Nagising si Berlyn sa tunog ng kanyang cellphone, namimigat ang katawang kinapa ang kinalalagyan nito. "Hello?" Inaantok pa ang boses nito at pikit matang sinagot ang cellphone. "Berlyn, what keeps you so long? Andito na kami sa hotel restaurant ni kumadre, dito na kami sabay-sabay na nag-almusal." Ang kanyang Mama. "Ganoon ba? What time is it na ba?" Antok na antok pang tanong. "Passed nine in the morning. Huwag mong sabihing tulog kapa?" "Yeah, I'm sorry Ma, I'll just take a shower and go down there." Nakapikit parin niyang sagot. Narinig niyang bumuntong hininga ang kanyang ina. "Kahapon ikaw ang nangungulit ngayon naman tila tinatamad ka." May halong sermon. "Kanina pa nagtake-out ng pagkain ninyo si Robert at ang sabi dadalhan kana lang daw niya ng pagkain dyan sa suites nyo, ak

