Katherinewas stiff. Sa isang iglap naging manhid siya sa anumang emosyon pwedeng idulot ng mga sinabi ng ama. Tuluyan na niyang binuksan ang kanan para makababa. Inilinga niya ang mga mata sa paligid. Wala siyang matanaw kahit isang tauhan. Base sa mga nakikita niya ay kompirmasyon iyon na huminto na sa operasyon ang farm. Nang makita siya ng isang pamilyar na tauhan doon ay atubili itong lumapit sa kanya. “Naku Ma’m Katherine, sarado na ho ang farm at kasukuyang ipinagbibili na.” “Kelan pa ho Mang Ramon?” she asked flatly. “Isang linggo na Ma’m.” “A-ano raw ang dahilan?” malamig na tanong niya. Parang biglang napaisip ang nasa singkwenta’y anyos na lalaki sa tanong niya. Pakiramdam niya ay may ayaw itong sabihin sa kanya. Bumuka ang bibig niya para pilitin itong magsalita, ngunit

