya. Tutoo pala iyong sinabi ni Dave, na nakakagaan ng pakiramdam ang pagtulong sa iba. Iyong hindi siya naka-focus lang sa sarili niya
Tinanggap siya ng mga kasamahan niya, no questions asked. Iisa lang ang misyon nila, ang pangalagaan ang mga yaman ng kalikasahan na nasalaula na nang husto ng mga tao. Her soul, her psyche, had been refreshed by her stay in that place and by their advocacy. Kahit nga iyong sining niya, nagkaroon ng panibagong sigla. Dati ay parang napapagod na siya, nagsasawa sa ginagawa. Kaya nga rin siya nagpasyang tumigil muna. Pero kailan lang ay nagsimula na siyang ma-inspire ulit. That place is doing her a lot of good. Nakakapanghinayang at nakakalungkot lang na kailangan na niyang umalis doon. Iniisip pa lang niya ang mundong babalikan niya ay napapangiwi na siya.
Tumingin si Janna sa nakasarang pinto. Hindi na malakas ang boses ng mga nag-uusap doon. Baka nagkasundo rin ang mga ito. Nagsisimula na nga siyang umasa nang pabalagbag na bumukas ang pinto at lumabas galing doon ang lalaki. Ni hindi yata siya napansin nito. Dire-diretso itong lumabas. Nasa dulo na ito ng hallway nang bigla itong bumaling sa pinanggalingan, parang may balak pang sabihin kay Joel na kakalabas din lang ng pinto.
Natanaw siya nito. At kagaya kanina, natigilan ito. Si Janna naman ay bumuka ang bibig. Kaya pala kanina pa lang ay parang may kung ano na rito ang pamilyar sa kanya. Ngayong nakita na niya ng malapitan ang mukha nito ay natandaan na niya kung sino ito...
Nasa bar ulit siya. Pero sa pagkakataong iyon ay wala sa plano ang pagsama niya roon. Seryosohan ang pagla-lie low niya mula nang mangyari ang pasabog ni Josh. Na-trauma siya masyado sa naging epekto niyon sa pamilya niya kaya nagpakabait muna siya. Isang kliyente na art enthusiast ang nagyaya sa kanya sa bar at hindi siya makatanggi. Pero balak niya ay sandali lang siya roon. Isang grupo naman sila kaya hindi na masyadong mapapansin kung maaga siyang magpapaalam.
She just had one drink. Nang makita niyang nagkakasayahan na ang mga kasama niya ay nagkunwari siya na sumama ang sikmura. Nagsabi siya na uuwi na lang. Nasa second floor ng bar iyong mesa nila at pababa na ng hagdan si Janna nang sumala sa baitang ang takong ng stilleto shoes niya. Mabuti na lang at may kasalubong siyang lalaki na mabilis na sumalo sa kanya.
“Thanks for...” Sandaling tumigil sa pag-andar ang utak niya pagkakita sa mukha ng sumaklolo sa kanya. Nakakawala ng huwisyo ang itsura ng lalaki. The word handsome wouldn’t suffice to describe him. Kahit nga idagdag pa niya ang gorgeous, sexy and hot ay parang kulang pa rin. Basta may kung ano ito na tumuhog ng husto sa panlasa niya.
“Well, hello there!” Ngumiti ito pero napansin ni Janna, hindi iyon umabot sa mga mata nito.
“T-thanks for the save.” Salamat at umandar na ulit ang utak at vocal cords niya.
“My pleasure. And I mean that in every sense of the word.” Parang may kung anong nagsindi sa mga mata nito nang sabihin nito ang salitang pleasure. Iyong kamay nitong napakapit sa balakang niya para pigilin ang pagkahulog niya ay dumiin ng bahagya. “Going somewhere?” tanong nito.
“H-home, actually.”
“Anyone special waiting for you there?”
“No, but...”
Napangiti ang lalaki. “Well, the night is young and...”
“I’m tired,” sabad ni Janna. Hindi iyon tutoo. Intimidated is more like it. Sa lalaking ito. Nakakatawa iyon dahil ni minsan sa buhay niya ay hindi siya nakaramdam ng ganoon, sa lalaki man o sa babae. But this man, well, he affects her in ways she had never experienced before. He both thrills and scares her. Ang gusto na lang niyang gawin ay ang makalayo rito. Iyon eh kahit pa may parte rin ng pagkatao niya ang gusto pang manatili sa tabi nito, ang pagmasdan ang itsura nito na hindi niya kakayaning i-describe kahit pa halungkatin niya ang buong dictionary.
“Just a drink,” yaya nito. “And then we’ll see how we feel afterwards.”
“No. Sorry, but no.” She was tempted, actually. Sorely tempted. Kung noon nangyari iyon ay hindi magdadalawang-isip si Janna. Umakma siyang aalis na pero hindi niya nagawa dahil nakahawak pa sa kanya ang lalaki. “Sana naman ay hindi ikaw ang tipo ng lalaki na nag-e-enjoy gamitan ng puwersa ang isang babae para mapilit siyang sumama.”
Mukhang effective ang gimmick niya. Nainsulto yata ang lalaki sa implikasyon niya na kailangan pa nitong mamilit para may makasamang babae, agad siyang binitawan nito.
“Far from it. Mga babae ang nagpupumilit na makasama ako,” sagot nito. “Be careful on your way down. Baka matalisod ka na naman eh wala ng sasalo sa iyo.” Pagkasabi niyon ay iniwan na siya ng lalaki.
Minsan lang niya ito nakita pero tumatak ito nang husto sa isip niya. Sapat para ito ang laruin niya sa imahinasyon sa ilang pagkakataon na nagpapahupa siya ng init ng katawan. Heat rushed over her when she remembered those times she imagined it was this man touching her in her most intimate places...
Ipinilig ni Janna ang ulo at nang mahimasmasan siya ay ang likod na lang ng palayong lalaki ang natanaw niya.
IT’S HER. Walang duda si Arion na ang babaeng nakita niya ay walang iba kung hindi iyong babae sa s*x video. Iyong babaeng tumatak ng husto sa isip niya ang itsura, hindi lang dahil sa napanood niya kung hindi mas dahil sa ginawa nitong pag-reject sa kanya. Who would have thought they would see each other again and in such an unexpected place?
His grandfather died a few weeks ago at kailan lang natapos ang paghahati-hati sa mga pamana nito. Bukod sa legal na mapupunta talaga sa kanya ay napasama ang isla na iyon sa ibinigay sa kanya ng lolo niya. Ni hindi nga dapat muna iyon papansinin ni Arion. But then, he realized what a treasure the island is. Nag-research siya at nalaman niya na kapag na-develop iyon ay napakalaki ng potensiyal na makatulad iyon ng Balesin Island, playground of the rich and famous. May isang conservation group na naka-base roon pero hindi problema walang problema. Paalisin na niya ang mga ito. Panahon na para siya naman ang makinabang sa property na matagal nang nasa angkan nila.
Nakiusap ang head ng grupo na hayaan na sa mga ito ang pamamahala sa isla pero tumanggi siya. Iyong halagang in-offer nito na babayaran sa kanya, baryang-barya. Pagtangging lalong tumindi nang makita niya iyong babaeng hindi niya inasahang makakaharap pa niya. The woman he considers his unfulfilled fantasy. Not because she is the loveliest woman he had ever seen but because she is the woman who refused to let him in her bed.
“Mr. Valdemor...”
Nahinto ang paglakad ni Arion nang may tumawag sa kanya. Hindi pa man niya nakikita kung sino iyon ay parang nahulaan na niya. Dahan-dahan siyang pumihit paharap dito. But even he was surprised when he got a real close look at her. Ibang-iba ang itsura nito kesa noong makita niya ito sa bar, kahit doon sa s*x video. Halos wala itong make-up kaya siguro naging mas inosente ang dating nito. Her hair is tied in a bun, she is wearing a plain white shirt and denim jeans. Parang ibang babae ito kesa sa pinapantasya niya.
“We’ve met, haven’t we?” sabi nito.
“I’m not sure. Refresh my memory.” Gustong makasiguro ni Arion. Mamaya niyan ay ibang babae nga iyong iniisip niya.
“At a bar. Muntik akong mahulog...”
“I caught you.”
“And you made an indecent proposal.”
“Indecent? I don’t think so. Niyaya lang kitang uminom. Ano ang indecent doon?
“Pero alam naman natin pareho kung saan tayo hahantong kung pumayag ako.”
“And would that have been so bad?” Nasagi na naman ang ego niya.
“It was my prerogative to refuse.”
Tinitigan ito ni Arion. Yes, this is the same woman alright. Iba man ang bihis at ayos nito ay nandoon pa rin iyong sensualidad na nakaagaw agad ng pansin niya.
“That’s right. Just like it is my prerogative to turn this island into something more exciting and inviting.”
“But...”
“Kung iyong environment at endangered species rin ang gagawin mong excuse para huwag ko kayong paalisin eh huwag ka ng mag-abala. I’ve done my share in taking care of the environment. Hindi ako gumagamit ng plastic, nagre-recycle ako, nagpakabit na ako ng solar panels.”
“It’s hardly enough.” Mukhang may gusto pa itong sabihin. Marami pa nga yata pero parang nagpipigil ito. Nakagat pa nga nito ang labi para siguro hindi lumabas ang mga salitang tinitimpi nito.
He felt a shaft of heat go straight to his crotch when he saw what she did. Naalala niya ang ilang beses na ang mukha ng babaeng ito ang nasa isip niya kahit iba ang nagpapaalpas ng init ng katawan niya. Nagsimula siyang mapangisi.
“Maybe there’s a way you can change my mind,” sabi niya.
“Really?” Umaliwalas ang mukha ng babae. “P-paano?”
He hesitated. May konsensiya pa rin naman yata siya kaya hindi niya magawang sabihin ang gusto niyang mangyari. Maybe it’s better if she just remains an unfulfilled fantasy. Pero parang nahulaan ng kausap ang nararamdaman niya. Umangat ang mukha nito, tumingin ito sa mga mata niya.
“Does it have anything to do with s*x?” walang kurap na tanong nito.
“What if I said yes?” hamon niya.
“Then I’ll say yes.” She didn’t even hesitate. Ibang klase talaga ang babae. Mukhang pagdating sa s*x ay wala itong takot.
“Ni hindi mo pa alam kung ano ang hihingin ko sa iyo.”
“Hindi mo pa rin alam kung ano ang kaya kong ibigay.”
Arion couldn’t help feeling excited. Kung kanina ay kaya pa niyang pigilan ang sarili na ilatag ang proposal na kahit siya ay tatawaging indecent, ngayon ay natalo na siya ng antisipasyon na pumuno sa kanya. It seems the woman is not just another pretty face. She is feisty and daring. Maybe, just maybe, she would make s*x thrilling for him again. Iyong hindi parang pare-pareho na lang ang ligayang nararanasan niya. Hindi na nga iyon matatawag na ligaya. It is more like scratching an itch. It just needed to be done because his body needs the release. Wala ng thrill. Wala ng kakaiba.
“Okay, lets make a deal. If you can give me the best s*x experience within a month I will let your group stay on this island for as long as you want,” hayag niya.
Pumalatak ang babae. “That’s not fair. Masyadong subjective. Who’s to say what the best s*x experience is?” kontra nito.
“I get to have the say. Because, sweetie, I own this f*****g island. Itong deal natin ay para lang mabigyan ka ng kahit konting chance lang na baguhin ang pasya ko. So take it or leave it.”
He saw hesitation on her face. Would she refuse? He found himself holding his breath.
“I’ll take it. I don’t seem to have much choice anyway,” hayag nito pagkatapos magpakawala ng malalim na hininga.
Noon lang nadiskubre ni Arion kung gaano niya katinding gustong patulan nito ang alok niya. It seems his secret fantasy is about to be fulfilled.