bc

Alipin Ako

book_age18+
4
FOLLOW
1K
READ
dark
family
heir/heiress
blue collar
drama
serious
city
rejected
like
intro-logo
Blurb

Mahal na mahal ni Selina ang nag iisang anak na babae kaya naman kahit na hindi maganda ang pagtrato sa kanya ng asawa na si Niel maging ng buong pamilya nito ay hindi siya nagpapa epekto.Ngunit hanggang saan ang kailangan na pagtiisan ni Selina huwag lang masira ang pangarap na buong pamilya para sa kanyang anak?Hanggang kailan magtitiis ang isang ina at babaeng ang nais lang din ay mahalin ng asawa?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Kasalanan mo yan, Celina! Kung hindi ka ba naman kasi lakwatsera ay hindi naman ako magagalit sayo! Alam mong walang ibang makakasama ang Ate Nene ay iniiwan mo pa talaga!” Napapikit na lang si Celina habang pinapakinggan na lang ang mga masasakit na salita galing sa ama ng kanyang nag iisang anak na babae na hindi niya pa matawag na asawa dahil hindi pa naman sila kasal kahit halos pitong taon na silang nagsasama. “Nagpaalam naman ako sayo, hindi ba? At saka, ngayon lang naman pinagbigyan ang mga kaibigan ko na matagal na talaga akong niyaya na lumabas at makipag bonding sa kanila,” ang katwiran ni Selina sa lalaking ka video call sa cellphone. Isang seaman si Niel at kasalukuyang nakasampa sa barko kaya naman sa cellphone niya lamang ito nakakausap at ngayon ay pinapagalitan pa nga siya. “Nagpaalam ka nga pero dapat agad ka kang bumalik sa bahay dahil alam mo namang may naiwan kang mag isa lang sa bahay at wala sa tamang pag iisip. Hayan at galit na galit ang ate Ula sayo dahil naabutan na mag isa at walang kasama si Ate Nene sa bahay. Paano nga naman kung may mangyaring masama sa kapatid namin? Maibabalik mo pa ba?!” ang patuloy na sermon pa rin ni Niel kay Celina na pinili na lang na manahimik dahil hindi matatapos ang pag uusap nila kung sasabayan niya ang galit ng asawa. Walang pasok sa eskwelahan ang nag iisang anak na babae ni Celina kaya naman ng niyaya siya ng isang pinsan na samahan itong mag mall ay pumayag siya. Ngunit bago naman siya umalis ay tinawagan muna ang live in partner para magpaalam at iniwan muna sa kanyang nanay ang nag iisang anak dahil mapapagod lang ang bata kung isasama pa niya. Habang ang isang hipag na may sakit sa pag-iisip ay iniwan ni Celina sa bahay dahil ganun naman mula't-mula ang senaryo. Kapag umaalis sila ng bahay ay naiiwan lang ang hipag niya sa kwarto nito at wala naman itong ginagawang kahit na ano. Lagi lang itong nakahiga sa kama nito habang nakatingin lang sa itaas ng kisame. Ang hindi mawawaan ng isip ni Celina ay bakit ganun na lang ang naging reaksyon ng panganay na kapatid na babae ni Niel ng abutan lang mag isa lang sa bahay ang kapatid nitong may sakit sa pag-iisip at isinama pauwi sa bahay nito at kung anu-ano na ngang natanggap na masasakit na mga salita ang natanggap naman ni Celina sa lalaking kinakasama na siguradong nakarinig ng kung anu-anong sumbong mula sa panganay na kapatid. “Ewan ko ba sayo, Celina! Bakit ba ikaw ang pinag aalaga nila diyan sa kapatid nilang abnormal?! Dapat diyan kay Nene ay kinukuha ng mayabang na si Ula dahil siya ang panganay na kapatid. Naturingan na teacher pero ugaling basura ang hipag mong hilaw na yan!” ang galit na komento ng nanay ni Celina ng malaman kung bakit hindi pa rin inakakauwi sa bahay ng lalaking kinakasama ang anak at apo. Kinuha pala ng panganay na kapatid ni Niel ang susi ng bahay at nilocked ang lahat ng mga pinto para hindi makapasok ang sinuman lalo na si Celina. “Ang katwiran po kasi nila ay dalaga si Ate Nene kaya doon siya dapat nakatira sa bahay ng kanyang mga magulang, “ ang malungkot na sagot ni Selina sa nanay. “Naku! Katwiran nila! Ang sabihin mo sadyang mga tamad lang yang mga ate niyang si Niel at sayo inasa yang pag-aalaga sa kapatid nilang abnormal! Uto-uto kasing babae ka! Kung hindi ka ba naman kasi tatanga-tanga ay kung bakit pumapayag kang ginaganyan ka nila! Dapat yang akala mo kung sinong si Ula ang siyang naglilinis ng dumi ng abnormal niyang kapatid at hindi ikaw! ” sermon ng nanay ni Celina na pinanlalakihan pa siya ng mga mata. Oo Tama Si Celina ang nag aalaga at nag aasikaso sa pangangailangan ng kapatid na babae ni Niel. At dahil nga may sakit ito sa pag iisip ay kailangan itong pakainin, painumin ng gamot sa oras at linisan kapag naiihi o dumudumi na sa sarili nitong saluwal. Wala naman din kasing magawa si Celina dahil hindi niya rin mapabayaan ang ate ng lalaking kinakasama dahil nga may sakit ito sa pag iisip. At isa pa, binilin talaga sa kanya ni Niel ang pag-aalaga sa ate nito. “Anong gagawin ko po, Ma? Kapag hindi ko inalagaan si Nene ay aalis kami ni Chloe sa bahay na yon. Saan kami pupunta na mag-ina? Tatanggapin mo ba kami dito sa bahay na ayaw na ayaw mo nga kaming sumiksik pa rito?” mga tanong ni Celina sa kanyang ina na hindi rin naman sila tinatanggap ng kanyang anak sa bahay nila dahil masyado na raw masikip. “At bakit parang ako pa ang sinisisi mo, Celina? Inutos ko bang magpabuntis ka sa lalaking yon, ha? At ngayon na ganyan ang kalagayan ng buhay mo ay parang sinisisi mo pa ako na parang kasalanan ko? Matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa dahil may anak ka na. Aanak-anak ka tapos gusto mo bumalik ka dito sa amin? Obligasyon ka na ni Niel dahil may anak na kayo. Kaya gumawa ka ng paraan na makabalik na kayo ng anak mo sa bahay ng tatay niya. Alam mo namang marami na kami rito sa bahay. Nag-aaral pa ang mga kapatid mo at kakarampot lang din ang kinikita ng tatay mo sa trabaho niya kaya mahiya ka naman kung dadagdag pa kayo sa mga pakakainin dito. Dagdag bayari sa kuryente, tubig at pagkain!!” patuloy na sermon ng nanay ni Celina sa kanya na kanya na lang na pinakinggan at hindi na lang iniintindi dahil nasanay na siya sa mga mapanakit din nitong mga pananalita at tahasang pagsabi na hindi na sia pwedeng tumira sa bahay kahit anak din naman siya nito. “Ma, hindi pa po ba tayo uuwi sa bahay natin? Miss ko na ang kwarto ko,” ani ng anak ni Celina sa kanya ng lumapit ito. “Oo, Chloe. Uuwi na tayo sa bahay natin,” ang tugon na lang niya sa anak kahit hindi pa alam kung paano niya makukuha ang susi ng bahay na kinuha ng panganay na kapatid ni Niel.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.2K
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.6K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.3K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook