CHAPTER ONE
“I don’t care about my ratings in poll surveys anymore. Whether I maintain strong lead over my opponent or not, I’ll stick with my decision about Katherine’s wedding with the young Saavedra. Besides, I’m old. If people will give me the chance to serve the province for another term, then I’d be grateful.” Tumikhim ang sitenta’y otso anyos na si Governor Amado bago nagpatuloy habang pinaglipat-lipat ang mga mata sa mga miyembro ng pamilya. “But for now, it’s my granddaughter’s honor that should take precedence over anything.”
Hindi makapaniwalang napaangat sa abuelo si Katherine at napatitig dito habang unti-unting namamasa ang gilid ng kanyang mga mata. Would he really risk his good reputation and political career just to make sure she and her baby would be given a name? Ngunit bastarda siya ng nag-iisang anak nitong lalaki.
They haven’t even met until her mother’s death para pahalagahan siya nito nang gano’n.
Marahas na napatayo si Beatrice, ang nag-iisang kapatid ng kanyang amang si Alejandro. “Pero Papa, alam mong malaki ang magiging epekto nito sa ugnayan natin sa mga Benitez, for Pete’s sake! Hindi pwede pakasalan ng haliparot mong apo ang nobyo ni Margaret!”
Bahagyang nandilim ang anyo ng don. “Get out.” Mahina ngunit puno ng awtoridad na baling ng gobernador sa anak.
“Pero Papa…” nangingiyak na napaupo na lamang ang babae habang kuyom ang mga palad. Ilang sandali lang ay halos magliyab na ang mga tinging ipinukol nito sa hindi kinikilalang kadugo.
Hindi na pinansin pa ni Amado ang pag-alma ni Beatrice. Sa halip ay humarap ito sa panganay na anak at manugang.
“Alejandro, Olivia, Marcus Saavedra is marrying your daughter,” pinal na anunsiyo nito sabay manuwestra sa tungkod saka lumabas ng library.
Nanatiling tahimik si Alejandro ngunit nasa mukha nito ang paghihirap ng loob. Their family has been friends with the Benitez since before his birth. Kaya’t isang malaking dagok sa relasyon nila ang naging hiling ng kanyang ama na pakasalan ng batang negosyanteng Saavedra ang kanyang anak matapos makumpirmang nagdadalantao ito.
Tahimik na umiyak si Katherine. Lubos ang pagsisisi niya matapos sorpresang bumisita ang sitenta’y anyos na si Governor Amado sa Dela Cerna Natural Farm mahigit isang buwan na ang nakakaraan.
Bihira magtungo roon ang abuelo mula nang namayapa ang ‘di na niya nakilalang abuela na si Donya Dolores. Ngunit sa kasawiang-palad, nataong sa araw na iyon muling bumalik sa farm si Marcus para sa huling araw ng pag-survey ng grupo nito sa nabiling farmland malapit sa kanila.
She’s attracted to him since the first time she set her eyes on him, kaya’t madali siyang bumigay sa panunukso nito sa pangalawang pagkakataon. Ngunit sa hindi inaasahan, the old man caught them sleeping together.
Amado talked to them first thing in the morning. He was furious over Marcus. Samantalang siya’y halos lumubog sa kahihiyan nang mga sandaling iyon. Higit nang marinig mula rito na fiancé ito ng anak ng pamilyang malapit sa kanilang pamilya.
Ngunit gayo’n na lang din ang pagkagulat ni Marcus nang malaman na hindi empleyado sa farm ang dalaga, kundi anak ni Alejandro dela Cerna.
Maaring hindi nito nalaman ang pagtatago ng mga tauhan sa farm sa tunay na katauhan ni Katherine dahil sa lugar na iyon na ito naglagi anim na buwan mula nang kunin ng ama sa Cagayan nang mailibing ang ina nito. Napag-alaman niyang nakiusap ito sa ama na manatili muna roon habang nag-aadjust pa sa bagong buhay kasama ng prominenting pamilya.
