CHAPTER 10

1258 Words
ISANG grupo ang natanaw ni Arion. Nakalagpas na ang mga ito sa tapat ng bintana pero naaninag pa rin niya sa bahagyang liwanag ng buwan ang isang pamilyar na pigura. Sa dalas nilang magkasama ay kabisado na niya ang tindig at body build ni Janna. Na-curious siya sa gagawin ng mga ito kaya naisipan niyang sumunod sa mga ito. Sa isang wooden structure na may enclosure niya naabutan ang mga ito, abala sa paghahanda. Isang styrofoam container ang nakita niyang buhat-buhat ni Janna. Sa pagpihit nito ay muntik pa siyang mabunggo ng dalaga. Napahawak si Arion sa magkabilang braso nito para huwag itong matumba. And he realized he didn’t want to let go. Her skin felt so soft and so smooth, he wanted to just caress it. Pero natauhan din agad siya pagkakita sa dala nito. May kalakihan iyon. “Ako na,” presinta niya. “B-ba’t nandito ka?” tanong nito. “Nakita ko kayo kanina. Sumunod ako. Bawal ba? Is this a private thing?” “Hindi. Actually, yayayain dapat talaga kita. Kaya lang baka napagod ka na. Pero mabuti at nandito ka. Magpapakawala kami ng turtle hatchlings sa karagatan.” Hindi pala sa dalampasigan pakakawalan ang mga hatchlings kagaya ng inakala ni Arion. Depende kung gaano na kalaki ang mga iyon, mas maganda raw kung ilang metro mula sa baybayin i-release ang ang hatchlings. Mas mabilis makakarating sa open sea ang mga baby turtles at mababawasan ng malaki ang posibilidad na makain ng predators ang mga ito. Pinapanood lang ni Arion ang mukha ni Janna habang nagpapaliwanag ito. He really likes the way her face lights up when she talks about their group’s efforts. Sa mga ganoong pagkakataon ay hindi niya maiwasang makaramdam ng mas matinding atraksiyon para rito. Atraksiyon na hindi lang kunektado sa s*x. The sea was kinda rough when they set out. Pero sabi ni Janna ay ganoon naman daw talaga ang kagaratan sa lugar na iyon. Kapag kasagsagan lang ng summer nagiging payapa iyon. Nang pinapakawalan na ang mga hatchlings ay ilang ulit na muntik niyang daklutin sa beywang ang dalaga. Panay kasi ang uga ng bangka at pakiramdam niya ay bigla na lang itong titilapon sa tubig. “Sanay na ako,” anito na napansin yata ang ilang beses na umakma siyang hahawakan ito. “But thanks for the concern.” Ang ganda ng ngiti nito. Noon biglang gumewang ang bangka. Nabitawan ni Janna ang hawak nito at malalaglag dapat ang dalaga sa tubig kung hindi niya ito mabilis na nasalo. She fell into his arms instead and he just had to hold her close to make sure she won’t fall out. And also because...because he likes the feeling. Her body is soft and warm. Her hair smells like the scent of night flowers and she is so...cuddly. “Iyong mga baby turtles...” Agad umalis sa pagkakayakap niya ang dalaga pagkakitang nakatagilid iyong container. Mabilis nang tumulong si Arion sa pagkuha sa mga hatchlings na kumalat sa sahig ng bangka. Minsan na niyang nasubukan ang mag-release ng baby turtles na galing sa hatchery. Kasama iyon sa tour na sinalihan niya. Pero sa dalampasigan lang nila pinakawalan ang mga baby pagong. May ipinaliwanag din iyong namamahala ng conservation center tungkol sa habitat ng partikular na specie na iyon ng sea turtles pero hindi nakinig si Arion. May kasama kasi siya noon na ka-fling at nabo-bore na raw ito. This time ay masarap pakinggan ang boses ng nagpapaliwanag sa kanya kung ano ang saysay ng prosesong sinusunod nila sa pagpapakawala ng mga pagong, kung bakit dapat sa ganoong oras i-release ang mga iyon, kung gaano na lang karami ang naturang specie na endemic daw sa Pilipinas, na ang ibig sabihin ay walang ganoong uri sa ibang lugar, kung gaano katagal ang incubation period at kung ano-ano pa. Ramdam din niya na masaya ang grupo pagkatapos mapakawalan ang pinakahuli sa mga hatchlings. Nag-high five ang mga ito sa isa’t isa at pinag-usapan ang mga datos tungkol sa ibang napakawalan ng babies ng mga ito. They were also into tagging the adult turtles, he discovered. Para raw malaman ng mga ito kung hanggang saan ang naaabot nito sa paglangoy at kung buhay pa ito. Sinu-survey din ang paligid na karagatan ng isla gamit ang diving gear para mai-mapa at makita ang estado ng marine life doon. Nang pabalik na sila sa pampang ay napansin niyang tahimik lang si Janna. Ilang beses niya itong nakitang naghikab at naisip niya na pagod na pagod na siguro ito. Ang alam niya, madaling araw pa ay gising na ito. Tatabihan dapat niya ito sa bangka para kumustahin pero naunahan siya ni Jack. Inabutan nito ng water bottle ang dalaga. Ibinaling na lang ni Arion sa karagatan ang mga mata niya para hindi siya mainis sa tagpong nakita niya. Sinabayan niya ito sa paglakad sa dalampasigan pabalik sa quarters ng mga ito sa center. Nai-tour na siya ni Janna sa simula pa lang kaya alam niya na ang tulugan ng mga ito ay di hamak na simple at payak ang facilities kesa doon sa lugar na puwedeng tuluyan ng mga turistang interesado sa kalikasan, pati na rin ng mga bisita na galing sa mga foundations na nagdo-donate sa grupo ng mga ito. Nang malapit na sila sa tinutuluyan niya ay binulungan ito ni Arion. “Join me in my bed.” Napatingin ito sa kanya. “Just to sleep,” paglilinaw niya. “Please.” “I’ll see you in ten minutes,” sagot nito. “Knock three times,” pabiro pa niyang bilin. SHE IS so tired she could hardly walk. Pero magaan ang pakiramdam ni Janna. Ganoon naman siya sa tuwing may gagawin sila na iniisip niyang may katuturan sa mundo. She also couldn’t help feeling excited. Arion invited her to his room. Hindi pa iyon ang panahong itinakda niya para sa grand finale nila pero hindi niya matanggihan ang lalaki kahit puwede naman kung tutuusin. Gustong-gusto rin kasi niya itong makasama. Sa lagay na iyon ay makakatabi niya ito sa kama. Sa magdamag. Or what’s left of the evening. Kung ipipilit nito na mag-grand finale sila ngayong gabi ay ewan niya kung makakatanggi siya. Because the truth is, she had been longing to feel his hot rod inside her for quite a while now. Quite a while? Sino ba ang niloko niya? She had been hot for it right from the start. Kung alam lang ng lalaki kung ilang gabi na niyang nilalaro sa imahinasyon niya na naglalabas-masok sa kaibuturan niya ang sandatang kabisado na niya ang haba at tigas pero ni minsan ay hindi pa natikman ang paglusong niyon sa kanyang sinapupunan. Nag-shower siya saka nag-splash ng cologne bago siya lumipat sa tinutuluyan nito. “Come in,” sabi nito nang kumatok siya. She slowly opened the door then peeked inside. Nahinto ang pagpasok dapat niya pagkakita na galing sa banyo si Arion at tuwalya lang ang nakatabing sa ibabang bahagi ng katawan nito. There were droplets of water on his chest, running down to his waist, and lower still. She could see herself licking those droplets until her mouth finds his c**k. Ewan kung nabasa ni Arion ang iniisip niya, basta na lang nito hinablot ang tuwalyang nakatapis dito. Tumambad kay Janna ang ari nito na handang-handa ng lumaban. Just the sight of that arrogant hardness is enough to make her wet. Lalo ng tumindi ang pagkasabik ng pagkababae niya na mapasok ng matigas na sandatang iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD