Amara POV Nakarating kami sa Marcellus house… pero para akong lumulutang. Para akong wala sa sariling katawan. Ang tanging alam ko lang, mahigpit kong hawak ang kamay ni Daddy. Para iyon ang natitira kong lakas. Kahit alam kong pareho kaming walang laban, pareho kaming naipit, pareho kaming hindi makakawala sa kamay ng mga Marcellus… hindi ko binitawan ang kamay niya. Parang robot kaming mag-ama na hinihila, tinutulak, pinapagalaw kung kailan nila gusto. “Kayong mag-ama ha…” malamig at puno ng galit ang boses ni Rafael, “subukan n’yo pang tumakas. Talagang papatayin ko na kayo.” Tumingin siya sa amin na parang wala kaming halaga. “Marami akong meetings na kinansel dahil sa inyo.” Pagkatapos no’n, tumalikod siyang parang may mas mahalaga pang gawin kaysa buhay namin. Doon kami naghiwa

