bc

Zero X: The Executioner of Black Spirits

book_age16+
1.7K
FOLLOW
4.2K
READ
dark
reincarnation/transmigration
self-improved
bxg
scary
female lead
city
lonely
tortured
like
intro-logo
Blurb

Lucyva died because of a heinous crime but her soul transmigrated to another being into a different world.

The new world where she is, is full of weak souls and what she didn't expect was when she saw black spirits eating those weak souls.

After seeing what those black spirits did, fear consumed her for the other people.

She realised that she must do something.

but how will she going to do that if she's not strong? if the only thing she can do is to see those soul eaters called black spirits?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Huwag ninyong titingnan sa mga mata. Ang sabi-sabi ay mawawalan raw ng malay ang mga taong nakakatinginan niyan sa mata.”“Naku, ganoon ba? Bakit hindi pa iyan palayasin dito sa Fhyroz, mukhang iyan ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin umuulan dito kahit dapat ay tag-ulan na. Natutuyo ang mga pananim dahil sa kakulangan ng tubig.”“Hindi ko nga ba alam! Dapat nga riyan ay palayasin na! At ang lakas din ng loob na lumabas pa ng tahanan at magpakita sa liwanag.” Naipikit ng mariin ni Lucy ang kaniyang mga mata. Alam niyang kahit hindi pangalanan ng mga ito kung sino ang tinutukoy ay alam niyang siya ang pinag-uusapan ng mga ito. Sanay na sanay na siya sa tuwing lalabas sa ika-pitong araw. Madalas ay maririnig niya na pinag-uusapan siya ng mga tao sa kanilang nayon. Hindi niya naman masisisi ang mga ito, sa kaniyang itsura at itim na pananamit ay mapagkakamalan siya ng mga itong mangkukulam at kung-ano ano pang mga masasamang tawag ang nasa isip ng mga ito. “Mangkukulam! Mangkukulam!” Napalingon siya sa batang tinawag siyang mangkukulam. Nakita niya kaagad na tinakpan ng ginang ang bibig ng anak nito nang makita siyang tumingin. Napabuntong hininga si Lucy. Hindi na naging maayos ang pamimili niya ng mga pagkain. Dapat talaga ay kapag pawala na ang mga tao saka na lang siya lumalabas para bumili ng mga pagkain. Ngunit naiisip naman niya na sa oras na wala nang masyadong mga tao ay malalanta na ang mga gulay at bilasa na ang mga isda. “Ano ang iyo, Lucyva?” Napatingin siya sa tinderang nagtanong. Tipid siyang ngumiti at itinuro ang ilang piraso ng patatas na nakasupot. “Patatas at mais.” Mahina niyang sabi. Marami ang natatakot sa kaniya ngunit may iilan ding kinakausap siya at pinagsasabihan na huwag na lang pansinin ang mga taong tinatawag siya ng kung ano-ano. “Heto, tatlong maliit na pilak lang. Huwag na buo ang iyong ibigay Lucyva, wala pa akong benta, ikaw pa lang,” sabi ng tindera sa kaniya. Tumango naman siya at kumuha ng tatlong maliit na pilak sa lagayan ng kaniyang salapi. Nang mabili ni Lucy ang mga kailangan ay naglakad na siya pauwi sa kanilang tahanan, ngunit bago pa man siya makalabas ng bayan ay nakaharang sa kaniyang daraanan ang mga itim na ispiritu. Mukhang may susunduin na naman sila. Iniwasan niya ang mga ito at muling naglakad at hindi pa siya nakakalayo ay nakarinig na naman siya ng usapan sa mga naroon. “Nakita ninyo iyon?! Wala siyang kasalubong at walang ibang naglalakad pero parang may iniwasan siya!”“Oo, kitang-kita ko iyon! Nakakakilabot, tirik na tirik pa ang araw tapos ganito na ang nakikita natin! Baka malas ang ibig sabihin nito!”