DAMON POV
Pagkaalis ni Amara sa kusina, tumuwid ako sa pagkakatayo habang humaharap sa lalaking tauhan ng aking ama. May dala itong folder, ibig sabihin may bagong galaw na naman sa negosyo.
“Sir Damon,” bati niya nang may paggalang. “Pinapahatid po ng inyong ama ang update tungkol sa kompanya.”
Pinag-igting ko ang panga ko.
“Anong ginawa ni Vargas ngayon?”
Si Vargas, matagal nang kalaban ng pamilya namin sa negosyo. Hindi namin siya iniintindi noon, pero ngayon, masyado na siyang agresibo.
Binuksan ng tauhan ang folder.
“Sinusubukan po nilang bilhin ang isa sa mga supplier na nasa kontrata natin. Kapag nakuha nila, mahihirapan tayong mag-maintain ng production.”
Napamura ako sa isip. Classic Vargas move.
“Alam na ba ni Dad?” tanong ko.
Tumango siya.
“Opo, Sir. Pero sabi niya, kayo pa rin ang may final say sa strategy. Hindi niya gusto makialam nang sobra, pero ayaw niyang malagay kayo sa alanganin.”
Napabuntong-hininga ako, isang ngiti ang sumulpot kahit iritado.
“Ganyan talaga si Dad. Tahimik pero nakabantay.”
Isinara ng tauhan ang folder.
“May utos po ba kayo, Sir?”
“Yeah.” Lumapit ako at kinuha ang folder mula sa kanya.
“I-double check ang lahat ng suppliers. Kahit sino pwedeng bilhin ni Vargas basta may presyo. At kung may magtatangka pa… sabihan niyo ako agad. Ako ang hahawak.”
Tumango siya, halatang nabunutan ng tinik sa bigat ng sitwasyon.
“Naiintindihan ko, Sir.”
Habang umaalis siya, tinitigan ko ang mga dokumento.
Kung akala ni Vargas makakapasok siya nang hindi ko nalalaman… nagkakamali siya.
Amara POV
Mabilis na umalis ang mga tauhan ng ama ni Damon, halatang hindi na nagtagal pa matapos ang seryosong usapan. Pagkaalis nila, agad namang lumingon si Damon sa kabilang tauhan niya.
“Sa baba ka na maghintay,” malamig nitong utos. “I’ll call you if I need you.”
Pagkasara ng pinto, saka siya tumingin sa akin. “You. Magbihis ka. Fifteen minutes.”
Napapitlag si Amara.
“What? Fifteen minutes?!” bulong niya sa sarili, pilit na hindi ipinapakita ang inis.
In fifteen minutes, makakapagbihis ba ako no’n? Ano ba tingin niya sa akin, robot?
Parang nabasa naman ni Damon ang iniisip ko dahil napatingin siya sa akin na may nakakalokong ngiti.
“If you’re not done in fifteen minutes…” bahagya siyang yumuko, halos magdikit ang mukha namin, “…I will kiss you.”
Nanlaki ang mga mata ko.
“What—?!”
Pero tawa lang ang sagot niya, yung tipong nanunukso na alam niyang magmamadali ako.
“Clock starts now, little doll.”
Dahil sa inis, embarrassment, at takot na baka seryoso nga siya, dali-dali akong tumalikod at kumaripas papasok sa kwarto ko.
Pagpasok ko, mabilis kong binuksan ang cabinet at naghanap ng maisusuot. “Fifteen minutes, fifteen minutes… ano ba ‘tong ginagawa niya sa buhay ko?!”
Pero nang makita ko ang isang white blouse at pencil skirt na neatly folded, napahinto ako. Simple pero elegante. Saktong pang-meeting, panglabas, pang… whatever it is na pinaplano niya.
Kinuha ko iyon.
At sa loob-loob ko, isa lang ang sigurado:
Hindi ako dapat umabot ng sixteen minutes.
Damon POV
Pagkarinig ko ng pagbukas ng pinto, napalingon ako. Lumabas si Amara—white blouse, pencil skirt, at bahagyang humahabol ang hininga.
At kahit ayaw ko aminin… she looked stunning.
Mas simple kaysa sa mga babaeng nakakasalamuha ko, pero may sariling tama.
Hindi nga lang niya alam.
Naglakad siya papalapit, pilit pinapakalma ang sarili.
“I’m… done,” hingal niyang sabi.
Tumingin ako sa relo ko, mabagal. Sinadya kong ipakita sa kanya.
“You’re late,” malamig pero may halong panunukso ang tono ko. “One minute.”
Nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya—halong inis, takot, at frustration.
“Seriously?!” napabulong siya, halos pabulong pero malinaw.
I leaned in, enough para maramdaman niya ang presence ko.
Hinawakan ko ang baba niya, marahan pero may diin.
“A deal is a deal, little doll.”
Nag-freeze siya. Hindi makagalaw.
Then I whispered, mababa, deliberate:
“One minute late… means one kiss.”
She swallowed hard.
At doon ako bahagyang ngumiti.
Hindi dahil sa pang-aasar—pero dahil gusto kong makita kung hanggang saan niya kayang lumaban.
“Don’t worry, Amara,” dagdag ko habang unti-unting lumalayo.
“I don’t bite… unless you make me wait again.”
Hindi pa man siya nakakagalaw mula sa pagkabigla, bumalik ako sa harap niya.
One slow step at a time, enough para maramdaman niyang wala siyang tatakbuhan.
Nakita ko kung paano siya napaatras hanggang halos tumama ang likod niya sa pader.
Pero hindi siya tumakbo.
Hindi siya sumigaw.
She just stood there… fighting her breathing.
“Damon… wag—” mahina niyang bulong, pero hindi ito lakas.
Hindi ito utos.
Takot… pero may halo ring curiosity na pilit niyang itinatago.
I placed one hand on the wall beside her head, trapping her gently.
Yung kabila, hinaplos ko ang pisngi niya, mainit, malambot… at nanginginig.
“One minute late,” bulong ko sa labi niya. “A promise is a promise.”
Dahan-dahan akong yumuko.
Hindi ko siya hinalikan agad—dinama ko muna kung paano siya huminto sa paghinga, kung paano nagtaas-baba ang dibdib niya.
“Damon…” mas mahina na ngayon ang boses niya.
“Shh.”
I pressed my forehead against hers.
“So tense. Relax, Amara. It’s just a kiss.”
At bago pa siya makapagsalita muli, idinikit ko ang labi ko sa kanya.
Hindi marahas.
Hindi rin sobrang banayad.
Tamang diin—enough para maramdaman niyang wala siyang kontrol sa oras na iyon.
She froze… then slowly, napasinghap.
I felt her hands clutch the fabric of her skirt, trying not to give in.
Mas lalo akong ngumiti sa pagitan ng halik kapag naramdaman kong nanginginig siya.
I pulled back only a little, inches away from her lips, still trapping her breath.
“See?” bulong ko, mababa, halos nakalapat pa rin ang bibig ko.
“That wasn’t so bad.”
Pero bago pa niya malunok ang kaba—
I kissed her again.
Mas madiin.
Mas totoo.
At mas hindi niya inaasahan.
At nang maghiwalay kami, namumula siya, hinihingal, halatang hindi alam kung tatakbo ba o sasampalin ako.
I brushed her lips with my thumb.
“That’s for being one minute late.”
Tumalikod ako, binuksan ang pinto, at walang bahid ng pag-aalinlangan na nagsabi—
“Next time, little doll…
Don’t keep me waiting.”
Amara POV
Pagkasara ni Damon ng pinto, para akong naiwang nakadikit pa rin sa pader.
Parang hindi pa rin makabalik ang hininga ko.
Ano ‘yon?!
Bakit niya ginawa ‘yon?
At bakit… bakit parang… hindi ako nakagalaw?
Naramdaman kong uminit ang buong mukha ko—hindi dahil sa hiya lang, kundi dahil sa inis na may halong bagay na ayaw kong pangalanan.
“Damn it…” bulong ko, pinisil ang labi ko dahil parang may naiwan pang init mula sa kanya.
Galit ako.
Dapat galit ako.
Dapat tinulak ko siya.
O sinampal.
O sinigawan.
Pero ang katawan ko kanina…
Parang hindi nakinig.
Napakapit ako sa dibdib ko, pilit inaayos ang t***k na kanina pa nagwawala.
“Hindi dapat nangyari ‘yon…” pinilit kong kumbinsihin ang sarili.
“He’s just messing with me. Nilalaro niya lang ako. Sinusubok niya ako.”
Pero kahit paulit-ulit kong sabihin, hindi nawawala ang kaba sa tiyan ko.
Yung tipong parang nahulog sa roller coaster.
At mas lalo lang akong nainis nang mapansin kong nanginginig pa ang kamay ko.
“Ugh! Bakit ako nagpaapekto?!”
Dinampot ko ang bag ko, pinilit maglakad palabas ng kwarto kahit nanginginig pa rin ang tuhod ko.
Pero pagdating ko sa may pintuan kung saan naghihintay si Damon, napahinto ako.
He was standing there—calm, collected, like nothing happened.
Parang hindi niya ako hinalikan.
Parang hindi niya ginulo ang buong sistema ko.
Nilingon niya ako nang dahan-dahan…
At nginitian.
Yung ngiting alam niyang may epekto sa akin at gusto kong murahin siya dahil alam niya.
I rolled my eyes hard, trying to hide the chaos inside me.
“I hate you,” bulong ko, pero hindi ko alam kung narinig niya.
Ngumisi siya bahagya.
“I know.”
Then he opened the door for me.
“Let’s go, little doll.”
At doon ko na-realize na mas delikado siya kaysa sa buong mundo na hinaharap namin.
Hindi dahil sa halik.
Hindi dahil sa threat.
Kundi dahil…
habang mas sinusubukan kong lumayo, mas lalo akong hinihila pabalik.