CHAPTER 18

961 Words
KAUSAP ni Arion ang abogado niya. Tungkol sa Isla del Cielo ang topic nila. Pagkatapos kausapin ang abogado ay ang kakilala niyang may-ari ng construction company naman ang tinawagan pero bago pa siya sagutin ay pinindot ni Arion ang end call button. Nasa Metro Manila na siya, bumalik na sa dating buhay niya. Mula sa bintana ng opisina na dati ay daddy niya ang umookupa ay tumanaw siya sa skyline ng siyudad. Pagkamatay ng lolo niya ay ipinasa na sa wakas ng daddy niya ang pamamalakad ng kumpanya nila sa kanya. He feels like a fool. Talagang nagpunta ka pa ulit sa isla ano, tuya niya sa sarili. Napailing siya nang maalala ang dinatnan niyang tagpo. Si Janna, yakap-yakap ng isang lalaki. He was so mad he saw red. He felt himself about to lose control. Gusto na nga niyang sugurin iyong lalaki at suntukin iyon. He managed to rein in his emotions when a simple question popped in his mind. Why? Bakit siya nagkakaganoon? Nagpapaka-territorial ba siya? Eh bakit iyong ibang mga babaeng nakasama niya sa kama kahit pa malaman niya kinabukasan na may ibang kasama ay walang epekto sa kanya? Noon na-realize ni Arion kung ano pala siya kapag nawawalan ng kontrol sa emosyon niya. He could easily turn out to be just like his dad. Kung nagkataong nalaman niya na nasa lahi nila ang cancer o ang pagiging alcoholic, ang gagawin niya ay ang iwasan ang mga potential carcinogens o ang madalas na tumikim ng alak. The same principle holds true in this case. Naranasan na niya ang puwedeng mangyari kapag hinayaan niyang mawalan siya ng kontrol sa emosyon niya. Kagaya rin yata siya ng daddy niya na nawawala sa katinuan kapag na-involve na ang puso niya sa pangyayari. Simple lang ang solusyon. Dapat ay ituloy na lang niya ang nakagawian niya. Keep his heart unaffected. The method had been working so well for him after all. May plano na siya para sa isla. Isang luxury resort. Kagaya ng Balesin Island but with a twist of eco-tourism. Papatok iyon, sigurado niya. Kaya bakit pa ba siya nag-aatubili na kausapin iyong construction firm? Thoughts of Janna filled his mind. Alam na niya ang magiging reaksiyon nito. But he shouldn’t care, right? She is just his f**k buddy anyway. NASA isang bahagi ng isla si Janna nang may dumating na lalaki. Kinausap nito si Dave pero hindi kagaya ni Arion, hindi na ito humiling ng privacy kaya nang lapitan niya ang mga ito ay narinig niya ang pinag-usapan ng dalawa. Ilang salita ang parang bombang sumabog sa isip niya. Construction in the island will start soon. Damn you, Arion. Damn you to hell. Hindi siya makatiis na hindi man lang ito kumprontahin. Parang kailangang-kailangan niyang iparating dito kung gaano siya kagalit dito. Puwede siyang lumuwas para puntahan ito pero may isang bahagi ng pagkatao niya ang parang natatakot na makita pa ulit ito. Hirap na hirap nga siya na magpanggap na walang kuwenta sa kanya kahit lumipad na pa-outer space ang lalaki. Absence is definitely making the heart grow fonder. Kung makakaharap niya ito ay pahihirapan pa siyang lalo ng mga alaalang babaunin niya. Go with the flow. Lahat naman sila na member ng grupo ay masama ang loob sa nangyari at ginawa rin naman niya ang kaya niya para pigilan iyon. She failed and that’s it. Tanggapin na niya ang kapalaran nila. Tanggapin na rin niya ang katotohanan na hindi na magiging parte ng buhay niya si Arion. Ever. She blinked back the tears that threatened to gush from her eyes. Suddenly everything seemed too much for her. Ang pamimigat ng dibdib niya, ang pangungulila niya kay Arion, ang nakatakdang mangyari sa marine life at sa iba pang regalo ng kalikasan sa isla. Mabilis siyang naglakad palayo. Sumakay siya ng bangka at mabilis na nagsagwan papunta sa islet na naging kanlungan na niya. Pagsadsad na pagsadsad ng bangka sa mala-pulburong buhangin ay halos tumalon siya pababa roon. Natigilan lang ang pagmartsa niya papunta sa kagubatan nang maalala niya ang ginawa nila roon ng lalaki. That is the place where she discovered how love can elevate s*x from a simple mingling of two bodies into something glorious that can touch the very soul of the two participants in the act. Pero kanlungan niya ang lugar na iyon at maigsi na ang panahon na puwede pa siyang makapaglagi roon kaya hindi na niya dapat palagpasin ang natitira pang pagkakataon na mapuntahan iyon. Pagkatapos huminga ng malalim ay itinuloy na ni Janna ang paglakad. Matapos niyang hawiin ang mayabong na sangang nakaharang sa daraanan niya ay may napansin siya. May nakalatag na sleeping bag sa ilalim ng mayabong na puno. Hindi kanya iyong sleeping bag. Dinala niya iyong ginamit nila noon ni Arion pagbalik nila sa isla. “I was keeping my fingers crossed, hoping you’d come here. If you didn’t, I would have come and gotten you. Salamat at napagbigyan ako ng universe.” Parang tumigil ang paghinga ni Janna sa lalaking tumambad sa kanya. Pero sandali lang siyang nawala sa sarili bago niya ito sinugod at pinagbabayo sa dibdib. “How dare you show up here. Hindi na kasali sa isla mo ang lugar na ito kaya wala kang karapatang tumuntong dito. I hate you. I hate you!” Nagwawala na siya pero walang pakialam si Janna. She just needed to have an outlet for the pain she is feeling. Ni hindi sinalag o iniwasan ni Arion ang mga hampas niya. Hanggang sa siya na rin ang kusang tumigil dahil napagod na siya. Noon siya nito niyakap. Papalag dapat siya. “Don’t, sweetie. I have been longing to do this for quite a while now.” Napaangat siya ng tingin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD