CHAPTER 17

1324 Words
“LETSE!” Naibato ni Janna ang sagwan sa buhangin. Galing sila sa islet, ang special place niya, ang lugar kung saan siya nakakahanap ng kapayapaan. Sinubukan niyang pumunta roon dahil ilang araw na siyang parang wala sa sarili. Iyong peace of mind na kahit paano ay nakuha na niya sa isla ay mukhang tinangay ng hangin. O baka tinangay ni Arion. “Letse!” Bumulalas ulit siya, uminit ang ulo sa naalalang lalaki. Umalis ang lintek ng basta na lang. Ni hindi ito nagpaalam. Gaano ba kahirap magsabi ng s*x was great, thanks and bye. Pero ang mas nakakainis, ganoon na nga ang ginawa nito ay hinahanap-hanap pa rin niya ito. What kind of a fool is she anyway? Well, he gave me the greatest s*x I’ve ever encountered in my life. Iyon ang ikinakatwiran niya sa sarili. Pero alam din niya, hindi iyon ang rason kung bakit parang may kulang na sa mga araw niya mula nang umalis si Arion. Great s*x doesn’t happen in a vacuum and it is not just the result of the expert manipulation of c********s, v*****s and p*****s. The heart must be involved in the process. That is what elevates s*x to an experience one could never forget. Kaya lang, ano ba ang magagawa niya kung iyong gusto niyang ka-partner ay iniwan siya sa ere? Eh di kalimutan siya at mag-move on na. Babalik na lang siya sa center para gawin ang trabaho niya. Dadamputin na dapat niya iyong sagwan na ibinato niya sa sobrang inis nang... “Mabuti’t nakabalik ka na. Kanina pa kita hinihintay.” Nakilala niya ang boses ng nagsalita. Mabilis niya itong binalingan. “Dave!” Ganoon na lang ang tuwa ni Janna. Na napalitan ng pagkainis. “Buhay ka pa pala.” “Sorry naman. May mga kinailangan lang ayusin. At huwag ka ng magalit. I missed you, you know. Wala man lang bang hug?” Inilahad nito ang mga kamay sa kanya. Hindi naman kaya ni Janna na magalit dito ng todo. Kung hindi dahil sa lalaking ito ay hindi niya alam kung nasaang level na siya ng self-destruction ngayon. Baka wasak na wasak na siya. And she missed him, too. “Oh, Dave!” Sinugod niya ito ng yakap. She then held on tightly to him. Ganoon din ang ginawa ng lalaki. He even lifted her up and twirled her around as he hugged her. “Nabanggit ni Joel iyong problema,” sabi nito nang ibaba na siya. “At kung ano ang sinubukan mong gawin,” dagdag nito bago siya makapagsalita. “Iyon ang mas inihihingi ko sa iyo ng sorry. Ako dapat ang nag-ayos ng problema.” “Kailangan mo pa ring ayusin, I think. Wala kaming napagkasunduan ni Arion. Hindi kami nakapag-usap ng maayos.” Nainis si Janna sa sarili nang maramdaman niyang parang may bumara sa lalamunan niya nang maalala kung kelan sila dapat nakapag-usap ng lalaki. After they had s*x. “Kaya nga ako bumalik na. Pabalik na rin dapat ako noon, na-delay lang dahil nagkasakit iyong lolo ko. Nasa States siya at hiningi niya ang presensiya naming lahat na mga apo niya para personal daw niyang makausap kami habang dini-divide niya ang properties niya. He died a couple of weeks later. Medyo natagalan pa ng konti bago naipatupad iyong nasa last will and testament niya. I waited for my inheritance so I could use part of it to help our cause. Kakausapin ko iyong may-ari nitong isla. Maybe we could forge an agreement that would allow us to continue staying in this place. Maybe even buy the property.” Dapat ay matuwa roon si Janna. At natuwa naman siya. Pero nalungkot din. Kung si Dave na ang mag-aayos ng problema nila ay wala na talagang dahilan para magkita sila ni Arion. “That’s great!” Pinilit niyang ngumiti. “Great enough to earn a kiss from you?” Natigilan si Janna. Wala silang matinong usapan ni Dave tungkol sa kanilang dalawa. Close lang sila, naglalandian paminsan-minsan pero hanggang sa salita lang. Kaya hindi niya sasabihin na in a relationship sila. “I had stuff going on in my life before. May...may gf ako at naghiwalay kami na hindi malinaw ang lahat. Gusto na kasi niyang magpakasal noon pero hindi pa ako handa, financially, emotionally. Hindi kami magkaintindihan, laging nag-aaway, hanggang sa bigla na lang ay nag-abroad siya. I loved her and I was hoping we’d still get back together. Kaya nga rin ako umalis sandali. I went to her to find out what we still feel for each other. Anyway, maayos na ngayon sa isipan ko na wala ng chance na maging kami ulit and I am ready for a new relationship kaya puwede ko ng i-entertain iyong dati ko pang nararamdaman para sa iyo.” “I...” Hindi niya alam ang sasabihin. “I really missed you.” Si Dave na ang kumabig sa kanya. Ikinulong nito ang mukha niya sa mga palad nito pagkatapos ay hinalikan siya. “Excuse me...” Agad silang naglayo nang may magsalita. Si Joel. “Look who’s here?” anito. Hindi nag-iisa si Joel. Nadiskubre iyon ni Janna nang lumingon siya rito. Napatulala siya pagkakkita kung sino ang kasama ni Joel. Walang iba kung hindi ang lalaking ilang araw na niyang pinipilit kalimutan pero habang ginagawa niya iyon ay lalo pa itong nagsusumiksik sa alaala niya. Si Arion. Blangko ang ekspresyon ni Arion pero napansin ni Janna ang pagtatagis ng mga bagang nito. Parang may pinipigilan itong emosyon. Pwes, ganoon din siya. Nagpipigil lang siya para huwag itong masugod at masumbatan. You left. Just like that. Who does that? Why do that? Gustong-gustong lumabas mula sa bibig niya. Pero naisip din niya, ano ang karapatan niyang sabihan ito ng ganoon? Magkaano-ano ba sila? Ang linaw-linaw nga ng usapan nila, di ba? They will just have s*x. And they had s*x. It was great. It was the best she ever had. Pero hindi iyon sapat para mag-demand siya rito ng kahit ano. Tumingin sa kanya si Arion pagkatapos ay kay Dave. “Puwedeng nagpadala na lang ako ng representative para ipaalam ang plano ko para sa lugar na ito pero nag-decide ako na personal na pumunta para mas malinaw ang usapan. Sino ba ang dapat kong kausapin?” tanong nito. “I guess that’s me,” sabi ni Dave. “So lets talk. In private,” anito. “Okay. Doon na lang sa office. Excuse us,” baling ni Dave sa kanila. Nang lumakad ito ay sumunod na rito si Arion. Ni hindi siya nilingon nito. Pati nga si Joel ay halatang nagtaka sa ikinislos ni Arion dahil tumingin ito sa kanya. Nagkibit-balikat na lang siya. Mabilis lang ang naging pag-uusapan nina Dave at Arion, wala pa yatang kalahating oras. Makulimlim ang mukha ni Dave nang lumabas ito ng opisina. Uusisain dapat ito ni Janna pero tuloy-tuloy ang lakad nito. Kasunod nito si Arion. Tumango ng bahagya ang lalaki kay Joel na kasabay na nag-aabang ni Janna pero siya ay hindi pinansin nito. Lumabas na rin ito ng center. May naghihintay na lantsa kay Arion. Sumakay na ito roon. Si Dave naman ay nadatnan ni Janna na nakatayo sa labas isa sa mga enclosures kung saan nandoon ang na-rescue na mga ibon. “No deal,” hayag nito bago pa man siya magtanong. “May mga plano na raw siya para sa isla.” Madami pa itong sinabi, kung paanong hahanap ito ng paglilipatan sa center, na mahaba-haba naman daw ang palugit na ibinigay sa kanila, pero isa lang muna ang napagtuunan ng pansin ni Janna. Iyon ay ang katotohanang hindi na sila magkikita ni Arion. Galit siya rito. Ni hindi siguro nito talaga ikinonsider na papayagan silang manatili roon. He was just playing with her. At siya, nakipaglaro na nga siya, isinama pa niya ang puso niya. She is just so stupid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD