“Kung gayon, I wish the two of you happiness.” Napaangat si Katherine sa ama. Tama ba ang narinig niya? “If troubles come your way, don’t hesitate to come to me, anak.” Pagkasabi n’yon ni Alejandro ay nilampasan na siya nito. Namasa ang kanyang mga mata. Nang lingunin niya ito ay nasa tabi na nito si Olivia na tila kabababa mula hagdan. Huminga siya nang malalim bago naglakas-loob na magsalita. “Have you ever wondered why I wanted to meet the person who saved me that night of the strong typhoon?” Kunot-noong napahinto ang matanda bago humarap sa dalaga. Umahon din sa mukha ni Olivia ang kuryosidad sa sinabi niya. Nagsimulang tumulo ang mga luha niya. But she’s happy that she’s finally telling them the secret she had been keeping for years. “I wanna thank him personally becaus

