Amara POV Pagkahiga ko sa kama, akala ko makakatulog na agad ako. Pero ang utak ko, parang nagmamarathon. Lalo na’t naririnig ko pa rin sa isip ko yung sinabi ni Damon na “Lock your door.” Sinunod ko naman. Pero bakit parang hindi pa rin ako safe? Pumikit ako. Nagbaligtad ako sa unan. Tumagilid. Tumihaya. Wala. Hindi talaga dumarating ang antok. Hanggang sa… May kumaluskos. Mahinang boses. Galing sa kabilang kuwarto. Kay Damon. Hindi ko gustong makinig. Pero parang kusang gumagalaw ang tenga ko. Naupo ako. Inabot ang baso ng tubig. Kunwari iinom pero totoo, nakikinig na ako. Mababa ang boses ni Damon—pero malinaw. “Calix, nakikinig ka ba?” Napatigil ako. Si Kuya Calix? Asawa ni Ate Belle? Yung pinsan kong always chill, always mabait? Bakit kausap ni Damon? At bakit ang tigas

