Amara POV Ano ba talaga ang gusto nila sa akin? Ayaw nila akong tantanan. Kung gusto nilang matapos ang problema, tulungan na lang nila akong makatakas kay Damon, tapos na. Pero hindi. Mas gusto pa nilang guluhin ang ulo ko. Hindi tuloy ako makapag-concentrate sa trabaho. Eksaktong pag-angat ko ng ulo, siya na naman ang bumungad, si Wilma. Itong kutong-lupang ’to, dumagdag pa sa problema ko. “Nakita mo na ba si Ma’am Francine?” taas-kilay niyang tanong, may halong pangmamaliit. “Yung ex ni Sir Damon. Nakita mo kung gaano kaganda?” Napangiti ako. Pilit. “Oo,” sagot ko. Tapos dinugtungan ko, “pero mas maganda ka pa.” Alam kong pang-aasar ’yon. Kitang-kita ko kung paano nagbago ang aura niya, parang biglang sumikip ang hangin sa paligid. Napikon. “Ewan ko ba kung anong nagustuhan

