Chapter 3 Under Damon’s Rules

1193 Words
Amara’s POV Nagising ako sa malalakas na katok. Napabalikwas ako, saglit na hindi alam kung nasaan ako, hanggang sa bumungad ang pamilyar na boses. “Good morning, my little doll.” Nakatayo si Damon sa pinto, nakangiti, habang inaalis ang cuff sa pulsuhan ko. Agad akong napaangat ng tingin. Hindi ako nagsalita, pero kung makakapatay lang ang tingin, tapos na sana siya. Hindi man lang siya natinag. “Maligo ka na,” aniya, malamig pero awtoridad ang bawat salita. “Then prepare breakfast.” Napakunot ang noo ko. “Hindi ako marunong magluto,” mahina ngunit totoo kong sagot. Umangat ang isang kilay niya. “Bacon and egg lang. Simple.” Umiling ako, halos pabulong, nahihiya pero wala na akong maitatago pa. “Kahit ano… hindi talaga ako marunong magluto.” Napahagalpak siya ng tawa, parang aliw na aliw sa kahinaan ko. “So ano pala ang pakinabang ko sa’yo?” aniya, nakalapit at dumudulas ang tingin sa mukha ko pababa sa labi ko. “Sa kama mo na lang ba ako pasasayahin?” Nanlamig at namula ako nang sabay-sabay. “What?! You pervert!” mariin kong sabi, ang mukha ko halos nagliliyab. Mas lalo siyang natawa, malalim, malakas, at nakakainis. “Sumunod ka sa akin after five minutes,” utos niya, saka lumakad palayo na parang alam niyang susunod ako kahit ayaw ko. At naiwan akong nakaupo sa kama, nag-aapoy ang pisngi sa hiya— at sa inis na hindi ko masabi kung para sa kanya… o para sa sarili ko. Amara’s POV Paglabas ko ng kwarto, nadatnan ko si Damon sa kusina—nakatayo sa harap ng stove, nakasando lang at nakatalikod sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero napahinto ako. Hindi ko in-expect na… ganito. He looked normal. Calm. Almost… human. Paglingon niya, ngumiti siya na parang alam niyang nanood ako. “Come here, little doll. Lesson time.” Napairap ako pero lumapit pa rin. Hindi ko alam kung apoy ba sa stove o sa presence niya ang nagpapainit sa mukha ko. Humawak siya sa kawali at inangat ito. “Unang step,” sabi niya, “buksan ang stove. Medium lang, not too high.” Hinawakan niya ang kamay ko at siya mismo ang nag-guide sa akin sa knob. Nagulat ako, hindi marahas, hindi malamig… banayad. “Next, put the bacon. Don’t overthink it.” Nilagay niya ang bacon sa kawali, at agad itong umingay. Napaatras ako sa gilid pero natawa siya nang kaunti. “Relax. It won’t bite you.” “Hindi ko talaga kaya ‘to,” reklamo ko, nakakunot ang noo. Pero maya-maya, narinig ko ang sizzling ng bacon, amoy na amoy ang lutong mantika, at parang nagliliwanag ang tingin niya habang pinapakita sa akin ang ginagawa. “See? Easy,” sabi ni Damon habang binabaliktad ang bacon, swabe ang bawat galaw. “You just follow the sound. Pag crisp ang tunog, it’s done.” Hindi ako makapaniwalang marunong siya. Hindi ko rin maalis ang tingin ko sa paraan niya magluto, seryoso pero effortless, parang sanay na sanay. “Hindi ko inakala na… you know… marunong ka nito.” Umangat ang sulok ng labi niya, parang natatawa sa sinabi ko. “I can cook, clean, fix cars, shoot a man from forty meters…” Tumingin siya sa akin nang diretsong-diretso. “…and make breakfast.” Hindi ko alam kung dapat ba akong ma-amaze o matakot sa huling dalawang bagay, so tumango na lang ako. “Your turn.” “Ha? Ako?” Nanlaki ang mata ko. Lumapit siya sa likod ko, inilagay ang egg sa kamay ko, at parang sa movies—inalalayan niya ang kamay ko habang binabasag ito. CRACK. Pumasok ang itlog sa bowl, walang shell, walang sablay. “Nice,” bulong niya sa tainga ko. Napasinghap ako nang bahagya, at mabilis siyang lumayo na parang alam niyang na-conscious ako. Niluto namin ang itlog, guided pa rin ng kamay niya. Pagkatapos, binuhos niya sa plato ang bacon at scrambled eggs. Simple lang, pero parang ang hirap huminga. Inabot niya sa akin ang plato. “You did good,” sabi niya, tahimik pero may bigat. “Maybe you’re not totally useless after all.” Napataas ang kilay ko. “Ano raw?” Ngumisi siya, bahagya, at mas mapanganib pa kaysa kanina. “Eat. Before I change my mind… and teach you a different kind of lesson.” Hindi ko alam kung nagbibiro siya. Ayokong malaman. Pero isang bagay ang malinaw: Hindi ko akalaing kaya ni Damon maging ganito— mabagsik, mapanganib… pero kaya rin palang magluto ng bacon and egg. At sa hindi ko maintindihang dahilan… mas lalong naging delikado iyon. Amara’s POV Kakaupo ko pa lang sa mesa, hawak ang kutsara, nang biglang bumukas ang pinto ng kusina nang hindi man lang kumatok. Halos napatalon ako. Pumasok ang isang lalaking naka-itim, matangkad, malaki ang katawan, at may hawak na earpiece. Para siyang tipikal na henchman sa mafia movies—pero mas nakakatakot nang personal. “Sir,” sabi nito, diretso kay Damon. Halos hindi man lang siya tumingin sa akin. “The men from El Viejo are here. They want a word.” Kumunot ang noo ko. El Viejo. Rafael Marcellus. Ang tatay ni Damon. Ang pinaka-boss. Napatingin ako kay Damon. Iba ang aura niya bigla—mula sa teasing at half-smile kanina, naging malamig at mabigat ang mukha niya, parang may switch na pinindot. “Who?” tanong ni Damon, mababa ang tono, halatang hindi natuwa. “Cesar and Lucho, sir. They said it’s urgent.” Tumayo si Damon nang mabagal. Halos ramdam ko ang pagbabago ng buong paligid—parang biglang sumikip ang hangin. Pagdaan niya sa likod ko, tumigil siya sandali. Naramdaman ko ang kamay niyang dumampi sa balikat ko. Hindi marahas, pero may halong pag-aangkin. “Stay here.” Boses niya ay parang utos na hindi puwedeng tanggihan. Napatingin ako sa kanya. “A-anong—” “Amara,” putol niya, tumingin diretso sa mata ko. May babala sa boses niya. “Do not leave this kitchen. No matter what you hear.” Gumalaw ang lalamunan ko. “Bakit? Ano meron?” Hindi niya sinagot ang tanong ko. Pero may idinugtong siyang mas nakakatakot kaysa sagot: “My father’s men don’t ask nicely. And they don’t take kindly to strangers.” Nanlamig ako. Tumingin si Damon sa tauhan niya. “Watch her,” utos niya, ngunit may tono na hindi pwedeng palitan. “Kung may humawak sa isang strand ng buhok niya, sagot mo ang buhay mo.” “Y-yes, sir,” agad na sabi ng tauhan, halatang kabado. Pagkatapos, tuluyang lumabas si Damon sa kusina, at sumara ang pinto sa likod niya. Sasalisi ako sana, pero nandoon ang bantay, nakaharap sa pinto, alerto, at malinaw na handang gumawa ng kahit ano. Pero habang nakaupo ako, kumakabog ang dibdib ko nang husto. Hindi dahil sa bantay. Kundi sa tunog ng boses ni Damon bago siya umalis… mababa, malamig, at parang may paparating na bagyo. What kind of world have I been pulled into? bulong ko sa isip ko, habang sumisikip ang dibdib ko. At higit sa lahat— bakit parang lalong lumalala… ang takot ko na baka masaktan si Damon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD