Damon POV Pagkatapos kong bitawan ang mga salitang iyon kay Amara, diretso akong pumasok sa CR. Isinara ko ang pinto nang mas malakas kaysa sa dapat. Humarap ako sa salamin at doon ko lang naramdaman ang bigat ng ginawa ko. Hindi ko alam kung bakit ko nagawa ang mga bagay na iyon sa kanya. Siguro dala ng stress mula sa meeting namin ni Mayor Roces—lahat ng usapan, lahat ng plano, puro pananakot at kapangyarihan. Nakakapagod. Nakakasakal. At pagod akong laging maging si Damon Marcellus na walang karapatang magkamali. Nagdagdag pa ang galit ko nang makita ko si Amara sa garden, paikot-ikot, parang may hinahanap na daan palabas. Sa kilos niya, ramdam kong may binabalak siya. Oo, sinabi niyang hindi siya tatakas. Pero paano ako maniniwala? Paulit-ulit na niya akong tinakasan noon, sa isip,

