Amara POV Pauwi na kami ni Damon sa condo niya, pero wala ni isang salitang namagitan sa amin. Siguro dahil sa nangyari kanina, at dahil sa katangahang ginawa ko. Ano ba’ng pumasok sa isip ko? Halos ibigay ko na ang sarili ko sa halimaw na ’yon. Mas masaklap pa, nagustuhan ko ang ginagawa niya. Ano na, Amara? Ano bang nangyayari sa’yo? Naiinis ako sa sarili ko. Pasimple kong sinulyapan si Damon. Hindi ko maitatanggi, malakas talaga ang dating niya. Kung niligawan niya lang siguro ako nang maayos noon, baka… baka sinagot ko siya. Pero hindi ko alam kung may gusto ba talaga siya sa akin o trip lang niya ako. Wala naman siyang sinabing mahal niya ako. Kailanman. Pero simula nang makilala ko siya, para na siyang anino, laging nandiyan, laging sumusunod, laging hindi nawawala. Napabuntong

