Damon POV Hindi ko kailangan ng confirmation. Ramdam ko agad. Pagpasok ko pa lang sa condo, iba na ang hangin. Tahimik si Amara, masyadong tahimik. Hindi yung suplada. Hindi yung palaban. Yung tahimik na may binisita ng demonyo. “Where is he?” tanong ko, malamig. Hindi na siya nagkunwari. “Your father,” sagot niya. “Kanina umalis na.” Pumikit ako. So he crossed the line. Hindi na ako nag-aksaya ng oras. Diretso ako sa ancestral house, ang lugar na kaharian ng aking ama. Pagpasok ko pa lang sa study room, naroon na siya. Nakatayo sa harap ng bintana, hawak ang wine glass, parang hari sa sariling kaharian. “Late ka,” sabi ni Rafael Marcellus nang hindi lumilingon. “You went to my house,” sagot ko. Walang paligoy. Ngumiti siya. “Correction. My house. Everything you have stil

