Damon POV — Flashback College days. Unang kita ko pa lang kay Amara, ’yung araw na dinala siya ni Mang Julio sa birthday ni Dad, tinamaan na ako. Hindi pa nga siya nagsasalita, pero parang may tumama sa dibdib ko nang diretso. Pero… hindi ako sanay na ako ang nagpapansin. Sa akin, ang babae ang lumalapit. Ako si Damon Marcellus—guwapo, sikat, mayaman. Ang pangalan ko pa lang, kinakatakutan at hinahangaan na. Pero si Amara… iba. Actually, kilala ko na siya high school pa lang. Pero dahil sa training ni Dad—na bawal maging mahina, bawal magpakita ng emosyon—pilit kong tinabunan ang naramdaman ko. Ang problema… Nung naging same school na kami sa college, mas lalo siyang pumasok sa mundo ko. Hinahanap ko siya kahit hindi ko gusto. Sinusundan ko siya kahit hindi ko inaamin sa sarili