Samantala, sinadya naman ni Katherine ang hindi muna paggamit ng apelyidong dela Cerna. Nais lang muna niyang makilala bilang si Kate, isang ordinaryong empleyada sa farm at hindi bilang isang bastarda ng kanyang papa. Ang tanging nakakaalam lamang sa kanyang totoong pagkatao ay si Aling Rosa, ang isa sa mga tagapamahala roon.
Noong una’y tutol ang ama na ‘wag siyang ipakilala bilang anak nito. Ngunit sa pakiusap na rin niya ay wala na itong nagawa. Subalit ang totoo, ayaw muna niyang magdala ng kasiraan sa pamilya nito gayong muling tumatakbo ang kanyang lolo sa pagkagobernador.
Sa araw na iyon mismo sa farm, nagtapos ang pag-uusap sa pagitan ng abuelo at ni Marcus sa isang kasunduan. Kasunduang tuluyan siyang layuan gayong nakatakda na itong ikasal sa nag-iisang anak ng mga Benitez. But if he got her pregnant, he will demand him to marry her.
Hindi makatulog si Katherine, gabi ng araw na iyon. Naguguluhan pa rin siya sa mga nangyayari. She wanted to run away, but she’s afraid. She felt alone lalo’t hindi pa nagpapakita sa kanya si Marcus mula nang malamang buntis siya. Wala siyang numero nito dahil wala siyang pagkakataon na kunin iyon. Sa farm sila nagtagpo at nagkaroon ng ugnayan kung saan walang signal ng kahit na anong cellular network.
And she misses him.
Lumipas ang isang linggo…
Bumilis ang pintig ng kanyang dibdib nang katukin si Katherine ng kasambahay na si Luisa para ipaalam na dumating na ang mga Saavedra at pinapababa na siya. Sa araw na iyon nakatakda ang pormal na pamamanhikan ng pamilya.
Sinipat muna niya ang sarili sa harap ng malaking vanity mirror para tiyaking maayos at presentable siyang haharap sa mga ito. Lihim niyang ipinagpasalamat ang madrasta dahil kahit civil ito sa kanya ay tinulungan siya nitong mamili ng maisusuot para sa unang pagharap niya sa pamilya ng lalaking nakatakda niyang pakasalan.
Isang off-shouldered halter silky dress na hanggang tuhod ang pinili nito para sa kanya. Pinaresan niya ‘yon ng white flat sandals. For her jewelry, she was wearing a handcrafted necklace and earrings.
Hindi na niya masyadong inayusan ang kanyang buhok at nilagyan na lamang ng clip sa gilid. For her face, she enhanced her eyelashes with a mascara and defined her lips with a lip tint that complimented the perfect shape of her lips. She didn’t apply anything more.
Habang pababa siya ay mas lumalakas ang kabog ng kanyang dibdib.
Are they going to like her?
Naisip niya si Marcus. Wala siyang ideya sa kung ano ang nararamdaman nito matapos mapilitang hiwalayan ang nobya para pakasalan siya at bigyan ng pangalan ang magiging supling nila.
“Oh Mom, I wish you were here…” she whispered.
She was cold as dead when her feet finally reached the dining room.
Kay Marcus unang dumako ang mga mata niya. Napakaguwapo nito sa casual attire na printed polo at jeans, but his eyes were deadpan as he meets hers.
Pain.
“G-good evening,” puno ng kabang bati niya sa lahat. Kasama ni Marcus mga magulang na sina Franco at Victoria, abuela at abuelong sina Donya Blanca at Don Fidel. Naroon din ang mestisa’t nag-iisang kapatid nitong si Savannah na napag-alaman niyang isang modelo.
Pormal ang mga ito nang suklian ang pagbati niya. Ang mas nakatatandang babae ay halos hindi siya lingunin.
“Take your seat hija,” alok ng abuelong si Amado sa kanya.
Lalo siyang hindi naging komportable nang sa bakanteng upuan katapat ni Marcus siya nito paupuin. Kahilera niya ang kanyang ama at kabiyak nitong si Olivia. She has an older brother, Greg -her dad’s eldest with Olivia, but he’s currently in London taking up his master’s degree.
Meron pa siyang kapatid na babae, si Cristina, ngunit maaga itong namayapa sa edad na sampu dahil sa heart congenital disease. Sa dalawa, sinasabing ito ang pinakakahawig niya ayon na rin sa sabi ng kanyang lolo.
Nang magsimula nang i-serve ng mga katiwala ang pagkain ay si Donya Blanca ang nagbukas ng usapan.
“I heard you grew up in Tuguegarao, Cagayan, hija. Tell us about your life there,” simula nito sa tila nag-uutos na tono. Mukhang istrikto ito at mas dominante kesa sa asawang si Don Fidel.
Tumikhim si Savannah bago tila nakakainsultong pinasadahan ang kutis niya. “With her skin tone, I can tell life wasn’t easy for her and her mom.”
Bahagya siyang napayuko sa pagkapahiya sa panliliit nito. Hindi siya iyong masasabing mestisa ngunit maputi rin siya. Nangitim na lamang siya nang namanatili siya sa farm. Lalo’t minsa’y kinawiwilian niya ang pagtulong sa mga obra roon kahit sa kasagsagan ng init ng araw.
“You’re lucky you are a dela Cerna… and now soon to be Saavedra,” dugtong pa ng dalaga.
Bumalik ang mga mata ni Katherine rito. Para sa kanya, isa iyong panghahamak hindi lang sa pagkatao niya kundi na rin sa alala ng kanyang namayapang ina.
Sasagutin na niya sana ito ngunit biglang sumabad si Olivia.
“Ah hija, try the Menudo. I've read from a lifestyle article that it’s your favorite dish. Sana magustuhan mo,” nakangiting alok nito sa dalaga bago personal na inabot ang platter dito.
“Oh, thank you, Tita Olive. Sophia once mentioned you cook well.” Ang binanggit nito ay ang stepdaughter ni Beatrice na kakilala rin ng dalaga.
Ayaw sanang palampasin iyon ni Katherine ngunit nagpasalamat siyang sinalo siya ng madrasta. Kundi’y baka hindi niya mapigilan ang sariling dumipensa.
Dumako ang mga mata niya kay Marcus, ngunit mataman lamang itong nakatuon sa kinakain. Muli siyang yumuko para ipagpatuloy ang pagkain nang magsalita ulit ang donya.
“Hija, nakatapos ka ba naman ng kolehiyo?” taas ang kilay na tanong nito.
“Lola!”
“Mama!” halos sabay na suway ng mag-amang Franco at Marcus.
Napalunok si Katherine. Taas-baba na ang dibdib niya. Pakiramdam niya’y hindi na niya kayang tagalan ang panghahamak sa kanya.
Inis na tinapunan nito ng tingin ang binata. “I’m just asking. Look Marcus, I need to know! She’s going to be the mother of my first greatgrandchild. Dapat lang na kilalanin ko siya.”
Pasimpleng napailing na lamang ang mag-ama kahit labag sa kalooban na magpatuloy pa si Donya Blanca.
Sinikap huminga nang malalim ni Katherine, bago lakas-loob na sinalubong ang mga mata ng matanda. “Oho, napatapos naman po ako sa kolehiyo ng mga magulang ko.”
Bumaba ang isang kilay ng donya. Wari’y nakahinga sa isinagot niya.
“That’s good to hear. It would be a shame to Atty. Margaret if you are not even a degree holder.”
Napalingon siya sa amang si Alejandro. Nasa mukha nito ang pagtitimpi tulad ng lolo niya.
“But hija, can you try speaking in English, and oh, what course did you take up by the way?”
“Excuse me, kumpadre …” Hindi nakatiis si Alejandro sa harapang pangmamaliit sa kanyang anak kaya’t tinapos na nito ang pananahimik.
“Papa,” maagap na baling ni Kate rito para pigilan.
Nilingon ng dalaga ang mga panauhin nang pilit itinatago ang rigodon sa kanyang dibdib.
Iyon ba ang klase ng pamilyang pakikisamahan at kabibilangan niya pagkatapos ng kasal?
She raised her chin up. “My mom was earning a decent salary as head nurse in a municipal hospital in Tuguegarao until her death. She was not an heiress from a wealthy family but she inherited a few properties from her parents,.” she paused and shifted her eyes to the two patriarchs, then on Marcus, who obviously was surprised. “She married my Swedish stepdad Bill when I was five, but it was her own money that sent me in Singapore to complete a degree in International Relations.”
Hindi naitago ang paglaglag ng panga ng mga Saavedra sa mga sinambit niya.
Suddenly, Victoria broke into tears. “I’m sorry, I’m still hurting. I didn’t expect this to happen to Margaret and Marcus. That lady is very dear to me and I’ve expected her to be my daughter in law.”
Tears fell from Katherine’s eyes. Dumako ang kanyang mga mata kay Marcus na halos walang ginawa para pigilan ang pagpapahiya sa kanya ng pamilya nito.
His expressionless eyes are on her.
Marahan siyang tumayo at nilingon ang kanyang papa at Lolo Amado. “I’m sorry, Pa, Lolo, but please allow me to call the wedding off. I-I can’t force Marcus to marry me and his family to accept me just because of my baby,” buong-pasyang pakiusap niya. “Kung hindi n’yo ho tatanggapin ang desisyon ko, please let me go back to my old life.” Pagkasabi niyon ay magalang siyang humingi ng paumanhin sa iba pa nang hindi na muli pang nilingon si Marcus.
Subalit nakakadalawang hakbang pa lamang siya nang dumating si Margaret. Ikinabigla niya ang presensiya nito roon.
Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata sa sama ng loob. Gano’n na ba katindi ang pagpapamukha ng pamilya ni Marcus sa kanya para papuntahin pa ito roon?
Sa kanya agad na nadako ang atensyon ng babae. Nangangapoy ang mga nanunumbat nitong mga mata.
“Oh, so you are the illegitimate dela Cerna who seduced my fiancé.”
Maagap na tumayo si Marcus para pigilin ito dahil tila susugurin siya nito.
“Are you happy now? Masaya ka na ba na nakasira ka ng isang magandang relasyon, huh!” The young lawyer started to cry habang pilit kumakawala mula bisig ng dating kasintahan. Ngunit ‘di tuminag ang mga namumuot ng titig nito kay Katherine. “Listen, lady, Marcus only wants your child not you! He even promised me to marry you abroad, so he can get a divorce and leave you after two years! Ganyan ako kamahal ng lalaking kinalantari mo!”
Pakiramdam ni Katherine ay sinaksak siya ng punyal sa dibdib sa mga narinig mula kay Margaret.
If she’s crying, hindi niya alam. Dahil nang mga sandaling iyon ay tila tumigil ang mundo niya sa katotohanang anak lamang niya ang kayang tanggapin ni Marcus, at ‘di kailanman siya mapapabilang.
“Let’s go,” galit na wika ni Marcus sa dating nobya saka sapilitang inakay palabas. Ngunit napahinto si Margaret. Humarap ito sa dating nobyo nang walang salitang lumabas sa bibig. Nagpatuloy lamang ito sa mahinang pag-iyak habang pinagbababayo sa dibdib si Marcus.
Marcus pulled her on his chest as she continued to cry.
He brought his lips on top of her head at ipinikit ang mga mata nito habang may mga mahinang salitang binibigkas para sa dating nobya.
Tuluyang nang tumalikod si Katherine. That was the scene that kept coming back into her mind for days.