Matunog na palalpakan at kabilaang pakikipagkamayan ang bawat isa sa loob ng conference room matapos ang ginawang contract signing. Sa labas na ng lobby ng building naghintay sina Berlyn, Mama niya at Mommy ni Robert matapos lumabas ng conference room ang mga ito, alam nilang marami pang mga kwentuhan ang kanilang mga esposo sa loob ng conference. Nang matapos ay dumiretso sila sa restaurant ng hotel na kanilang tinutuluyan. "So, everything's almost done here, where and when do you plan to have your honeymoon break?" Tuksong tanong ni Don Gutierrez sa dalawa. "Oo nga, because we are waiting for our apo." Sang-ayon naman ng Papa ni Berlyn. "Para bang mas excited pa kayo sa amin." Nangingiting komento ni Robert. Nagtawanan ang kanilang mga magulang. ***** "Pa, sige na please!" Paglalam

