Amara POV Katatapos ko lang maglaba ng mga damit namin ni Daddy. Inangat ko ang braso ko habang nagsasampay, napakunot ang noo ko nang makita ko kung gaano ako umitim dahil sa araw. Para akong naluto sa init ng bundok. Nakasampay na sana ako ng huling piraso ng damit nang bigla kong napansing may mga anino sa gilid ng bahay. Mga lalaking malalaki, matatangkad, parang mga haliging gawa sa bato. Napako ang mga paa ko sa lupa nang makilala ko kung sino ang nasa unahan nila. Si Damon. At ang amang kinatatakutan ko—si Rafael Marcellus. Nakangising lumapit si Damon, parang matagal niya na akong hinihintay makita. “Told you… hindi mo ako matatakasan. Kahit sa impyerno ka pa magtago, susundan kita.” Hinaplos niya ang pisngi ko, at mas lalo akong nayanig sa takot. “Amara? Sino ba—” Napatigil