“Naku po, huwag naman, wala pa akong benta sa mga paninda ko.” Napabuntong hininga si Lucyva at muling lumingon. Nang makita ng mga iyon na napatingin siya ay biglang inabala ng mga ito ang sarili. Hindi naman ako masamang tao. Sabi niya sa kaniyang sarili at muling naglakad pauwi sa kanilang tahanan. Hindi niya alam kung bakit ganoon siya pakitunguhan ng mga ito. Wala naman siyang ginagawang masama. Sinasabi ng mga ito na malas siya at siya ang dahilan ng pagkamatay ng mga pananim sa kanilang nayon. Ngunit hindi naman niya hawak ang panahon at hindi naman niya pinipigilan na umulan. Hindi rin niya minsan maintindihan ang takbo ng isip ng mga nasa nayon. Kaya naman minsan isang beses sa loob ng pitong araw lamang siya namimili sa palengke. Ayaw niyang naririnig ang sinasabi ng mga tao sa nayon. “Bakit ba kasi nakikita ko pa kayo?” tanong ni Lucyva habang nakatingin sa mga ispiritu na lumulutang. Bukod tangi na siya lang ang may ganoong kakayahan sa kanilang lugar at masasabi niyang isa iyong sumpa dahil naaapektuhan na noon ang pamumuhay niya sa Fhyroz. Napatingin si Lucy sa balat sa kaniyang palad na korteng krus. Noong una ay akala niya iyon ang dapat niyang gamitin upang hindi na niya makita ang mga itim na ispiritu ngunit hindi pala. Muli siyang napabuntong hininga at hindi na lang pinansin ang mga itim na ispiritu sa paligid. Nang makarating si Lucy sa kanilang tahanan ay ibinaba niya ang mga pinamili at muling inabala ang kaniyang sarili sa paglillinis ng kanilang tahanan. Mamaya lang ay uuwi na si Sebero galing sa trabaho kaya kailangan ay maghanda na rin siya ng makakain nito. Alam ni Lucy na malaki ang pinagbago ni Sebero nang malaman nito na nakakakita siya ng mga itim na ispiritu. Hindi na ito madalas umuwi sa kanilang tahanan. Minsan ay isang beses sa loob ng tatlumpung araw ito kung umuwi at sa tuwing tatanungin niya kung bakit ito inaabot ng ganoon katagal ay isinasagot lamang sa kaniya ni Sebero na nagtatrabaho ito para sa kanila. Madalas din itong magalit sa kaniya at sa tuwing tatawagin niya itong ‘mahal’ ang una nilang tawagan ay sasamaan siya nito ng tingin. Hindi niya rin maintindihan kung bakit sinabi ni Sebero sa mga kasamahan nito na nakakakita siya ng mga itim na ispiritu. Nais niya sanang ilihim iyon sa pagitan nilang dalawa ngunit nagulat na lang siya nang sabihin ng isa sa katrabaho ni Sebero na nakakakita daw siya ng mga ispiritu at sinabi pa nito na baka daw sugo siya ng demonyo. Kaya rin nalaman ng mga tao sa nayon ang tungkol sa kakayahan niyang iyon ay dahil sa mga katrabaho ng kaniyang kasintahan. Dahil maagang namatay ang kaniyang mga magulang ay hindi niya naitanong sa mga ito ang tungkol sa kakayahan niya na makakita ng mga ispiritu. Nasa edad lima siya nang mamatay ang kaniyang mga magulang at simula noon nagpagala-gala na lang siya at namalimos, hanggang sa tumungtong siya ng sampung taong gulang. Noon siya unang nakakita ng mga itim na ispiritu. Halos maihi siya noon sa takot nang unang makakita, ngunit nang magtagal ay nasanay na lamang siya. Hindi rin naman nananakit ang mga itim na ispiritung iyon. Ngunit nalaman ni Lucy ang dahilan kung bakit may itim na ispiritu ang tumatabi sa isang tao. Iyon ay dahil malapit na ang kamatayan nito. “Marami pa akong aasikasuhin.” Sabi niya sa sarili nang makita ang mga halaman sa labas ng kanilang tahanan. Masaya siya ngayon dahil nagpadala si Sebero ng sulat na uuwi itong muli, noong nakaraan linggo ay umuwi kasi ito ngunit hindi naging maganda ang nangyari. Binugbog na naman kasi siya ni Sebero dahil sa kalasingan. “Sana lang ay hindi na iyon maulit.” Naging abala si Lucy sa paglilinis ng bahay ng araw na iyon dahil uuwi nang muli si Sebero. Nang dumating ang gabi ay maayos niyang inilagay ang mga inilutong pagkain sa lamesa at hinintay ang pagdating ng kaniyang kasintahan. Isa sa ipinagpapasalamat ni Lucy ay kahit na nalaman ni Sebero ang tungkol sa kakayahan niyang makakita ng mga ispiritu ay hindi siya nito iniwan. Oo, may mga pagbabagong nangyari kay Sebero ngunit para sa kaniya ay mahalaga pa rin na narito ito sa kaniyang tabi at hindi siya nito iniwan. Matagal na naghintay si