Chapter 4
Parang isang panaginip ang nangyari kay Lucyva.
Nang imulat ni Lucy ang kaniyang mga mata ay nasa isa siyang kakaibang lugar. Mayroong malaking higaan, may mga bagay siyang hindi matukoy sa loob ng silid. Nang maglakad pa siya ay nakita niya ang isang babae na nagtatali ng tela sa kama nito.
Nagulat siya nang kumapit ang babae sa may tela at bumaba ito gamit iyon. Mabilis na napatakbo si Lucy at tiningnan ang ginagawa ng babae.
Ano ang ginagawa niya? Baka mahulog siya! Mataas ang kinalalagyan ng silid kung nasaan sila!
"Ma'am! maam! nawawala po si Ma'am Emman!"
Napalingon si Lucy nang marinig niya ang boses na ‘yon. Kanino ang boses na ‘yon? Sa tono ng boses ay mukhang natataranta ito. Nang sinilip ni Lucy ang babae sa ibaba ay nakita niyang ngumiti ito. Mukhang ang Emman na hinahanap ng babaeng sumisigaw ay ang babaeng bumababa gamit ang pinagtali-taling mga tela.
Sa tingin ni Lucy ay tumatakas ang babae.
“Duh? hindi kaya ako nawawala kapag nakatakas ako tsaka palang ako mawawala.” Rinig ni Lucy na sinabi ng babae.
Napailing siya. Ngunit nasaan siyang lugar? Bakit narito siya sa kakaibang lugar na ito at nakikita niya ang pangyayaring ito? Ang huling natatandaan niya ay ang ginawa sa kaniya ni Sebero! pinagtangkaan nitong paslangin siya!
Patay na dapat siya! Lumitaw ang itim na ispiritu sa kaniyang harapan at kinuha na nito ang kaniyang kaluluwa. Lumilitaw lamang ang mga itim na ispiritu kapag may sinusundo nang kaluluwa ang mga ito na malapit nang mamatay! pero ano ang nangyari sa kaniya? kakaiba at hindi niya maipaliwanag. Ibig sabihin ba ay napunta ang kaniyang kaluluwa sa ibang mundo? pero imposible na mangyari iyon! paanong mangyayari na mapupunta sa ibang mundo ang kaluluwa niya?
Ano ang nangyari sa akin?
Pero hindi niya mapaniwalaan ang ginawa sa kaniya ni Sebero. Ang pagsasama nila ng ilang taon ay nauwi lamang sa p*******t at sa pagtangka nito sa kaniyang buhay. Hindi niya inaasahan ang ginawa nito sa kaniya. Hindi ganoon ang ugali ni Sebero. Mabuti itong tao noon nang makilala niya kaya't napakahirap para sa kaniya na tanggapin ang ginawa nito.
"Maam! maam! si Ma’am Emman po! Nawawala!" patuloy na sigaw ng babae sa labas ng silid.
Nang mapalingon si Lucy doon ay nakita niyang sarado ang pinto ay may mga nakaharang doon na gamit. Mukhang pinagpplanuhan ng babae ang gagawin nitong pagtakas nang araw na ‘yon. Ngunit saan naman ito pupunta? At bakit ito tatakas?
“Ang lakas talaga ng bibig niyang si Emelita. bunganga ata ang meron siya eh. Alam ko na sesermonan ako ni Mommy pero saglit lang naman yon for sure. Mahal kaya nila ako ni daddy. Tsk. hirap naman neto.” Sabi ng babae habang bumababa.
Naalarma si Lucy nang muntik na itong madulas ngunit mabuti na lamang at nakababa ito ng maayos at hindi ito nahulog. Nang pwersahang mabuksan ang pinto ay nagulat si Lucy, natakot siya na baka makita siya ng mga taong naghahanap sa babae kaya’t magtatago sana siya ngunit huli na ang lahat.
Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang dalawang lalakeng nakauniporme at isang babae. Dumiretso ng takbo ang mga ito papunta sa kaniya at napaatras siya nang malapit na ito sa kaniya ay napasandal siya sa bintana at nalaglag!
“Ahhh!” sigaw niya ngunit nang makalapag siya sa lupa ay wala siyang sakit na naramdaman.
Imbis ay mabilis siyang tumayo ay tinignan ang babae na nagtatago sa gilid. Ilang hakbang lamang ang layo nito sa kaniya.
“Teka, sandali, hindi ba niya ako nakikita?” tanong niya.
Naglakad siya palapit sa babae at tama nga siya! Hindi siya nito nakikita!
“Ayaw kasi akong payagan ni mommy na umattend ng ball namin. Ang reason? may dinner ang pamilya namin at ang kaibigan niya may ipapakilala daw kasi siya sakin. As if naman na interesado ako. Duh? ang saya kaya ng mga party lalo na kapag ball. Makakasayaw mo ‘yong lalakeng gusto mo at kapag siya ang nakasayaw mo hanggang sumapit ang 12 midnight siya ang makakatuluyan mo. I wanted that!”
Napakunot ang noo niya sa pinagsasasabi ng babae. Sinundan lang ni Lucy ang babae habang dahan-dahan itong naglalakad. Napakaluwang ng bahay! Para iyong isang buong nayon nila sa Fhyros! Nakakamangha. Pero ang nais niyang malaman ano ang ginagawa niya doon? At ano ang tawag sa lugar na ‘yon?
“Ang bait nila mommy, pero minsan hindi ko na maintindihan bakit ayaw nila akong uma-attend sa mga ball. Syempre isa ako sa mga kadalagahan na gustong makilala ang kaniyang one true love, aba, malayko ba kung nasa school lang pala ang aking my one and only, ang aking prince charming.”
Napangiwi si Lucy, sa kaniyang tantya ay nasa edad labing anim na ang babae. Kung makapagsalita ito tungkol sa prince charming ay akala mo napakarami na nitong alam tungkol sa pag-ibig. Mukhang matigas rin ang ulo nito dahil umaalis ng walang paalam.
“Hay, nako. Ang tatamad talagang magbantay ng mga guards namin. Hindi na ako magtataka kung isang araw manakawan na lang itong bahay namin. Tutulog-tulog lang naman ang mga guards!” sabi ng babae habang nakatingin sa mga lalake na natutulog.
Mukhang ang mga guards na tinutukoy nito ay ang mga lalakeng natutulog. Pero tama si Lucy, tumatakas nga ang babae at nakalabas na ito ng mansion. Nilingon ni Lucy ang pinanggalingan, napakalaki ng bahay! At napakalayo ng harapan sa mismong bahay!
Nang muling ibalik ni Lucy ang kaniyang tingin sa babae ay nakita niyang kinuha nito ang isang bagay sa loob ng bagay nito. Narinig din niya na iyong bagay na ‘yon ang tumutunog.
"Sa bahay nila Jex kami mag-aayos? sa bahay ni jexter? pambihirang baklitang yon ang usapan namin ay kila Cassey, ah? Bakit biglang sa bahay nila?” sabi ng babae.
Malayo-layo na ang nalalakad niya at napansin niya na kakaiba ang mga nasa paligid. Mayroong mga sasakyan na hindi pamilyar. Doon pa lang napagtanto ni Lucy na nasa ibang mundo siya pero anong klaseng panaginip itong napapanaginipan niya?
Mabilis na naglakad si Lucy nang makita niyang pumasok sa isang sasakyan ang babae. Nagulat siya dahil akala niya hindi siya makakapasok sa sasakyan pero tumagos siya doon! Nakapasok siya sa sasakyan at katabi na niya ang babae kanina.
Nang muling tumunog ang bagay na hawak ng babae ay itinuttok nito iyon sa tainga nito.
“Cassey! Juice ko, alam mo ba? buti na lang hindi ako nalaglag kanina, imagine 3rd floor ng bahay namin ang kwarto ko tapos nag-ala jackie chan ako buti nalang talaga I'm smarty brighty. itext ko kaya si mommy? oo tama para hindi siya mag-alala sakin. juice ke naman 16 nako mag de-debut na nga ako tapos kung ituring nila ako para akong baby.” Sabi ng babae.
Mariin na napatingin si Lucy, ang kinakausap nito ay naroon sa loob ng bagay na nakatutok sa tainga nito? Paano iyong nangyari?
“Wait, Cassey, tatawagan ko na sila mommy, tiyak mag-aalalala iyon sa akin.” sabi ng babae at may pinindot ito sa bagay na hawak nito.
Nang igala ni Lucy ang kaniyang paningin sa loob ng sasakyan ay namangha siya. Walang ganoong sasakyan sa mundo nila at napakabilis ng sasakyan na ito! para silang lumilipad!
"Bakit hindi siya sumasagot? I-voice message ko nga lang.” Sabi ng babae.
“Mommy sa bahay nila Jex ako, ha? don kami magpapaganda, sorry mommy gusto ko talagang pumunta sa ball. I love you!”
“Hindi naman siguro aatake ang migraine ni mommy no?” sabi ng babae at tumingin ito sa lalakeng nasa harapan.
“Mamang driver, Doon po ako sa sampaloc paris st. "
Nagtataka na si Lucy. Bakit siya nasa ibang mundo? Bakit napunta ang kaluluwa niya sa ibang mundo at sino ang babaeng ito? sino itong nakikita niya?
Huminto ang sasakyan sa isang malaking bahay. Mabilis na bumaba si Lucy nang makita niyang bumaba na rin ang babae.
"Emma! ang tagal mo naman." Sabi ng isang babae rito na mukhang kaibigan nit.
Emman... narinig ni Lucy kanina na sinabi ng isang babae sa bahay ang pangalan nito. Kung ganoon ay...
Napatingin si Lucy sa babaeng kanina niya pa sinusundan.
“Emman ang pangalan niya.” Sabi niya sa sarili.
"Juice ko wag mo akong sisihin ang traffic kaya." Sabi ni Emma dito.
Sinuring mabuti ni Lucy ang mga tao sa kaniyang harapan. Kakaiba ang kasuotan ng mga ito, iba ang kulay ng buhok at iisa lamang pati na ang kulay ng mga mata. Ang mga bahay ay iba rin at lalong-lalo na ang mga sasakyan. Mayroon ring mga bagay na hawak ang mga ito kung saan malaya ang mga ito na nakakapag-usap.
Malinaw na malinaw na nasa isa siyang modernong mundo.
Nabasa na niya sa isang libro ang tungkol sa modernong mundo na iyon kung saan mayroong mga kagamitan na hightec, mayroong mga makabagong imbesyon.
Naglakad si Lucy at sinundan muli si Emman. Napatingin siya rito, naakngiti ito habang hawak ang kamay ng isang kaibigan nito.
Napansin ni Lucy ang isang babae na mayroong inaayusan. Mukhang sa isang kasiyahan pupunta ang mga ito base sa nakikita niya. Hindi siya mangmang sa mga ganoong bagay, kahit papaano ay may alam siya. Alam niya na ang mga nasa lamesa ay mga pampaganda at alam niya kung saan ginagamit ang mga damit na nakasabit sa gilid.
"Bakla, ang ganda mo." Sabi ni Emman sa isang kaibigan nito.
Hindi niya maintindihan kung bakit niya ito nakikita ngunit nagpatuloy lamang siya sa panonood at sa pagsunod kay Emman.