Habang kumakain kami ng breakfast kasama ang pamilya ni Damon, wala kaming imikan. Tahimik ang buong dining table, at bawat tunog ng kubyertos parang ang lakas-lakas sa tenga ko. Halos hindi ko malunok ang kinakain ko, kaya maaga akong natapos. Paano ba naman… ang tingin ni Don Rafael Marcellus, mas malala pa kaysa kay Damon. Parang kaya niyang basahin ang buong pagkatao ko sa isang tingin. Si Mrs. Elena naman, tahimik lang. Elegante. Pero may presensya na nakakapressure. “Okay ka na, hija?” tanong ni Rafael, ang boses mababa, commanding. “O-opo,” kandautal kong sagot. Hindi ko alam kung bakit… pero natatakot talaga ako kay Damon at sa pamilya niya. Parang may kakaiba. Isang strange na pakiramdam na hindi ko maipaliwanag. At doon bumalik sa isip ko ang unang pagkikita namin ng mga M

