Sa kusina tumuloy si Katherine para ihanda ang almusal na iniluto niya, ngunit naabutan niya roon si Aling Celia na halos patapos na sa pag-aayos niyon para sa kanya. “Heto iha at ituloy mo na sa hapag. Isusunod ko na ang tapa at daing. Tiyak na nagutom kayo mula sa pag-akyat sa greenhouse,” anang matanda sabay abot sa kanya ng serving plate na kinalalagyan ng garlic fried rice na niluto niya.” “Salamat ho, Aling Celia. Sige ho at ipagtitimpla ko na rin ng kape si Marcus,” paalam niya bago bumalik sa mag-ama. Ngunit mag-isa na lamang ni Antonio roon. “Where’s your dad?” usisa niya sabay lapag ng hawak. “Sabi niya may kukunin lang sa kubo, “ sagot ng bata. Tumango siya. “Are you still cold?” tanong niya nang mapansing nakapulot pa rin ang shawl niya sa leeg nito. Nang umiling ito ay

