Amara POV Pagdating namin sa kuwarto niya, hindi man lang ako nakapag-react nang bahagya niyang hilahin ang kamay ko papasok. Para akong batang nahuli sa kalokohan. “Sit,” mahinahong utos niya. Umupo ako sa sofa, ramdam ko pa rin ang pag-igting ng tensyon sa dibdib ko. Si Damon naman, dumiretso sa mesa niya at pinindot ang intercom. “Lisa. Come in.” Ilang segundo lang, pumasok na si Lisa, sosyal, composed, at parang may sariling theme song pag naglalakad. “Yes, Sir?” “What happened outside?” malamig na tanong ni Damon. Diretso ang sagot ni Lisa. “According to Miss Wilma, nagchichismisan daw po sina Amara at Mean at hindi nagwo-work.” Napakurap ako. “H–Hindi kami nagchichismisan,” mabilis kong tutol, napalakas pa ng konti ang boses ko. “Magkaiba po ’yon sa nag-uusap. Iba naman yu

