Author's Note: This content is purely fiction. Lahat ng pangyayari, pangalan, at karakter ay gawa-gawa lamang ng author at hindi base sa totoong tao, lugar, o sitwasyon. Naiwan ako sa kuwarto. Sa totoo lang, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Dalawang oras na akong nakamukmok dito sa loob ng kuwarto ni Damon, pero parang hindi pa rin humuhupa yung bigat sa dibdib ko. Nagpasya akong maglakad-lakad kahit sa loob lang ng kuwarto. Napatingin ako sa isang frame—graduation picture ni Damon. Naka-suot siya ng toga, nakangiti, at parang ang linis-linis ng mukha. Sino ba mag-aakala na ganito siya? Balak pa niyang mag-lawyer. Gusto pa niyang sumabak sa politika. Guwapo si Damon, yun ang totoo… guwapo siya in a way na nakakatakot. At oo, mas gwapo siya kaysa kay Ethan. Si Ethan. Boyfriend ko

