Amara POV “Close the door.” Malamig ang utos ni Damon, parang kayang magyelo ng buong opisina. Isinara ko ang pinto at humarap sa kanya. “Amara,” mariin niyang sabi, “who told you na puwede kang pumunta sa canteen without my permission?” Ngumiti ako—’yung ngiting alam kong lalong nakakainis sa kanya. “Sorry, Sir,” diin ko pa sa huling salita. “Nakalimutan ko.” Punô ng sarkasmo ang boses ko. Napayukom ang kamay niya sa mesa. Kita ko kung paano gumalaw ang panga niya, pilit pinipigil ang galit. “Amara,” babala niya, mababa pero mabigat, “’wag mong sagarin ang pasensya ko.” Napatawa ako—walang saya, puro pagod. “Pasensya?” umangat ang tingin ko sa kanya. “Ikaw? Ubos na ubos na ang pasensya ko sa’yo, Damon.” Tumayo siya bigla, at sa isang iglap, naramdaman kong lumiit ang espasyo s

