"Hi, I'm Lona, Robert Gutierrez, right?" Tanong sa kanya ng isang babaeng maiksi ang buhok balingkinitan ang katawan at may maamong mukha. Napatayo si Robert sa kanyang kinauupuang bench sa mismong waiting area ng paliparan ng San Francisco Internationla Airport. "Yeah! Hello, how are you? Nice meeting you." Nakangiting inabot nito ang kamay kay Lona. "No doubt Berlyn is really in-love with you, nakaka-starstruct ka pala talaga lalo sa personal." Diretsahang nakangiting wika ni Lona. Napangiti si Robert sa compliment na nabanggit ni Lona. "We can have a coffee first before going home, para makapag-usap muna tayo." Si Lona. "Sure! Please lead me where." Lumakad si Robert pasunod kay Lona at sa isang coffee shop, sa loob din ng airport, sila pumasok. "So, how's Berlyn? Is she's work

