Chapter 49 While the Devils Talk

1123 Words

Amara POV Pumasok si Damon sa kuwarto, seryoso ang mukha. “Amara, may lakad lang kami ni Daddy. Dito ka lang muna, huwag mo akong tatakasan” sabi niya. Tumango lang ako. Wala na akong lakas makipagtalo. Lumabas siya, at nang tuluyang magsara ang pinto, saka ko lang naramdaman ang bigat na naiwan sa dibdib ko. Dito ka lang muna.Huwag mo akong tatakasan. Parang utos na nakabalot sa lambing. Parang paalala na kahit wala siya sa tabi ko, kontrolado pa rin niya ang galaw ko. Umupo ako sa gilid ng kama at napatingin sa paligid. Tahimik. Masyadong tahimik. Sa bahay na ito, ang katahimikan ay hindi pahinga, bagkus, bagyong paparating. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko, pero may masamang pakiramdam na gumagapang sa sikmura ko. Kapag nagsasama si Damon at si Rafael, laging may kapalit—

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD