CHAPTER 7

2555 Words
Lunes ng umaga. "Ano't hindi ko yata narinig si Mr. Guwapo sa mga bibig mo?" "Oo nga kaya hindi kumpleto ang araw ko kasi hindi ko siya nakasabay sa pag-pasok." Matamlay na sagot ni Flor "Malay mo mamayang uwian makasabay mo naman siya." "Sana nga, kasi talagang kulang ang araw ko 'pag hindi ko siya makita. Naging inspirasyon ko na kasi siya eh." Pilit ang ngiting sabi ni Flor. "Mamaya nga pupuntahan ko si Ms. Tricia, ang sekretarya ni sir, para matanong kung andiyan sa office nya si sir, bakit hindi ko sya nakasabay kanina. Usually, naman kasi nakakasabay ko sya ng pasok kaya nga maaga akong umaalis ng bahay dahil alam kong lagi siyang maaga sa pag-pasok." "Ikaw talaga Flor oh! Diyata't dinidibdib mo na ang pagpapantasya sa kanya." "Hindi ko nga mapigil ang sarili ko eh, sobra naman kasing guwapo ni Sir." "Hmn, bumalik kana nga sa mesa mo at magtrabaho." Paanong makakasabay ni Flor ang binata sa pag-pasok na usually nangyayari, heto at walang balak pumasok ng araw na iyon. "Senyorito kanina pa po tawag ng tawag ang secretary ninyo may mga appointment daw po kayo ngayon at maraming dapat pirmahan sa opisina." May pag-aalinlangan paalala ng katulong. "Sige I'll just call her." Kinuha niya ang wireless telephone at pinindot ang mga numero ng telepono sa opisina. "Tricia, cancel all my appointments today and re-schedule tomorrow." Utos sa nakausap na sekretarya. "But sir, some people are now waiting here for you." May pag-aatubiling sabi ni Tricia. "Do my command, say some alibi to postpone the appointments, I'm not in the mood working today, I feel sick." Matigas na sabi ni Robert. "O-Okay, sir, sorry." Matapos siyang makipag-usap sa sekretarya, nag-dial ulit ng telepono sa accounting office. "May I please speak with Ms. Berlyn Morales" Tinakpan niya ang mouthpiece ng telepono upang hindi ma-recognize ang kanyang boses. "May I know who's on the line sir?" "Please tell her, it's a friend." "Care to state your name sir, please?" "No, I just want to surprise her." Medyo na inis na sagot ni Robert sa mausisang sumagot ng telepono. "Okay sir, hold on." Saka mahinang tinawag si Berlyn. "Phone call." Nagulat si Berlyn, wala siyang inaasahang tawag sa telepono, wala siyang pinagbibigyan nito. "Sino raw?" Lumapit siya sa kasamahang nakasagot ng phone. "Ayaw magsabi ng pangalan, friend mo daw." Nagtataka man ay napilitang kunin ni Berlyn ang telepono sa nag-aabot. "Sorry to keep you waiting, Hello?" Inalis ni Robert ang takip ng mouthpiece nang matiyak na si Berlyn na ang nasa kabilang linya. "Hi, surprise?" masayang bati ni Robert. "Robert?!!!" Napalakas ang sabi ng dalaga dahilan upang magkatinginan ang mga kasama sa kanya, lalo na si Flor na nanunukso ang mga tingin at ngiti sa kanya. "'Bat napatawag ka?" Hininaan na niya ang boses. "Na miss lang kita." "Wala ka bang ginagawa dyan sa trabaho mo? Pag nahuli ka ng boss natin bahala ka." "Hindi ba sabi ko sayo malakas ako sa taas." Biro ng binata. "Ano ba kasing department ka?" Wala sa loob na naitanong ni Berlyn. "Pupuntahan mo ba ako rito?" "Hay naku ayan na naman po tayo sa tanong na tanong din ang sagot." Tawa ang narinig ni Berlyn sa kabilang linya. Patlang, parang nagpapakiramdaman lang sila walang gustong magbaba ng phone kahit tila wala naman talaga silang dapat na pag-uusapan. "Okay sige na nga hindi na kita i-istorbohin pa. Namiss lang kasi kita at biglang gusto kong marinig man lang ang boses mo." Maya-maya ay wika ni Robert. "Okay sige. Bye." May panghihinayang na paalam ni Berlyn pero kinikilig. Pagkababa ng telepono ay buntong hininga siyang bumalik sa kanyang mesa upang ipagpatuloy ang trabaho. "Sino yon ah?" Sunod ni Flor sa kanya na puno ng panunukso ang mukha. "Wala, kaibigan ko." "Hmn, yan ba ang walang boyfriend baka naman ka-ibigan'." "Hay naku Flor ayan ka na naman, mabuti pa bumalik kana sa mesa mo." "Hmn, damot nitong magkuwento." "E, wala naman talaga akong ikukuwento ano kaba." Saka ito nagpatuloy sa trabaho ng tantanan siya ni Flor. Kinabukasan, tulad ng sinabi ni Robert, maaga itong pumasok sa opisina. Alam niyang marami siyang pending work na kailangan asikasuhin. Bigla lang kasi siyang tinamad kahapon at mas ginustong magmukmok sa kuwarto at magmunimuni ng mga bagay. Mabuti nalang at hindi siya kinulit ni Blessy sa buong maghapon, na sadyang lagi nitong ginagawa pag-nalamang nasa bahay lamang ito. "Good morning sir." Bati ni Flor sa kanya na tulad ng dati ay nakakasabay sa may elevator. "Good morning, mukhang inspirado ka lagi sa pagpasok Miss Nueva." Tukso nito kay Flor, alam kasi niyang heto ang binabangit na kasama ni Berlyn na kinuwentong may gusto sa kanya. "Naku, sir, tama po kayo." Super kilig na pa-charming nitong sagot. "So, how's your work?" "Okay lang naman po sir." "Are you enjoying your field?" "Of course, sir." "That's nice to hear, have a nice day." Paalam ni Robert ng magbukas ang elevator at sabay silang iniluwa ng kinikilig na si Flor. "Thank, you sir." Abot taingang ngiti ni Flor. Napapailing na tumuloy sa private office niya ang binata. Naroon na ang sekretarya niya. "Tricia, please follow all documents that I needed to sign." Utos nito. "Good morning Sir, yes Sir." Maya-maya lang ay nakasunod na ang kanyang sekretarya dala ang mga hinihinging pipirmahan. "I also re-sched. some of your appointments today sir." "Yes, thank you." "Ah, sir, I also have here with this folder, the new versions of cakes design that our marketing office submitted yesterday, they are waiting for the approval and ask for a meeting regarding this." Saka ipinakita ni Tricia ang laman ng folder. "Ok, I'll check them later, please, call Mr. Perez and tell him to bring here the evaluation report and all the data of Ms. Berlyn Morales." "Yes Sir." Gusto niyang bigyan ng kasiyahan si Berlyn ng hindi naman siya lumalabag sa policies ng kumpanya at hindi masasabing pabor lang ang ginawa niya. Kumatok si Mr. Perez sa pintuan bago tuluyang pumasok, nadatnan niyang subsob sa trabaho ang kanyang boss. "Good morning Sir." "Yeah, good morning Mr. Perez, have a sit." Noon ay nag-angat ng ulo si Robert. "As your secretary told me, I have here with me the data of Ms. Morales which you asked for?" patanong na sabi ng head of the human resources department na si Mr. Perez na siya ring nag-interview kay Berlyn nung mag-apply ito ng trabaho. "Yup." Nakangiting inabot ng binata ang mga dokumentong inaabot sa kanya ng kausap. Binuksan at binasa. Napakunot noo ito ng mabasang taga Cebu ang dalaga at naimpressed ito sa scholastics record nito. Samantala, pagdating ni Berlyn ay nakita kaagad niya ang abot taingang ngiti ni Flor. "Aba! Palagay ko buo ang araw mo ngayon." "Oo Berlyn, grabe, baka mamatay ako sa sobrang saya pag- hindi ako nagkwento sa iyo kaya please pakinggan mo ako at huwag kang KJ ngayon." "Ikaw talaga, ano nanaman ba iyon? Nagkita na kayo ni Mr. Gutierrez?" "Tama ka at kinausap pa ako. Grabe, sobrang kilig ko kanina hindi ko mapigilan." "O di, inspired kang magwork niyan?" "Oo, kaya nga babalik na ako sa mesa ko alam ko iyan ang susunod mong sasabihin." Natawa si Berlyn sa kaibigan. "Hay naku ang nagagawa nga naman ng pag-ibig." Pahabol na sabi nito at iiling-iling. Muli sa opisina ni Robert. "What do you think Mr. Perez? Does this Ms. Morales deserve a promotion?" Tanong ni Robert matapos makita ang mga data at pasandal na tumingin kay Mr. Perez matapos ilapag ang hawak na record. "It is your decision, sir, since all the data commensurate with her qualifications and performance are specified there." "No, I need your opinion." "Actually, the fact, sir, the first time I have read her record during my first interview with her, I did not even have a second thought of hiring her, I am just waiting enough time to suggest a promotion for her good performance." "Well then, meet your HR department and talk about it, whatever the decision you may came up with, I will approve it." Kinabukasan, Maaga pa ay pinatawag na si Berlyn sa opisina ni Mr. Perez. Kabado man ang dalaga ay nakangiting bumati kay Mr. Perez. "Have a sit Ms. Morales." "Thank you, sir.' "It has been decided by the HR department yesterday, with the approval of the president, well you deserve it and congratulations, you are promoted. You are now one of the accounting managers of the company." Agad banggit ng nakangiting kausap at saka iniabot ang appointment letter at pinapirmahan sa dalaga. "Thank you, sir, I didn't expect it." Nagugulat na wika ng dalaga at walang pagsidlan ang tuwa sa kanyang mukha. Napansin din niyang pirmado na nga ng presidente ang kanyang appointment kasama ng pangalan ni Mr. Perez as one of the signatories, naka-indicate ang R. Gutierrez. Yun lang kasi ang pinalagay ni Robert sa particular na appointment paper na iyon. Ayaw kasi niyang makahalata ang dalaga. "Thanks again sir, I promise you will not regret the decision." "I am expecting that Ms. Morales. I had informed the head accountant in your department to orient you for your new assignments starting tomorrow." "Yes Sir." Matapos silang mag-usap ni Mr. Perez, sa C.R. ito tumuloy at doon muli ay impit ang tili at sayang pinakawalan. "Yes!" medyo napalaskas na sabi niya ng makalabas ang dalawang babaeng nadatnan niya doon. "Ang loko, siguro inilakad nga niya ako sa boss namin." Naisip pa nito na ang tinutukoy ay si Robert. Nang break time nila ay sagot niya ang lunch nila ni Flor, hindi kasi siya makatanggi sa pang-uurot ng kaibigan ng malamang promoted na siya. Excited siyang maka-uwi na at maikuwento kay Robert ang magandang balita kung sakaling magkita sila nito. Umabot ito ng dis-oras ng gabi ay wala paring Robert na nagparamdam. Kahit puyat ay maaga parin siyang nagising, ngayon pa bang bagong promote siya saka mag-papa-late. Lalo siyang nakitaan ng kasipagan at pagpupursige ng mag-umpisa na niyang gawin ang bagong mga assignments na inindorso sa kanya ng accounting head. "Aba, teka, bakit may deposited accounts ang company sa farm namin?" Kunot noong tanong sa sarili ni Berlyn ng makita ang mga files na ine-entry niya sa computer. "Flor? Matagal nabang supplier ng mga fruits ang Bernardo's Farm?" Kumpirma nito kay Flor. Ang Bernardo ay ang pangalan ng kanyang ama at iyon ang isa sa mga negosyo ng kanilang pamilya sa Cebu City. "Oo naman iyan ang number 1 supplier ng ating mga natural flavorings. At masasarap ang mga prutas na dinideliver ng Farm na iyan sa ating planta." Pagmamalaking sabi ni Flor. "Ganun ba, ngayon ko lang kasi na browse ang files nila. Kung hindi ako nagkakamali, sa Cebu pa nanggagaling ang mga fruits delivery nila hindi ba?" Muling paniniyak nito. "Oo yata, hindi ako masyadong sigurado." "Paano ang pick-up ng cheke nila?" Muling tanong. "Alam ko directly deposited ang payment sa accounts nila, kasi wala naman silang office dito sa Metro Manila." Nakahinga siya ng maluwag sa nalaman, baka kasi kung pick-up ang payment ay makita pa siya ng mga tauhan ng kanyang ama. Mag-hapon siyang subsob sa trabaho ng araw na iyon at hindi namalayan ang oras ng uwian. Nauna ng nakauwi si Flor sa kanya, nagkataon namang hindi siya nahirapan sa pagsakay ng pag-uwi niya marahil ay nakalagpas na siya sa rush hour. Nakarating na siya ng bahay ay tila hindi niya nadama ang pagod sa maghapong pag-aadjust ng mga bagong gawain. Lalo na nang madatnan niyang nakasandal sa may pintuan ng kanyang bahay si Robert. Kanina ng naglalakad siya patungo sa bahay niya at