“OH, WOW!” nasabi ni Arion kasabay ang pagbagsak ng ulo niya sa headrest. As far as he could remember, he never came as explosively as that before. Never. Iyong parang lahat ng lakas niya ay nasaid kaya halos hindi siya makagalaw ngayon.
Pero pinilit niyang gumalaw para abutin ang glove compartment kung saan alam niyang may nailagay siyang tissue. Inilabas niya iyong pack at matapos pumitas ng ilang sheets ay maingat niyang pinunasan ang paligid ng bibig ng dalaga.
Napansin niya na napalunok ito, parang nagpipigil ng kung anong emosyon.
“Is there a problem?” tanong niya.
“W-wala. Uhm, t-thanks. For this.” Inabot nito ang tissue saka ito na ang nagpatuloy ng pagpunas ng sarili nito. “No one...ever did this... Oh shoot!” Pumitas ito ng panibagong sheet na sa gilid ng mga mata naman nito ipinahid.
“Janna...” Hinawakan niya ang kamay nito at kinuha ang tissue na hawak nito. Siya na rin ang nagpunas ng luhang nakita niyang sumungaw sa mga mata nito. “What is it?”
“Pasensiya na. H-hindi lang ako sanay. Iyong mga naka-partner ko noon, parang nakakalimutan na ako kapag nakaraos sila. No big deal. Kahit naman ako ganoon kung minsan. I mean, I grew up taking care of myself so I know how it’s done.”
“Pero...may parents ka naman, di ba?” Na-curious si Arion dahil sa sinabi nito.
“Oo.”
“And?”
“Ampon lang ako. Abandoned at birth daw ako, nakita sa tabi ng kalsada, malapit sa isang tambak ng basura.” She seem to spat out the words. “Dapat daw ay magpasalamat ako. Ang suwerte ko kasi na may umampon sa akin. And I had a good life growing up. Materially, that is. Pero...” Tumigil ito saka ipinilig ang ulo. “Suwerte ko at nagpapasalamat din naman ako. I could have had worse.”
“But it’s not enough, right?” hula ni Arion. “Let me guess. Hindi naging maalaga sa iyo ang parents mo.”
“Hindi naman nila sinadya, I’m sure. Busy lang siguro talaga sila. Si daddy sa negosyo niya. Si mommy naman sa mga wifely duties niya pati na rin sa ibang activities niya na kagaya ng charity work. Mahusay siyang mag-organize hg fundraisers. At siyempre, hindi rin niya dapat pabayaan ang sarili niya para lagi siyang presentable sa mga business associates ni daddy.”
“Which makes me wonder why they even thought of adopting a child. Sa nabanggit mo eh parang kuntento naman na sila sa buhay nila kahit wala silang anak.”
Nagkibit-balikat si Janna. “Baka gusto lang nila na may anak.”
“To complete the illusion of having a happy family.”
Napatingin sa kanya ang dalaga. Noon lang na-realize ni Arion na may bahid ng pait ang tono niya. Usually, he would stop change the topic at once. Bago pa siya mausisa tungkol sa nasabi niya. Hindi magandang topic para sa kanya iyon. Hindi na rin nag-uusisa iyong iba, lalo na iyong mga babaeng nakakasama niya. Pero naalala niya na alam na ni Janna ang tungkol sa pamilya niya.
“I guess it doesn’t matter kung may shared DNA kayo ng mga magulang mo o wala. Depende sa ugali nila at sa capacity nila magmahal kung magiging masaya ka sa piling nila,” nasabi niya.
“Tell me the rest of your story,” udyok ni Janna.
Hindi umimik si Arion.
“Come on. I already know na may malaking epekto iyon sa iyo. Huwag kang mag-alala. I can handle it. Ako pa ba na napaka-idyllic ng childhood?” Napatawa ito pero halatang sarkastiko ito. “Kung minsan daw eh gumagaan iyong bigat ng damdamin natin kapag naikuwento natin iyong nagpapabigat doon.”