Lucy ngunit hindi pa rin dumarating si Sebero. Nang lumamig ang mga pagkain ay ibinalik na lamang niya iyon sa lalagyanan. Nawalan na rin siya ng gana sa pagkain. Akala niya ay muli niyang makakasalo ang kasintahan ngunit mukhang hindi matutuloy ang pag-uwi nito galing sa trabaho. Nang mapagpasyahan ni Lucy na matulog na ay nakarinig siya ng ingay sa labas. Nang marinig niya ang boses ng kaniyang kasintahan ay napangiti siya at masayang bumangon sa higaan. Akala niya ay hindi uuwi si Sebero ngunit narito ito ngayon. “Lucyva!” Narinig niya ang sigaw ni Sebero kaya’t mabilis siyang pumunta sa kinaroroonan nito. Ang ngiti niya ay napawi nang makitang gumegewang ito habang naglalakad. Umuwi na naman ito ng lasing. “Lucyva! Aba’t nasaan ka na ba?!” Napalunok si Lucy, nais na niyang umalis sa tahanan ng mga oras na iyon dahil sigurado siya. Makakaramdam na naman siya ng p*******t mula sa kasintahan. “S-Sebero, dito... narito lang ako.” Sabi niya at naglakad palapit sa kasintahan. Umangat ang tingin ni Sebero sa kaniya at hindi pa siya nakakalapit nang si Sebero na ang naglakad palapit sa kaniya. Amoy na amoy niya ang alak rito. “Lumabas ka raw ng bahay ngayon? Hindi ba at sinabi kong huwag kang lumalabas?!” sigaw ni Sebero sa kaniya. Napaatras si Lucy dahil sa takot. “N-Namili lang ako ng makakain natin kasi sabi mo sa sulat ay uuwi ka— Napahinto siya sa pagsasalita nang sampalin siya ni Sebero. “Sumasagot ka pa! Kapag sinabi kong huwag kang lalabas ay huwag kang lalabas! Malas ka talaga!” sabi ni Sebero at sinuntok siya sa sikmura. Napaluhod si Lucy dahil sa suntok na iyon. Napahawak siya sa kaniyang sikmura at namilipit sa sakit. Mukhang hindi na naman siya makakalakad kinabukasan dahil sa sakit ng katawan. Nang maupo at pantayan siya ni Sebero ay hinila nito ang mahaba niyang buhok kaya’t napaangat ang kaniyang mukha. “Alam mo ba kung bakit ako nagpakalasing ngayon, ha?” tanong ni Sebero. “Sagot!” Umiling si Lucy, “H-Hindi... h-hindi ko alam.” Tumawa si Sebero at nais matakot ni Lucy sa tawang pinapakawalan nito. Hindi ito ang lalakeng minahal niya. Nagbago na ito. Hindi na niya ito makilala. Bukas na bukas din ay iiwan na niya ito. “Nawalan ako ng trabaho! Tinanggal ako sa trabaho! At sa tingin ko ay dahil sa iyo!” sabi ni Sebero at muli siyang sinampal. Nang tumayo si Sebero ay sinipa naman siya nito ng ilang beses. Hindi na magawang makatayo pa ni Lucy para iligtas ang sarili sa p*******t na ginagawa ng kasintahan. “Malas ka sa buhay ko! Simula nang sabihin mo sa akin ang tungkol sa mga ispiritu ispiritu na iyan ay wala nang magandang nangyari sa buhay ko! Ikaw ang malas! Malas!” sigaw ni Sebero at narinig niyang naglakad ito paalis. Gumapang si Lucy upang makalabas ng kanilang bahay at nang magawa niya ay napatingin siya sa bilog na bughaw na buwan. Napakaganda ng buwan na iyon ngunit hindi niya inaasahan na sa ganoong sitwasyon niya iyon matutunghayan. “Lucyva!” Narinig niyang sigaw ni Sebero. Lilingunin sana ito ni Lucy nang biglang may itim na ispiritu na lumitaw sa kaniyang harapan. Natutop ni Lucy ang kaniyang bibig. Alam na niya kung bakit naroon ang itim na ispiritu na iyon. Mukhang hindi na siya makakatakas kay Sebero. Nang lingunin niya ang kasintahan ay nakita niya itong may hawak na patalim at nang sunggaban siya nito at pagsasaksakin ay napatingin na lang siya sa maliwanag na buwan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted Perfect Yaya

read
241.7K
bc

OSCAR

read
226.9K
bc

YOUNIVERSE SERIES 1: Tristful Eyes

read
1.0M
bc

Scandalous Affair (Tagalog/Filipino)

read
1.5M
bc

Mr. Billionaire and Eve(ZL Lounge Series 02)

read
315.8K
bc

THE HOT BACHELORS 1: Gregory Rivas

read
50.6K
bc

SILENCE

read
381.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook