Amara POV Palabas na kami ni Francine sa restaurant nang bigla kong makita si Damon. Seryoso ang mukha niya, yung tipong alam mong may mali kahit wala pa siyang sinasabi. Ilang hakbang lang ang pagitan namin nang lumapit siya at bigla akong hinawakan sa siko. Hindi masakit, pero sapat para maramdaman ko ang bigat ng presensya niya. “Hi,” bati ni Francine, parang wala lang. Tumango lang si Damon, malamig ang mga mata. “Okay ka lang?” mahina niyang bulong sa akin, halos sa tenga ko na. “Anong sinabi niya sa’yo?” Bigla akong napaatras. Nakuryente ako sa paraan ng pagkakabulong niya—masyadong malapit, masyadong pamilyar. Parang gusto kong pagalitan siya at sabihing huwag niya akong hawakan sa publiko, pero naunahan ako ng inis. “Wala,” mataray kong sagot. Tumawa si Francine, aliw na al