“Obsessed si daddy kay mommy. Naikuwento sa ‘kin ng tita ko na...na may ibang gusto si mommy. But that guy is in love with somebody else. Iyong best friend ni mommy, to be exact. To make a long story short, panakip-butas lang si dad. Kahit noong bata pa ‘ko eh nahahalata ko na mas devoted si daddy kesa ke mommy. Seven years old yata ako nang iwan kami ni mommy para sumama sa lalaking kina-o-obsess-san niya dati. Hindi naman kasi nagkatuluyan iyong true love niya at iyong best friend niya at nang magkaroon ng second chance si mommy ay hindi niya pinalagpas ang pagkakataon. It didn’t matter that she has a child who needs her. Mas importante iyong sariling kaligayahan niya.” He sounded bitter. Heck, he felt very bitter. Naalala na naman niya iyong mga pagkakataon na hinahanap-hanap niya ang mommy niya. Hindi kagaya ni Janna na sa mga yaya lumaki, inalagaan siya ng mommy niya kahit pa may yaya rin siya. Nasanay siya sa kalinga nito, sa presensiya nito, kaya nang mawala ito ay ramdam na ramdam niya ang kakulangan sa buhay niya.
“It would have helped if dad took up the slack. Pero...sobrang affected din siya sa ginawa ni mommy. Kagaya ng nasabi ko na sa iyo dati, obsessed nga kasi siya kay mommy sa simula pa lang. So when she left him, the blow must have been too much. Dinamdam niya iyon ng husto. He had trouble keeping it together. Nag-inom siya, naghanap ng away. For a while I was really scared of him. And for him. Para kasing mawawala siya sa tamang katinuan. I hated it. I hated the fact that he couldn’t get a grip on his emotions. Iyon bang nagpatangay na siya ng todo sa nararamdaman niya. Nagpakalulong na nga yata. Hindi siya naka-recover.” Tumigil siya sandali sa pagsasalita nang bahagyang gumaralgal ang boses niya. Magbe-break down pa yata siya. He could stop talking but he realized he didn’t want to. Gusto niyang ituloy ang paglalabas ng nararamdaman niya.
“He worked but he wasn’t putting enough of himself into what he’s doing,” patuloy niya nang kumalma-kalma na ang kalooban niya. “He was just going through the motions. Nagka-girlfriends siya. May ilan nga na isinama pa niya sa bahay pero walang tumagal sa mga iyon.” Hindi na gustong maalala ni Arion iyong masasagwang alaala. Pero ngayon na nasimulan niya ang pagkukuwento ay hindi niya magawang tumigil. It was as if he had been keeping all that he feels inside of him for too long and it had burst out of him. Napatingin siya sa labas ng bintana pero hindi ang mga puno’t halaman ang nakikita niya kung hindi ang mga eksenang nakita niya noon.
Ang daddy niya na kinukumpronta ng girl of the moment nito...
“Ano ba naman, George? Ilang taon ka nang iniwan ng wife mo pero hanggang ngayon siya pa rin ang nandiyan.” Dinutdot ng babae ang bandang puso ng daddy niya. “You are such a loser.”
Ang daddy niya na pinagsasabihan ng lolo niya.
“Where is your dignity, George? Iniwan ka na nga ng asawa mo, ipinagpalit sa ibang lalaki, may I add. And yet you can’t get her out of your mind? Hanggang ngayon umaasa ka pa rin, nananaginip na babalik siya sa iyo? Sa sobrang pananaginip eh hindi mo maayos-ayos ang buhay mo. Heck if she was my wife I would’ve have erased her out of my memory the moment she left my house. At kung magtatangka siyang bumalik ay alam ko agad ang gagawin ko. Sisipain ko siya palabas. Pero ikaw... Don’t be so pathetic. And don’t be such a loser.”
Naalala ni Arion iyong galit na naramdaman niya para sa daddy niya dahil sa pagiging weak nito. Sa pagiging...loser. Naidikit na niya ang salitang iyon sa daddy niya. Loser. Naging loser ito dahil sa pagmamahal sa isang babaeng hindi naman karapat-dapat. But in his young mind he asked the question. How can he tell if a woman is worthy to be loved? Paano kung huli na kapag nadiskubre niya na kayang-kaya rin pala nitong itapon ang pagmamahal niya na katulad ng ginawa ng mommy niya? And how can he prevent himself from losing his heart to her the way his dad did? Paano ba niya maiiwasan na maging loser din? Paano ba niya maiiwasan na maiwan din, masaktan na puwedeng mauwi sa pagkawala niya sa sarili?
“And you vowed never to be like him. Hinding-hindi mo ilalagay ang sarili mo sa posisyon kung saan puwede kang maging kasing miserable niya.” Nahulaan ni Janna ang naging sagot niya sa mga katanungan ng younger self niya. He did vow never to duplicate his father’s mistake. He would never give his heart to any woman lest she proved unworthy in the end. Mahirap makaahon kapag malalim na ang pagkakalibing kaya mas maganda na ni hindi siya magkahulog sa hukay. “Sounds like a good plan.”
Iba ang inasahan ni Arion na sasabihin nito. Akala niya ay kukumbinsihin siya nito na subukang magmahal dahil iyon ang naging payo sa kanya ng mga kakilala niya na kabisado ang ugali niya. Love ‘em then leave ‘em. Ganoon daw siya. Oh, that is not even the right description for what he does. f**k ‘em then leave ‘em is more like it. And it had been working for him.
Hanggang sa dumating nga lang iyong punto na hindi na siya masyadong nasisiyahan sa f*****g part. It felt so mechanical it was becoming boring already. Kaya nga siya nandito ngayon. And damn if he’s not rediscovering his pleasure in the act. Sa lagay na iyon ay hindi pa iyong main event ang nararanasan niya kung hindi iyong prelude pa lang. And yet it already felt awesome, better than what he’d experienced in the past. It seems like he came to the right place.
“You agree?” pagtataka niya sa sinabi ni Janna.
“Oo naman. Mas mabuti na iyong huwag mong ibigay ang puso mo para hindi iyon itatapon lang, tatapak-tapakan, wawasakin. That was my mistake. Pagkakamaling nagtulak sa ‘kin na gumawa ng dagdag pang pagkakamali. I...I was longing for my parents’ attention. Desperate for it. Kaya kung ano-ano ang pinaggagawa ko. Nagluko ako sa school, hindi nagtrabaho nang maayos. Nag-iinom ako, nagpa-party-party. I even...” Napalunok-lunok ito. “I even slept around. Anything so they’d sit up and notice me. Umuubra naman. Kahit nagagalit sila sa akin, at least pinapansin nila ako. Pero dumating iyong point na parang ang tindi na ng dapat kong gawin para pansinin nila. I was self-destructing. Until Lyle came along. He said he loves me.” Napailing ito, may mapait na ngiti sa labi. Tumigil din ito sandali, parang kagaya niya kanina ay kailangan nitong palipasin ang kung anong emosyon na hindi nito makayanan.
“At naniwala ako. Dahil siguro sobrang desperado ako na malamang may nagmamahal sa akin. And I managed to convince myself it would last forever. Iyon ang mali ko. Iyong umasa ako. Devastated tuloy ako nang malaman kong niloloko niya ako. Kaya tama lang ‘yang ginagawa mo. Don’t give your heart away so that no one can throw it back at you. Mabuti ka nga nalaman mo agad ang sikreto para sa isang masayang buhay. It’s to just enjoy f*****g around.” Ipinilig ni Janna ang ulo. “Ano ba ‘yan, nakaka-depress ang topic. Kasalanan mo. Kung ano-ano kasi ang inuusisa mo eh.”
“Curious lang naman ang tao,” katwiran niya.
“Remember the saying curiosity killed the cat? Sa palagay mo mauuso iyon kung hindi tutoo?” ganti nito.
“But I liked getting a glimpse of your life,” pag-amin ni Arion. “It makes a difference knowing what makes you tick.”
“Likewise,” sagot ni Janna na ngumiti pa sa kanya.
He likes her smile, he realized. O siguro ay iyong paraan ng pagngiti nito ang nagustuhan niya. Iyong ngiting umabot sa mga mata nito. Ngumingiti rin naman ito dati pero iba pala iyong makita niya na genuine smile nito.
“I should get dressed.” Na-engross sila sa pag-uusap kaya nakalimutan niya na nakababa pa rin ang pants niya.
“Or maybe we should...”
“Uh-uh.” Tinakpan ni Arion ng mga kamay ang pagkalalaki niya. “Kailangan niyang mag-recharge.” Pero iniisip pa lang niya ang balak gawin ni Janna ay naramdaman niya na tumitigas na naman iyon.
The woman must be a witch and she has his c**k under her spell. But better his c**k than his heart.