Damon POV Hindi umiwas ng tingin si Amara. Matapang. Matigas ang panga. Pero kita ko ang bahagyang panginginig ng mga daliri niya. Good. Hindi siya kasing tapang ng inaangkin niya. Lumapit ako paunti-unti, hindi mabilis, hindi mabagal, sapat lang para maramdaman niyang wala siyang kawala. Nang halos magdikit ang dibdib namin, dahan-dahan kong tinaas ang kamay ko, tinukod sa mesa sa likod niya. Na-trap siya. Eksaktong gusto ko. “Tell me,” bulong ko, “ito ba ang plano mo, Amara? Na painitin ako? Na paikutin ako hanggang sa magsawa ako at palayain ka?” Hindi siya sumagot, pero kumurap siya nang mariin. May tinatago. Tinagilid ko ang ulo ko, inamoy ang buhok niya, isang mabilis pero malinaw na mapupulang warning. “Careful,” sabi ko. “Baka ikaw ang masunog.” --- Amara POV Hindi