matanaw ang sasakyan ng binata ay binilisan niya ang paglakad upang maibalita ang kanyang promotion. Agad siyang sinalubong ng nakangiting si Robert at binuhat siyang nakatayo at iniikot-ikot. "Congratulations!" Bati ng binata ng ibaba siya at saka mabilis na hinalikan sa labi saka mahigpit na ninakap. "Akala ko hindi mo nabalitaan." Masayang wika ng dalaga saka gumanti ng yakap. Hindi na siya nag-alangan pa. "Let's go," aya ng binata. "Ha? Where?" "Let's celebrate." "Wala pa akong sweldo." "Sagot ko of course." "Sinabi mo eh." Umabrisiyete pa si Berlyn sa kanya. Sa unang restaurant kung saan siya dinala ni Robert nung unang pagkakataong yayain siya nito ay doon din siya ngayon dinala ni Robert. Habang kumakain, inabutan siya ni Robert ng isang maliit na pahabang kahon na nakabalot sa simpleng gift wrapt. "Ano ito?" "Obviously it's a gift." "I know, but what is this for?" "Because you are promoted." "Wow naman thanks, talagang may ganong effect kapa ah. Do I have to open it agad?" "Yeah sure." Nakangiting dahandahang binuksan ni Berlyn ang kahon, tumambad sa kanya ang maganda at mamahaling necklace na may heart shape. "Is this really for me?" "Yup." "Ow! Well, I really love it." Nasa mukha ang labis na tuwa. "Do I deserve a kiss?" "Of course," naiilang man ay hinalikan ni Berlyn sa pisngi ang binata. "Akin na isusuot ko sa iyo." "Ang ganda talaga Robert, maraming salamat ah." Matapos silang kumain, naglakad lakad sila sandali sa mall at maya-maya ay umuwi na. Subalit hindi agad nagpaalam si Robert sa halip ay naglambing na naman ng isang tasang kape. "Kung ganito kasarap ang mga kapeng laging iniinom ko aba baka magkanervous ako." Biro ni Robert. "Hmn, baka naman ang ibig mong sabihin marami kaming nagtitimpla ng kape para sa iyo." "Oo si mommy, mga maids, at ang secretar...... at ang mga waiters sa coffee shop na pinupuntahan ko." Pagkasabi nyon ay dinukot ni Robert ang panyo sa bulsa at ipinunas sa noo, alam niyang muntik na siyang madulas sa sinabi. "Bakit ba lagi mong pinupuna ang kape ko?" "Bakit may iba ba akong dapat pansinin?" "Meron, ang puso ko." Naisip niyang sabihin. "Maalala ko pala, hindi ba ikaw ang salarin ng pagkapromote ko?" Pag-iiba niyang sabi. "No, you deserve it anyway." "Talaga lang ah." Nginitian siya ni Robert at hinawakan ang kamay nito ikinulong sa kanyang dalawang kamao habang tinititigan siya. Naiilang man ay hindi binawi ito ni Berlyn. Matagal pa silang nagkuwentuhan at bago ito umalis ay muli siyang mabilis na hinalikan sa labi. "Ikaw ha! Kinakasanayan mo na iyan." Nakangiting wika ni Berlyn pero halatang kinikilig. Nginitian lang siya ni Robert at kinindatan saka na kumaway ng paalam at sumenyas na pumasok na siya sa loob ng bahay. Heto nanaman siya at pupuyatin ng mga matamis na pangarap at nanamnamin ang mga panakaw na halik sa kanya ni Robert. Sadya lang bang malambing si Robert at walang ibang kahulugan sa kanya ang mga gawi? Kaibigan nga lang ba talaga ang turing sa kanya nito? At bakit naman siya pumapayag? Hindi ba masagwang tingnan na kahit walang ibang nakakaalam na wala naman silang pormal na relasyon ay pumapayag siyang masyadong maging close sa kanya ang binata? Ah basta kahit ano pa ang sabihin ng iba ang mahalaga ay masaya siya sa tuwing kasama si Robert at gusto niya ang samahan nilang dalawa. At marami siyang basehan upang paniwalain ang sariling may pagtingin din ito sa kanya. Nakatulugan niya ang ganoong pag-iisip. Kinabukasan hindi nakaligtas sa mga mata ni Flor ang necklace na suot niya. "Wow, may bago kay madam." "Maganda ba?" "Oo type ko nga eh, saan mo naman nasungkit yan? Hindi ka pa naman sumusweldo sa pagkakapromote mo may bago kana agad?" "Masyado ka naman syempre props lang ito." Sabay pa silang nagkatawanan ng kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD