“This will be your room.”
Mababa at malamig ang boses ni Damon, halos walang emosyon habang tinuturo ang pintong nasa kanan. “That’s your private bathroom. Clothes will arrive later. You won’t need anything from the outside unless it comes from me.”
“I’m not your prisoner.”
Mariin ang bawat salita ni Amara, pilit pinatatatag ang boses kahit ramdam niyang nangangalog ang dibdib niya.
Damon moved closer, slow and deliberate. Nang magtagpo ang kanilang mga mata, may kakaibang kilabot na gumapang sa balat niya.
“No,” bulong nito, bahagyang nakayuko para itapat ang labi sa tainga niya. “You’re not my prisoner, Amara… You’re my little doll. And I take care of what’s mine.”
Napasinghap siya. Para siyang hinila sa pagitan ng galit at takot—at isang hindi kanais-nais na kiliting ayaw niyang kilalanin.
He stepped back, expression unreadable.
“Get some rest,” aniya habang inaabot ang doorknob.
“Tomorrow, your real work begins.”
Pagkasara ng pinto, bumigay ang mga tuhod ni Amara at napaupo siya sa gilid ng kama. The silence felt heavier than his presence. Para siyang nakakulong sa isang mundong hindi niya ginusto—pero hindi iyon lang ang nagpapayanig sa kanya.
May halong galit. Takot. Pagod. At isang kilabot na nakakainis na parang humahatak pabalik sa presensya ni Damon.
Tumayo siya, lumapit sa bintana, at tumingin sa madilim na hardin sa ibaba. Ang paligid ay tahimik, pero ang t***k ng puso niya ay parang sigaw.
I need to get out of here, bulong niya, halos hindi lumalabas ang boses.
Pero habang nakatitig sa dilim, may tanong na hindi niya mapatay:
Bakit mas gusto ko siyang labanan… kaysa basta takasan?
Madaling-araw. Tahimik ang buong mansyon, at tanging tunog lang ang humahampas na hangin sa mga bintana. Sa loob ng kwarto ni Amara, dahan-dahan siyang tumayo mula sa kama. Ilang oras niya itong pinagplanuhan, ang tanging sandali kung kailan siya makakagalaw nang hindi binabantayan.
Binuksan niya ang ilaw ng lampshade at inayos ang kutson, para magmukhang may natutulog pa rin doon.
Kung sakaling may biglang dumaan… baka hindi nila mapansin.
Lumapit siya sa bintana. Mas mababa pala ang bubong sa gilid kaysa sa inaakala niya. Kaya naman kinuha niya ang bedsheet, pinagkabit-kabit, at ginawang makeshift na lubid.
Huminga siya nang malalim.
This is it, Amara. Now or never.
Isinabit niya ang bedsheet sa bakal ng bintana at marahan siyang bumaba, nanginginig ang mga kamay. Ilang pulgada na lang at sasayad na ang paa niya sa bubong—
KRACK.
Umuga ang bakal. Napakapit siya nang mahigpit, halos mawalan ng hininga. Sa kabutihang-palad, hindi nabunot ang pagkakatali.
Paglanding niya sa bubong, gumapang siya papunta sa dulo, binabalanse ang sarili para hindi madulas. Mula roon, may maliit na balkonahe. Kaya niyang tumalon. Kaya niya ‘to.
Tumalon siya, mahina ang bagsak, pero sapat para hindi mag-ingay.
Pagkatapos ay tumagos siya sa anino ng mansyon, dahan-dahang naglakad, nagtatago sa bawat haligi, sa bawat malalaking paso ng halaman. Malapit na siya sa gate. Konting lakad na lang.
Tatlo… dalawa… isa—
“Going somewhere, little doll?”
Napahinto siya.
Nanlamig ang katawan niya.
Dahan-dahang lumingon si Amara, at doon niya nakita si Damon… nakatayo sa ilalim ng poste ng ilaw, nakahawak sa bulsa, at parang matagal na siyang hinihintay.
Ang ngiti nito ay hindi masaya. Hindi rin galit.
Mas delikado.
“I admire the effort,” aniya, lumalapit nang mabagal, parang leon na hindi nagmamadali dahil tiyak ang huli.
“But attempting to run away from me? That’s a very, very bad idea.”
“Layuan mo ako,” nanginginig niyang sabi, kahit pilit niyang pinapatatag ang boses.
Umiling si Damon, at sa isang iglap—
Hinawakan siya sa pulso, mabilis pero hindi marahas; sapat lang para hindi siya makatakas.
“You could’ve gotten hurt,” anito, mahina pero may ngitngit ang tono.
“Or worse, someone else could’ve taken you. And I won’t allow that.”
“Hindi mo ako pag-aari!” sigaw niya.
Huminto si Damon, tumitig sa kanya, at may bahagyang hirap sa paghinga.
“But you are,” bulong niya. “Until your family’s debt is paid… you belong to me.”
At bago pa siya makasigaw ulit, binuhat siya ni Damon sa balikat niya, madaling-madali, as if she weighed nothing, at inuwi siyang parang pinagulong na hangin.
Habang dinadala siya pabalik sa loob ng mansyon, kumakabog ang puso niya, hindi lang dahil sa takot.
Kundi dahil sa galit.
At sa isang damdaming ayaw niyang pangalanan.
Pagkababa ni Damon sa kanya sa kwarto, hindi niya ito agad binitiwan. Nakapikit si Amara sa sobrang hilo, ngunit ramdam niya ang matigas na dibdib nito sa likod niya, ang bigat ng hininga nitong malapit sa kanyang tainga.
Dahan-dahan siyang ibinaba ni Damon sa sahig… pero hindi lumayo.
“You really thought you could escape me?” malamig nitong tanong, mabagal, parang nilalasap ang bawat salita.
Hindi sumagot si Amara. Hindi niya alam kung takot ba ang nangingibabaw o galit.
Siguro pareho.
Hinawakan ni Damon ang baba niya at iniangat ang mukha niya pataas. Hindi marahas, pero walang puwedeng tumanggi.
“Look at me.”
Napilitan siyang tumingin. Ang mga mata niya namamasa; ang mga mata nito tila nag-aalab.
“Do you know why I’m angry?” bulong ni Damon.
“Because I tried to get away from you,” mariing sagot niya.
Umiling si Damon, mabagal, parang natatawa pero hindi talaga natatawa.
“No. I’m angry because you could’ve died. Because you put yourself in danger. Because you didn’t trust me to protect you.”
Nag-init ang pisngi ni Amara.
“Protect me? Damon, you are the danger.”
That hit him.
For a second, tumigas ang panga ni Damon.
Lumayo siya ng kaunti, pero hindi niya pinakawalan ang pulso ni Amara.
“I said I take care of what’s mine.”
Tumingin ito sa pulso niyang namumula dahil sa pagkakahawak. Pagkatapos ay binitiwan siya.
Akala niya tapos na.
Pero kinuha nito ang wrist cuffs na nakapatong sa mesa, hindi metal, kundi lambot na leather, mukhang mamahalin at para lamang sa “discipline,” hindi torture.
Nanlaki ang mata ni Amara.
“What are you going to do?”
Lumapit si Damon, mabagal, sinadya.
“Punish you, of course.”
“Ayoko—”
“It’s not about what you want,” putol niya.
“It’s about teaching you the consequences para hindi mo na ulitin.”
Hinawakan niya ang kamay ni Amara at walang pwersang pananakit na isinabit ang leather cuff sa isang poste ng kama. Hindi ito masakit, hindi rin mahigpit, pero sapat para hindi siya agad makalakad palabas.
“You’re staying here,” sabi niya, mababa ang tono.
“Under watch. Until I know you understand something important.”
Tumingin siya kay Amara nang diretso, halos dumidikit ang noo nila.
“You don’t run from me.”
“Dahil pag-aari mo ako?” sarkastikong bulong niya, pero may halong takot.
Hinaplos ni Damon ang pisngi niya, hindi marahas, kundi nakakagulat na banayad.
“Dahil kapag humarap ka sa panganib at wala ako…”
Bumigat ang boses nito.
“…hindi ko kaya.”
Natigilan si Amara.
Hindi niya alam kung ano ang mas nakakatakot—
ang pagkakakulong niya sa kwarto…
o ang katotohanang parang hindi galit ang dahilan ng parusang ito.
Parang… pag-aagaw.
Pag-aangkin.
O isang damdaming mas malalim pa na ayaw niyang makita.
Lumayo si Damon at binuksan ang pinto.
“Rest. Think about your decisions.”
At bago ito tuluyang lumabas, muli siyang tumingin sa kanya.
“And Amara… don’t make me punish you like this again.”