CHAPTER 6

1677 Words
Ilang linggo ulit ang nagdaan, katulad ng dapat asahan, heto at mabubuang na naman si Berlyn sa paghihintay sa pagsulpot ni Robert. Dapat ay sanay na siya ngunit hindi parin maiwasang madismaya sa tuwing lilipas ang araw na hindi ito nagpapakita. "Mukhang libangan lang ako ni Robert, kung kailan lang maisipan saka pupuntahan." Naisip niya. Nagpadama ng labis na kalungkutan sa kanya ang ganoong katotohanan. Mas matagal ngayon kaysa sa dati ang pagitan ng hindi pagsipot ng binata. Nag-aalala siya at naiinis din at the same time sa sarilli at pati na kay Robert. Habang dumaraan ang araw, lalong lumalalim ang nadarama niya para dito, hindi niya mapigilan ang sarili. Nalulungkot nga lang siya at tila wala naman itong espesiyal na pagtingin sa kanya. Minsan sinubukan niya itong itext ngunit hindi naman ito sumasagot at hindi rin niya ito matawagan cannot be reach ang sagot ng operator. Araw ng linggo, isang buong araw nanamang pagmumukmok at pag-asam. Tinanghali siya ng gising, tamang-tama at tanghalian nalang ang kanyang ihahanda. Binuksan ang refrigerator at inilabas ang karne na nasa freezer. Habang iniisip kung anong klase ng luto ang kanyang gagawin, naupo muna siya sa may dining table at humigop ng mainit na kape. "Ano't sarap na sarap siya sa kape ko, totoo bang may sikreto akong timpla dito? Kung pwede ko lamang siyang magayuma ng kape ko ginawa kona." Naisip nito. Nasa gayon siyang ayos ng tumunog ang kanyang cellphone. "Sana si Robert" Wala sa loob na nausal niya. "I'll pick you up exactly 12:30 and I expect you to be ready." Si Robert "Ha?" "Bye, see you then." Saka pa nawala na ang binata sa kabilang linya. "Shocking, ni hindi man lang inalam kung papayag ako o hindi." Nangingiting naisaloob ni Berlyn, syempre pa hindi naman siya tatangi. Naalala niya ang dini-frozed na karne muli itong ibinalik sa freezer. Nagmadaling nagshower at nagbihis. Isang simpleng light brown curderoy skirt above the knee ang suot niya at orange collared blouse at tinernuhan ng flat black shoes. Sinuklayan ang hanggang balikat na haba ng buhok sandaling pinatuyo at nilagyan ng ponytail saka nagpulbos at nagpahid ng manipis na pinkish shades lipstick. Ito ang ayos na gustong gusto ng kanyang mga manliligaw sa Cebu, simple. Nagspray siya ng pabango na may suwabe ngunit eleganteng amoy. Nakarinig ng sunod-sunod na busina, alam niyang si Robert na iyon. Dinampot ang sling bag at saka nagmadaling lumabas ng bahay. Nakasandal sa kanyang sasakyan ang naghihintay na binata. Naka polo-shirt itong kulay dilaw at pantalong maong, nasa tatak ang pagiging mamahalin ng kasuotan. Naka-tuck-in ito na lalong bumabagay sa matipuno nitong katawan. Inalalayan siya ni Robert pagsakay sa sasakyan. "Hindi ba late ang tiyempo ko?" Tanong ng binata ng umaandar na ang sasakyan. "Bakit?" "Hinahabol kong huwag ka munang makakain ng lunch dahil nga yayayain kitang lumabas." "Hindi naman kagigising ko lang kasi." "Ako man." Sa isang Japanese Restaurant sila tumuloy. "Hindi ka ba mamumulubi sa ginagawa mo?" "I'm just happy doing such things." "Ganyan ka bang magpasaya ng sarili mo? Gusto ko tuloy isiping mayaman ka." "Not exactly what you think." "Wala akong makitang nakatutuwa sa ginagawa mo except of just spending money and time, ganyan kaba sa lahat ng kaibigan mo?" "Nope, just for you." "I don't like thinking I am special to you." "Bakit naman?" "E kasi, kung kailan mo lang gustong puntahan ako saka ka nagpapakita." Sa isip lang ito ni Berlyn hindi niya magawang sabihin kay Robert, ayaw niyang inu-ubliga si Robert, alam niyang wala siyang karapatan. "Dahil hindi ka sumagot, let me rephrase your word." Uminom muna si Robert ng pineapple juice bago itinuloy ang sasabihin saka matamang tumingin kay Berlyn. "Am I special to you?" "Well, what do you think?" Ayaw diretsahin ni Berlyn ang sagot, kahit papaano ay gusto parin niyang magtira ng pride sa sarili niya. "I am not supposed to answer that question because I am the one asking here, but let me respond like this," Nagposed sandali at hinuli ang mga tingin ni Berlyn. "What do you think I'm thinking?" Saka pa kinindatan si Berlyn. Ngumiti ang dalaga. "And what a smile means?" Umiling ang dalaga ayaw na sana niyang magsalita pa dahil nangangamba siyang ang bawat sasabihin niya ay magiging bala ni Robert upang mahuli siya. "You're not suppose to answer me like that." Si Robert at saka nagpatuloy na sumubo. "And you're not suppose to respond with a question too." Halos sabay silang nagkatawanan. "You know, I love being with you because of a funny and crazy discussion like this." "How about my coffee? Natawa ang binata. "Of course, aside from that." Matapos silang kumain, nagsimba sila. Natutuwa si Berlyn at nakasabay niya pati sa pagsisimba ang binata. Pagkatapos ng misa ay inakbayan siyang palabas ng simbahan ni Robert. Sobrang kilig ang kanyang nadama kaya't hindi niya naisipang tumangi kahit pakunwari. Sa isang malaki at malawak na theme park sila nagawi matapos magsimba Magkatabi silang naupo sa isang upuan malayo sa karamihan. Kung tutuusin ay gawain ng magsing-irog ang kanilang mga kilos, magkahawak kamay na namamasyal. Walang alinlangan si Berlyn na kumapit sa braso ni Robert paminsan-minsan at hindi tumatangi pagka-aakbayan siya nito. Walang pakialam si Berlyn sa mga sandaling iyon, ang mahalaga ay magkasama sila ni Robert. "Naniniwala ka ba sa love at first sight?" Naitanong ni Robert. "Bakit mo naman naitanong?" "Wala naman naisip ko lang" "Siguro naniniwala ako." Walang katiyakang sagot ni Berlyn. "Bakit? Nangyari naba sa iyo?" Si Robert. "Bakit sayo? Nangyari narin ba?" Balik tanong ni Berlyn. "Itatanong ko ba sayo kung nangyari na?" Hindi halatang pilosopong sagot ng binata. Nagkatawanan sila. Hindi nila namalayan na kalat na ang dilim sa paligid. "Hindi ba ako nakakaabala sa iyo Berlyn?" "Kung ikaw ang aabala kahit araw-araw pa." Hindi niya iyon isinatinig. "Wala naman akong pagkakaabalahan eh." Iyon ang isinagot. "Baka naman ako ang nakakaabala sa iyo." Dugtong pa niya. "Hindi naman sayang kung ikaw ang aabala." Kinabig ni Robert si Berlyn palapit sa kanya at hinalikan sa buhok. "Berlyn" "Hmn?" "What if someday I suddenly gone and never see you again?" Malungkot na tanong ni Robert na ang tingin ay sa malayo. Hindi tuminag sa pwesto ang dalaga at sumagot. "Do it as early as you can." May lungkot ang tinig niya at sumiksik pa lalo kay Robert. "Sincere?" Napakurap ang dalaga, nasasaktan siyang isiping magkakagayon nga sila. Sa likod ng kanyang isip bakit hinayaan niyang mahulog ng husto ang loob niya kay Robert ng hindi pa kinikilala, ngayon ay isang malaking pangamba para sa kanya ang anumang sandali ay mawala ito sa kanya. Napigilan niya ang mga luhang malapit ng maglandas sa kanyang mga pisngi ng hawakan siya sa baba ni Robert at iharap sa kanya. "Bakit mo ako pinagmamadali?" "Baka- - - maunahan kita?" Pasimpleng sagot niya kasabay ang pilit na ngiti. Hindi iyon ang ibig niyang sabihin kay Robert sa halip. "Baka kung magtagal pa ay mahalin na kita at kung saka ka lalayo ay hindi ko na kaya." Tanging sa sarili niya iyon sinabi. "So you have a plan?" "Hindi natin batid ang bukas, kung ano ang mangyayari, kaya't maaga pa ay maghanda na tayo, para kung masaktan man ay hindi matindi." Seryoso ang salita ni Berlyn. Marahang dinulutan ni Robert ng sandaling halik sa labi ang dalaga at mahigpit na yinakap. "Bakit ganoon ang gawi niya? Balak na ba nitong magpaalam?" Naisip ni Berlyn saka ito kunot noong tumingin kay Robert ng pakawalan siya nito buhat sa pagkakayakap. Alam ni Robert nagtatanong ang mga tingin ni Berlyn subalit hindi lamang nito mapigilan ang sarili sa kung ano man ang idinidikta ng kanyang puso. "What is that kiss and hug for?" Hindi napigilan ni Berlyn ang itanong ng hindi nagpaliwanag si Robert. "It that means goodbye?" Dugtong pa. Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Robert saka na ito yinayang umuwi ang dalaga. Nang ihatid siya ni Robert ay wala silang kibuan hangang makarating sa apartment. "Goodnight." Si Robert "Hindi ka ba magkakape muna?" "Next time nalang para ma-miss ko ang kape mo." Halatang pinipilit lang magpatawa ng binata. "Sige ingat ka." Napasandal sa pinto ng bahay si Berlyn pagkasara niya. "Hindi pa ito ang huling pagkikita namin dahil goodnight ang sinabi at hindi goodbye." Naisip niya Habang yakap ang unan patuloy na nangarap si Berlyn, nagmunimuni sa mga pangyayari sa maghapon. Sila naba ni Robert? May unawaan naba sila? Napa-puzzle parin siya. Wala silang malinaw na usapan pero alam ng puso niya gusto niya ang mga turingan nila ni Robert, maging ang mga pasimpleng paghalik at pag-akbay sa kanya nito. Gusto niyang magtanong at klaruhin ang lahat-lahat sa kanila pero hindi niya alam kung paano magsisimula at baka pag-ginawa niya ay mawala si Robert sa kanya. Samantala, tumuloy si Robert sa condo unit ng kaibigan pagkagaling kay Berlyn. "And what brings you here? Gabi na." Takang tanong ni Joseph ng mapagbuksan ng pintuan ang kaibigan. Dumiretso si Robert sa mahabang sofa at naupo doon. Naglabas ng red wine si Joseph at inabutan niya ng baso ang kaibigan. "Saan kaba galing? Tinext kita bakit hindi ka nagreply?" Muling tanong ni Joseph ng hindi siya sinagot ni Robert. "I am with her." Kaswal na sagot ni Robert sa tanong ng kaibigan. "What?" Kunot noong tanong ni Joseph. "Akala ko ba ayaw mong ma-involve sa kanya?" Nilaro-laro ni Robert ang laman ng kanyang wine glass. "Ewan ko ba, nalilito ako, I don't even understand myself." Saka niya ito tinungga. "Are you inlove with her?" "I like her, I admit." "I just want to remind you, malapit kanang ikasal." Sumandal si Robert sa sandalan ng upuan saka bumuntong hininga. "I know." "At kailan mo balak itigil iyan?" "I already told her that I like her." "Ano ang sabi niya?" "Wala naman, but I can feel that she also likes me." "So, kayo na ba?" "Not officially." "Me ganon ba?" "We didn't talk about it." "Ayus iyan. Sige lang bro, ikaw din ang mahihirapan. Bakit kailangan mong simulan kung alam mo namang walang patutunguhan?" "Pasensiya kana matigas ang ulo ko eh." Saka pa sila sabay na nagtawanan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD