Chapter 2

1318 Words
Emmanuele Gricia “Hindi pa ako nasisiraan para sagutin ang lalakeng iyan, no? Ano ka? Duh! Hindi naman iyan sikat sa Felicitine, bakit ko siya sasagutin?” Nasa loob ng isang bar si Emmanuele ng mga oras na iyon habang kausap ang kaniyang mga kaibigan. Dahil sabado ngayon ay pinayagan siya ng kaniyang ama upang lumabas at makisaya sa mga ito. Ngunit kahit naman na hindi siya payagan ay tutuloy pa rin siya. “Girl, matalino saka sikat naman kasi varsity, go ka na! Nakatingin kaya rito right now!” sabi ni Ellise. Tahimik naman si Venice sa gilid. Alam niya kasi na ex ko ang kaibigan ng boyfriend niya. Umikot ang kaniyang mga mata at tumingin sa oras sa kaniyang relo. Nang makitang mag aala-una na ng madaling araw ay nagpaalam na siya sa kaniyang mga kaibigan. “I need to go, ang paalam ko lang kay dad ay 12, inabot na pala ako ng 1 am. Basta, text me na lang if may lakad tayo tomorrow, ha?” sabi niya sa mga kaibigan at hinalikan sa pisngi isa-isa ang mga ito. “Okay, girl! Ingat ka!” sabi ni Venice. “Yes, ingat ka, wala ka pa namang dalang car,” sabi ni Gwen. Nang makalabas si Emmanuele ng bar ay naglakad siya upang pumunta sa isang malapit na sakayan ngunit nakita niyang walang nagdadaan na taxi kaya sinubukan niyang maglakad-lakad pa. Sigurado siyang pagagalitan siya ng kaniyang ama kapag nalaman nito na naglalakad pa siya ng ganoong oras. Dahil lumaki siya ng may gintong kutsara ay ni minsan hindi siya nakaranas ng hirap. Isa ang kanilang pamilya sa mayayaman sa Verata City. Hindi na rin siya nagtataka kung bakit sikat siya sa Felicitine at maraming mga lalake ang nais na makilala siya. Hindi rin niya ikakaila ang mga kalokohang ginagawa sa kanilang university. Madalas siyang ma-suspend ng professor kapag nahuhuli siya nitong nagchi-cheat sa klase. Ilang beses na rin siyang nada-drop at umuulit ng taon. Dahil sa hindi siya gustong paghigpitan ng mga magulang ay madalas pagsabihan lang siya nito at ni minsan ay hindi nagalit sa kaniya. “They love me so hindi nila ako matitiis.” She said. Alam niya naman na kahit kailan hindi siya natiis ng kaniyang mga magulang. Nag-iisang anak lamang siya ng mga ito at lahat ng kaniyang gusto ay palaging ibinibigay. Iyon nga lang ay hindi pa siya binibigyan ng sasakyan dahil sa alam ng mga ito na magiging isang reckless driver siya. Isa pa, pag pauwi naman ng school ay inihahatid siya ng scheduled boy toy niya kaya kahit wala siyang sasakyan ngayon ay ayos lang. Ito lang din naman ang unang beses na magko-commute siya. Ayaw pa kasing umuwi ng maaga ng mga kaibigan niya. Nang tumunog ang kaniyang cellphone ay nakita niyang tumatawag ang kaniyang ama. Kaagad niya iyong sinagot. “Daddy?” “Nasaan ka na, Emmanuele? Anong oras na, I told you to go home before 12.” She rolled her eyes, “Dad, you said 12, not before 12. I am looking for a taxi na, don’t worry.” “What? I thought your friends would take you home? That’s not what we talked earlier, Emmanuele Gricia.” When her dad said her full name she needs to stop talking back. “Sorry, dad.” She said. “I will tell, Orlan to pick you just text me where you are. Your mom can’t sleep because you are still not here.” “Okay po, dad.” When the call ended she immediately text her father the location and put her cellphone back on her bag. Inilinga ni Emmanuele ang mga mata sa paligid, bukod sa walang tao ay wala ring poste ng ilaw sa lugar tanging ang maliwanag na buwan lamang ang nagbibigay ng ilaw sa doon. Nang mapatingin si Emmanuele sa buwan ay namangha siya. Kulay bughaw ito at bilog na bilog. Nang maisipan na kuhanan ito ng larawan ay umakyat siya sa footbridge at mas napangiti siya nang makita ng maayos ang ganda ng buwan. Nang kukunin na sana ni Emmanuele ang kaniyang cellphone ay may nakita siyang naglalakad na lalake na naka hoodie jacket palapit sa kaniya. Nang mamukhaan niya ang lalake ay napangiti siya. It was one of her boy toy. Actually, she felt sorry to this guy because she embarassed him in front of the students at their university. “Hey, Karl! Long time no see, what’s up? Why are you still awake? Dapat ay maaga kang natutulog so your height will increase.” She said and laugh. They have the same height. Parehas na 5’6 ang height nila ni Karl, at isa ang height nito sa mga binanggit niya noon para hindi ito seryosohin. Sa tatlong araw kasi nila ay mukhang sineryoso talaga siya ni Karl, hindi nito nahulaan na naglalaro lamang siya kaya’t nang ibulgar niya sa harap ng mga students ng Felicitine ang totoo ay nakita niyang hiyang-hiya na umalis ang lalake. Isa pa ay napakaweird ng lalake. Dati ay nagtalo na sila dahil hindi nito matanggap ang ginawa niya. Nagkaroon kasi siya kaagad ng boyfriend at iyon nga ay si Zen. Ngunit hindi rin sila nagtagal ni Zen dahil masyado itong paranoid at bawat kilos niya ay monitor nito. Muli sanang magsasalita si Emmanuele ngunit nagulat siya nang hugutin ni Karl ang mga kamay sa bulsa ng hoodie jacket nito. Nanlaki ang mga mata ni Emmanuele sa kaniyang nakita. “N-No... no...” Nakita niya ang kutsilyo na hawak ng lalake, ngunit huli na ang lahat para makatakbo pa siya, mabilis ang naging pangyayari. Sinaksak siya ni Karl sa likod at bumagsak siya hindi pa ito tumigil sa isang saksak. Ilang beses pa siya nitong pinagsasaksak sa katawan. “Tulong...” sabi ni Emmanuele habang ang mga mata ay nakatingin sa bilog na bughaw na buwan. Lucyva Nang idilat ni Lucy ang kaniyang mga mata ay nagulat siya nang makita ang puting paligid, may tumutunog sa kaniyang gilid na isang bagay na hindi niya alam, nang igalaw pa niya ang paningin ay nakita niya ang ilang mga kagamitan na hindi pamilyar sa kaniya. Sinubukan niyang igalaw ang kaniyang kamay at tingnan iyon, may nakalagay doon na hindi rin niya alam. Akala niya ay patay na siya? Ano ang nangyari? Nang makarinig si Lucy ng pagbukas ng pinto ay nagulat siya nang may isang magandang babae na may edad ang humarap sa kaniya, hinawakan nito ang kaniyang kamay at tinawag siyang ‘Emmanuele’ nang umiling siya dahil hindi niya ito nakikilala ay mayroon pang isang tao ang humarap sa kaniya. Isang lalake na tinatawag siyang anak. Akala niya ay patay na siya! Pero sino ang mga nilalang na ito na tinatawag siyang anak? “We are so worried! I almost had a heart attack when a police called us and told us that you were stabbed multiple times and it is a miracle that you are still alive, Emmanuele.” The woman said. Hindi maintindihan ni Lucy ang sinasabi ng magandang babae ngunit nang muli niyang marinig na tinawag siya nitong Emmanuele ay napailing siya. Ano ang nangyayari? Akala ni Lucy ay patay na siya. Nakita niya ang itim na ispiritu sa kaniyang harapan at tanda iyon na kukuhanin na nito ang kaniyang kaluluwa. Pero nananaginip ba siya ngayon? Ibang-iba ang kinaroroonan niya. Mayroong tumutunog na bagay sa kaniyang gilid, puti ang silid kung nasaan siya at malambot ang kaniyang kinahihigaan. Ang kasuotan ng mga nilalang sa kaniyang harapan ay kakaiba. “Mabuti na lamang at hindi napuruhan ang iyong magandang mukha anak, ito ang salamin, maaari mong tingnan.” Sabi ng magandang babae at itinapat sa kaniya ang isang salamin. Nang makita ni Lucy ang mukha sa salamin ay napailing siya. Kaninong mukha ito? Hindi ito sa kaniya! “Sino po kayo? Nasaan po ako?” tanong niya. Hindi siya makapaniwala. Para siyang nananaginip. Nasa ibang katawan siya at nasa kakaibang mundo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD